Ang tanong, bakit nga ba ako dapat pagkatiwalaan?

20 76
Avatar for DennMarc
2 years ago

Aba, nagulat ka siguro dahil ngayon mo lang ako nakita o nabasang nagsulat ng tagalog hindi ba? Hindi ko rin alam kung bakit tagalog ang ginamit kong lingwahe ngayon, siguro masyado na kong napagod sa araw na ito at gusto ko ng ipahinga ang utak ko sa pag sa salita at paggamit ng Ingles. Dahil kanina rin ay may nakausap akong foreigner sa mall, katabi ko sya at nagtatanong sya kung saan may pinakamalapit na sakayan papuntang Trece Martirez City. Kung mangggaling ka sa Tanza, 45 to 1 hour ang guguluhin mo bago ka makarating sa SM Trece kung saan ang babaan ng mga pasahero ng jeep.

Ngayon nga, bigla ko lang naisip na bakit nga ba ako o tayo dapat pagkatiwalaan ng isang tao? Palagay na natin na hindi lamang isang tao kung maraming tao. Ano nga ba ang kahalagahan na may tiwala satin ang isang tao at paano natin maaalagaan ang tiwalang ibinigay nila sa atin. Siguro nga marami sa rin sa atin ang may mga tinatawag na trust issues kung baga, iyon ang mga taonh nag tiwala ng lubos pero hindi nabigyan ng halaga ng taong pinagkatiwalaan niya. Masakit man isipin pero ano nga ba ang gagawin natin kung hindi ang intindihin ang mga taong may mga trust issue.

Bago ko pa simulan ang blog na ito, nagpapasalamat ako sa mga taong walang sawang sumusuporta at nag titiwala sa akin. Hindi ko mawari pero parang pakiramdam ko, ang suwerte kong tao dahil napapaligiran ako ng mga mabubuti at hindi mapagsamantalang mga tao. Alam mo iyon ang pakiramdam na kapag maraming taong nagtitiwala sayo, mas tumataas ang kumpiyansa mo sa sarili mo dahil nararamdaman mong hindi ka mag-isa. Hindi ka mag-isa sa mga problema at may mga tao kanh pwedeng lapitan at hingian ng tulong. Hindi ba't ang sarap lang sa pakiramdam na iyon?

Kapag tayo pinag katiwalaan ng mga tao, hindi mo ba naiisip kung anong nakita nila sayo at bakit sila nag tiwala? O kaya naman bakit patuloy silang nagtitiwala sa atin hanggang ngayon? Dahil ako mismo sa sarili ko, madalas akong nag tatanong sa sarili ko na deserve ko ba ang mga tiwala nila sakin? May mga pag kakataon kasi na minsan magkakaroon ka ng alinlangan sa sarili mo. Alinlangan na madalas humahadlang satin na gawin ang pinaka best natin at makamit ang mga bagay na kay naman talaga nating gawin. Oo, makikita mo sa sarili mo na maayos ka naman, disente kang tao, at may mga nagawa kana sa buhay mo pero bakit kaya nakadikit pa rin yung alinlangan?

Ang tanong na bakit nga ba ako dapat pagkatiwalaan? Ikaw lang sa sarili mo ang makakasagot niyan. Mas kilala mo ang sarili mo at mas kaya mong i depensa ang sarili mo na bakit ka dapat pagkatiwalaan ng mga tao. May mga pagkakataon na tinatanong ko sa mga kaibigan ko na bakit ang laki ng tiwalang ibinibigay nyo sakin? May mga kaibigan ako na sumagot dati na dahil daw mabuti akong kaibigan at lagi akong tumutulong sakanila. O kaya naman ang iba, sinasabi nila sakin na dahil daw ang transparent kong tao, madali lang akong pagkatiwalaan. Alam mo yon, ang laking factor na minsan nag oopen ka rin sa mga kaibigan mo dahil sa ganoong paraan nararamdaman nilang nagtitiwala ka rin sakanila.

Kung baga, ang tiwala palitan lang siya. Nagtitiwala ako sayo at magtitiwala ka naman akin. Ang sarap lang din sa pakiramdam na alam mo sa sarili mo na katiwa-tiwala kang tao. Sa panahon ngayon, ang tiwala ay hindi na kayang tumbasan ng pera, materyal na bagay at panunuyo. Kapag nabasag at nasira mo na ang tiwala ng ibang tao, sa tingin ko ang hirap na siyang ibalik at maging maayos muli. Subalit may mga pagkakataon naman na ang tiwala, kapag nabasag, at binigyan ng pagkakataon ulit, mas tumitibay at mas nagiging solido ang pundasyon. Kaya naman kung may kakilala kang tao o mga taong nagtitiwala sayo ng lubos, huwag mo sayangin ang tiwala nila sayo. Pahalagahan mo at protektahan mo ito.


Sponsors of DennMarc
empty
empty
empty

Thanks for the sponsorship.

Thanks for reading! I'll see you next time!

10
$ 0.37
$ 0.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Jane
$ 0.02 from @LykeLyca
+ 1
Sponsors of DennMarc
empty
empty
empty
Avatar for DennMarc
2 years ago

Comments

Ang pagtitiwala ang kung baga kadikit na nito ang sakit pag sinira mo lods. Di lang siya importante, kundiimportanteng importante siya na dpat talaga meron ng bawat isa sa atin.

$ 0.00
2 years ago

aww. parang may pinang huhugutan ka ata dito bro, lol

$ 0.00
2 years ago

Haha mema lang yan bro, wag padadala. Haha

$ 0.00
2 years ago

Sa lahat, tiwala talaga ng tao ang wag na wag sisirain, dahil para din yang bagay na babasagin, pag nabasag hindi mo na ulit mabubuo pa. Mabuo man hindi na kasing tibay yan nung dati. Lahat tayo gusto nating pagkatiwalaan tayo, pero hindi lahat ng tiwala naiingatan.

$ 0.00
2 years ago

Tama po ate. Nakakatakot lang din na kapag nawala yung tiwala ng tao sayo, kahit na ang dami mong magandang bagay na gawin sakanya, hindi na maibabalik yung dating relasyon niyo.

$ 0.00
2 years ago

That's true. Mahirap na talaga magtiwala ones na betray ka na ng isang tao.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga po pahalagahan ang tiwala at wag gumawa ng alam mong hindi makakasira ng tiwala nya.

$ 0.00
2 years ago

Aba..nagtagalog ata..buwan ng wika pb? Haha..i trust you too hehe

$ 0.00
2 years ago

Tapos na ate, medyo napagod ang ferson kakaingles. Hindi ko na kaya mag sulat ng English. Salamat sa tiwala mo ate Jane. Alam mo yarn.

$ 0.00
2 years ago

i totally trust you den and you know that hihi. Maybe i can sense sa tao if he/she is genuine bago ako mag trust but yeah, instinct is not 100% true all the time kaya minsan mga pinagkakatiwalaan natin can be kabaliktaran pala

$ 0.00
2 years ago

I know it so well, Ji. Ayun, diba alam mo naman how thankful I am talaga. Kaya super grind ako to repay back and all. Hmm, oo minsan pahamak din ang instinct eh, haha. kasi nandun yun impression din.

$ 0.00
2 years ago

Dami na akong trust issues Marc simula nung nalaman ko na hindi pala totoo. Akala ko tunay na kaibigan yun pala nakikipagkaibigan lang pag may kailangan. 🥺

$ 0.00
2 years ago

Nyii. Ekis talaga kapag ganyan ate. Hindi friendship ang nabubuo sa ganyan kundi yung form of wants and needs nalang ninyo.

$ 0.00
2 years ago

Ako di ko masasabi na katiwa tiwala akong tao, tinatanong ko din ang mga kaibigan ko kung bakit tiwala sila na di ko sila gagawan ng masama, pero ang sagot lang nila, nakita daw nila kung gaano ako mapapagkakatiwalaan ng sobra. Sa totoo lang, mga babae mga kaibigan ko at karamihan sa kanila nagiinom kasama ako, komportable silang kasama ako kase sabi nila kilala naman daw nila kung sino ako.

$ 0.00
2 years ago

Whoa! Maganda na nakikita ka nilang katiwa-tiwala bro. Kasi kapag ganon baka nakitaan ka nila before na trustworthy enough ka. Ayun, wag mo lang talaga sisirain yung tiwala nila dahil ang mga babae, madali yan mag ka trust issues eh.

$ 0.00
2 years ago

Nakaka proud sa sarili yung may taong trusted sayo buti nalang di ako na no nosebleed ngayon sa article mo😅

$ 0.00
2 years ago

Sorry na po. Hahaha. Baka mamaya mag tagalog ulit ako. Nag rereview na rin kasi ako ate. No time to proof read na.

$ 0.00
2 years ago

Goodluck sayo🙏🥰

$ 0.00
2 years ago

Tama Marc dapat pahalagahan natin yung ibinibigay na tiwala sa atin ng mga taong nakapaligid sa atin dahil kapag itoy nawala mahirap na talaga ibalik.

$ 0.00
2 years ago

Maraming mga kaibigan kasi ngayon na akala nila kapag kaibigan mo na sila, nandun na agad yung 100 % na tiwala mo at hindi na mawawala. Pero alam mo yun ate, kapag ganon kasi hindi solido ang tiwala ng tao.

$ 0.00
2 years ago