Before I start this story, isang malaking shout out sa aking mga pogi at magagandang sponsor, wag sana kayo magbago and stay kind and supportive to those newbie like me. God bless you all.β€β€
CHAPTER 1 CONTINUATION
David's POV:
Sobrang tahimik ng room siguro dahil konti palang kami dito sa room, pero grabe ang seseryoso nila, parang aral na aral talaga sila habang ako dito sa likod tamang chill lang habang nakikinig ng music. Naisipan ko na magbasa na muna ng novel, hilig ko kase magbasa ng libro lalo na kung interesting yung title. I was busy reading and di ko napansin na marami na pala kami sa room, nagulat ako ng biglang umingay, yun pala magkakakilala yung iba. Napagalaman ko na this section is alloted for those scholars, at isa na ako dun. It means hiwalay ang rooms ng mga mayayaman, wow look at how this institution works, hindi pwedeng maghalo ang mga normies sa mga alien?. It's already 11 AM it means malapit na magstart yung class. Busy ako sa pagbabasa ng libro ng napansin ko na biglang tumahimik yung buong room. Nacurious ako kaya tiningnan ko kung anong meron yun pala may pumasok na magandang babae, at first di ko masyadong pinansin pero di ko mapigilan na mapatingin sa kanya. I see a beautiful angel approaching to my direction, she's wearing a beautiful smile that's makes everything slow. I see her beautiful face and her perfect aura, bigla na lang bumilis tibok ng puso ko, wait is this what they call love at first sight? wait nooo, I'd neve felt this before. I was busy daydreaming ng may narinig akong nagbubulungan sa harap ko.
"Mukhang magiging maganda ang school year na ito haha"
"Dude she's mine"
"No way, tingnan mo saken siya nakatingin kaya dito yan sa tabi ko uupo"
Nakikinig lang ako sa kanila, tataas ng confidence, bumalik na ako sa pagbabasa nagkunwari na lang ako na wala akong nakita. May tumabi sa akin pero di ko na tiningnan busy kase ako sa pagbabasa dahil nasa climax na yung story. I look at the time, medyo malapit na pala magstart yung class kaya nilagay ko yung book mark dun sa page na susunod kong babasahin, nagulat ako kase nagtinginan sa direksyon ko yung mga kaklase ko. Yun pala saken tumabi yung babae kanina, she's busy checking her bag, napatingin ako sa gawi niya parang familiar siya saken, parang nakita ko na siya kanina. Tumingin din siya saken kaya umiwas ako tingin. Tapos nun dinaldal na siya ng katabi niya pang babae, ako lang ata walang kaclose dito. Maya maya pa may dumating na isang lalake, ito naman sobrang ingay, pagpasok palang ng room nakikipagkilala na agad, siguro friendly lang talaga siya. Umupo din siya sa tabi ko, hinayaan ko lang siya hanggang sa may napansin siya saken.
"Uy familiar ka saken, (surprised) sabi na nga ba ikaw yung Valedictorian last year, remember ako yung pang top 5 overall, BTW ng ganda ng speech mo, gusto nga sana kita iapproach nun kaso andaming lumalapit sayo, (inilahad ang kamay) I'm Hanz Lemar Valdez".
" Ganun ba I'm Davidson Alvarez, hindi naman maganda ang speech ko nun and we deserve to graduate despite of struggles we encountered"
"Nakakanose bleed naman English mo hahaha, ano pa nga ba ang aasahan sa Valedictorian diba? buti na lang may kakilala ako dito para naman may madaldal ako hahaha"
Nginitian ko lang siya, buti na lang at hindi niya kilala ang surname ko, ayaw kong may makakilala saken dito dahil sigurado dudumugin ako ng tao dito. Mas ok ng itago ko yung identity ko para narin sa kapakanan ko. After 10 minutes, dumating na yung instructor namin, akala ko terror pero mabait naman pala. She introduced herself to us and the syllabus of this course. Nagulat na lang ako ng sinabi niyang please introduce yourself. Ano pa nga ba ang aasahan sa first day eh lagi namang may introduction. Nagstart sila sa harap, ang gaganda ng introduction nila. Dumating yung time na kami naman sa likod ang magiintroduce, nagsimula doon sa pinakadulo, hayszz ayaw ko pa naman ng ganto.
Lhaine's POV:
Pinili kong umupo dito sa likod dahil malapit sa aircon kase sobrang init. Nakita ko yung lalaki na busy sa pagbabasa, parang familiar siya saken, oo nga siya yung lalaki kanina sa ground, di ko alam na kaklase ko rin pala siya, pero bat parang ang sungit niya, pinaglihi ba siya sa sama ng loob? At heto ako ngayon, malapit na magpakilala, yung babae muna sa dulo yung nagpakilala.
" Hello guys I'm Samantha Loraine Del Chavez, I love watching and dancing on tiktok then I also like reading books specially wattpad stories, nc to meet you everyone" next naman na tumayo yung babaeng nakilala ko kanina.
"Hi everyone, I'm Hannah Galanga, I'm 17 turning 18, I also love reading books specially wattpad, I'm a friendly person so nice to meet you all"
Oh my gash, ako na pala next na magpapakilala, parang gusto ko ilibing yung ulo ko dito sa semento huhuhu, kita ko na tinginan silang lahat saken, nakakahiyaaaaaaa.
"Ahmmm..ahmm..ma..my name is Lhaine Salazar, I'm a book lover and also I'm good at eating hehehe..(grabe nakakahiyaaaa bakit yun pa nasabi ko) tinginan sila saken sabay tumawa yung iba, nakakahiyaaa pero di kumibo yung katabi kong lalake, may sarili sta siyang mundo. Narinig ko na may nagtanong kung may bf na ba ako pero pinigilan siya ng instructor woahhhh, nakaligtas din ako. Nagpatuloy na sa pagsasalita yung instructor habang kami nakikinig lang. Tapos nung end class na biglang nagsilapitan yung mga lalake, kala ko kung ano na yun pala may mga tinatanong lang.
"Hello miss, free kaba today baka gusto mo ilibre kita sa labas?"
"Oh wag ka makinig jan miss, libre kita ngayon sa canteen gusto mo?"
Di ko alam kung ano isasagot ko, baka isipin nila kj ako, I need help now huhuhu buti na lang to the rescue yung babaeng nakilala ko kanina.
"Tumigil nga kayo, wala kayong mauuto dito, kung gusto niyo kumain edi kumain kayo magisa, parang di kayo mabubuhay kung wala kayong kasamang mga babae, mga babaero talaga kayong mga lalake"
Woah ang artig niya, sana kaya ko din gawin yan, napaalis niya yung mga lalake, tumingin ako sa kanya sabay ngiti, buti na lang may taga pagtanggol ako heheh. Pero may isang lalakeng sumabat.
"Grabe naman, di naman lahat ng lalake manloloko, porket ba naloko ka ng isang lalake ay sasabihin mo ng lahat kami manloloko wag ganun, mababait kaya kami"
Ramdam ko na yung tension sa dalawang to lalo pa ng sumabat si Hannah.
"Sino bang may sabi na lalake ka?"
At ayon doon na nagsimula yung quarrel ng dalawa, mukhang magiging masaya ang school year na ito, hoping na madami akong maging kaibigan at kabonding.
END OF CHAPTER 1.
Author's Note:
Finally natapos ko nadin chapter one thanks sa pagbabasa and you can iwan iwan comments for me, I'll accept it good or bad.ππ
Ung si hanna tas yung lalake, give more exposure wirterrr, gusto ko mga gangang quarrel to lovers ehh haahhaha