Dito naman tayo sa discussion about morality guys, maganda kase ang topic na ito dahil tumatalakay ito sa moral standards ng isang tao, pag sinabi kaseng standards yun yung dspat sundin o di naman kaya hindi nababago ng kahit anong bagay. Halimbawa pag sinabing dapat irespeto ang mga nakakatanda, moral standards yun ibig sabihin universal rule siya na kahit anong culture or traditions meron ang isang lugar, absolute na talagang igalang ang mga nakakatanda. Sa mga nakaraang article ko lagi kong binabanggit na ang morality is knowing what is right and wrong, ibig sabihin alam dapat natin kung ano ang tama at mali kahit na sabihin natin na may mga bagay na sumasagabal sa atin para malaman natin ang tama sa mali.
Halimbawa ko dati ay yung lalake na nahuli ng authority at isa siyang miyembro ng terrorista. Marami siyang kaso at napatay na at habang nililitis siya ng hukuman, dinepensahan siya ng abogado niya, dapat mababaw lang ang parusa niya dahil kinidnap siya ng mga terorista nung bata siya at lumaki siya sa kaisipan na kalaban ang mga taga labas, sinabi pa nung abogado na walang nagturo sa kanya tungkol sa tama at mali dahil tanging mali lang yung pinakita sa kanya. Para sa akin, may pananagutan padin siya, kase yung isang tao habang lumalaki yan kahit na sabihing walang nagturo sa kanya tungkol sa tama at mali, nasa nature na talaga ng tao na malaman kung tama o mali ang kanyang ginawa, kaya napakawalang silbing idahilan na lumaki siyang hindi alam ang moralidad.
Pasensiya na kung gigil ako, ganto talaga pag walang jowa. Anyway, balik tayo sa topic, alam mo ba ang ibig sabihin ng moral development? yun yung stages ng tao na malaman ang mga bagay bagay sa paligid niya habang lumalaki siya. Halimbawa nung bata ka, siyempre wala kapang muwang noon pero habang lumalaki tayo, naliliwanagan tayo sa mga bagay bagay, alam na natin na mali pala yung bagay na yun kaya hindi ko susubukan. Habang lumalaki tayo, nalalaman na natin kung anocyung dapat nating piliin kaso ang kaakibat kase ng morality is freedom to choose and freedom to act.
Pag may pinili ka sa dalawang choices dapat mag act ka pero dapat sure kana paninindigan mo kung ano yung choice mo. Halimbawa pinili mo na ibigay yung virginity mo dun sa boyfriend mo tapos bigla kang nabuntis, siyempre wala kang ibang masisisi kundi sarili mo kase yoy have the freedom to choose and you act for it, ngayon pinili mo yung mali kaya ngayon paninindigan mo yung kinalabasan ng choice mo. Kaya pala nung pinili ko siya, nagkamali ako.
Doon sa development na yun may ibat ibang stages, ito pinag aralan ko sa ethics namin eh ishashare ko lang sa inyo. May tatlong levels development ng morality at may 6 stages. Uunahin muna natin yung Level 1 Pre-conventional morality dito pumapasok yung stage 1.
Stage 1: Obedience and Punishment
Dito sa stage ng morality, ito yung naaapply sa mga bata bale ito yung pinakamababa. Ito yung sumusunod ka lang kase takot ka maparusahan. Diba sa mga bata, ayaw nilang sumuway sa utos kase takot silang mapalo ng mga nanay nila, may ganyan din sa mga adults. Halimbawa sa school, kapag maingay yung biglang magsasaway yung president na wag maingay baka maguidance yung buong klase. Doon palang makikita natin na takot yung president na makakakuha ng punishment which is yung maguidance.
Stage 2: Naively Egotistical
Dito naman sa stage nato, gagawa ka lang ng kabutihan sa iba kase may hinihintay kang kapalit, sobrang nangyayari yung gantong stage sa atin ngayon. May mga tao na tumutulong at yung taong tinutulungan is merong utang na loob, minsan yung mga taong tumutulong is naghihintay ng kapalit tapos kapag walang nakuhang kapalit doon na siya manunumbat, isa ring definition ng stage ito ay yung magbibigay ka pero hihingi ka ng kapalit, halimbawa sasabihin mo dun sa friend mo na bigyan kita ng kinakain ko pero bigyan mo din ako.
Level 2: Conventional Morality
Stage 3: Good boy-good girl
Dito naman papasok yung tinatawag na good boy and good girl orientation, ito yung gagawa ka pa ng maraming baapgay dahil may natatanggap kang papuri sa ibang tao at walang mali dito, kahit sa mga adults naman nangyayari ito. Halimbawa sa trabaho, maganda yung ginagawa mo at lagi kang pinupuri ng mga co-workers at boss mo siyempre tataas yung confidence mo at lalo mo pang gagalingan para makakuha ka pa ng maraming papuri.
Stage 4: Law and Social Order
Dito sa stage na ito papasok yung Law, it means sumusunod yung tao batay sa rules and order na nakaimplement without questioning kase nga law yun at kailangan sundin. Halimbawa pag may sign na bawal tumawid dito, as a person with morality siyempre susunod ka kass may dahilan kung bakit may ganung sign na nakalagay doon.
Level 3: Post Conventional
Stage 5: Legalistic social contract
Sabi sa research, 80 percent ng Filipinos ang hindi nakakarating dito sa stage 5, ibig sabihin hanggang stage 4 lang which we are following the law and social orders. Pero dito sa stage 5, makikita mo na yung mga tao ay matured na talaga. Dito na papasok yung binabalance mo yung opinion ng bawat isa, hindi ka biased at hindi ka one sided lang kung baga tinitignan mo kung ano yung pinakamaganda sa dalawang pagpipilian. Halimbawa, sa election ngayon, maraming mga pinoy na close minded at one sided, kaya nagkakaroon ng debate sa mga supporters ng magkabilang panig kase hindi nila tinitingnan kung ano ang pag pagkakapareha at pagkakaiba ng dalawa, kung baga tatalon agad sa conclusion ng hindi pa nasisimulan ang background of the study. Ayan na napunta na tayo sa research, anyway thank you sa pagbabasa kung nakarating ka dito, pwede moko awayin kung against ka dito.
Pinaka magandang Gawin ay sundan natin Ang utos Ng diyos ....mabubuti Ang utos Ng diyos