Ito na naman magsusulat na naman ako ng article tungkol sa pagibig, bakit nga naman ako gagawa ng ganitong article eh wala naman ako lablife hayszz pighati. Pero sabi nila na dabest daw magadvise o di naman kaya magsalita about love ang mga single. Wag niyo ako husgahan bitter talaga ako, ginagawa ko lang ang article na ito dahil gusto ko magbreak lahat ng magjowa sa mundo. Walang magmamahal para wala ring bitter. So ayun sisimulan ko na yung article na ito.
Naniniwala kana ipinanganak ang tao na may pagmamahal na sa puso? Yes tama ka dun, pinanganak yung tao na may malinis na kalooban at puso kaya mali yung paniniwala na ipinanganak ang isang tao na walang pagmamahal. May ibat ibang factors kase kung bakit nawawala yung pagmamahal ng isang tao, maaring dahil sa environment niya, maaring walang hustisya nakuha, o di naman kaya may madilim na nakaraan. Yun yung dahilan kung bakit may masasamang tao pero naniniwala ka na nagbabago ang isang tao dahil sa pagmamahal?.
Imaginine mo isa kang mafia boss tapos may nakilala kang cute na babae o di naman kaya poging lalake tapos binago niya buhay mo. Kaso di mangyayari yun. Anyway balik tayo sa topic, normal lang naman sa atin ang magmahal, kahit nga nung bata tayo meron na agad tayong crush. Ako nga nung elementary days ko meron ako crush sabay gusto ko na mapangasawa, naalala ko binibigyan ko yun ng love letters na may tag dos na sing sing sa loob. Pero hindi ako ang gusto awts, iba din pala ang crush pero okay lang, nakalimutan ko na feelings ko nung lumipat na kami dito sa Manila. Ikaw anong kwentong elementary mo?.
Sa mga matatanda tinatawag talaga na love yun, yung feeling na nakita mo yung magandang dilag o di naman kaya yung guwapong binata sa may birthday party sabay biglang tumibok ang iyong puso at sinabing anak itabi mo ako na. Bigla kang na love at first sight tapos kinuha mo fb o di naman kaya cellphone number sabay naging chat mate. Tapos nun nagkadevelopan ng feelings at nagkatuluyan pero in the end di kayo para sa isat isa, awtsss pinagtagpo pero di tinadhana. Okay lang yan part of life yan at siyempre experience nadin.
Minsan naman sa pagibig akala mo pang habambuhay na pero trial card lang pala, yung tipong sa una lang masaya, yung tipong sa una ka lang minahal tapos naghanap na ng iba. Parang gusto mo na lang kantahin yung leron leron sinta para malaman mo kung ano yung masakit eh, yung nahulog ka sa sanga o naghanap siya ng iba. Pero wag magpakasadboy o sad girl, ganun naman talaga kahit na gaano kapa kaeffort at ibinigay mo na lahat, kung magloloko yan magloloko yan. Kase kung walang paninindigan yung isang tao wala tayong magagawa. Hayaan mo na ang karma ang gumanti para sa atin.
Reason naman kase ng mga naiwan eh nagsawa daw sila, masyado na daw toxic without knowing na sila ang may mali pero hayaan na lang natin. Siguro hindi lang nila nakuha yung gusto nila, sa totoo lang may mga lalake kase na gusto lang makuha yung virginity ng isang babae, at dahil may moral yung isang babae, maghahanap ng ibang butas yung lalake na pwedeng mapasukan tapos pag nahuli, idadahilan na nagsawa daw sila.
Dito na papasok yung lust o sa tagalog is libog, yung feeling na nabuo yung love dahil sa libog, yung tipong everyday is happy day. Mali iyon kapatid, hindi love ang tawag dun kundi kalibugan. Ang sabi sa psychology kapag ang isang lalake ay laging kinikiss ka sa lips ibig sabihin nun gusto nun na mag make love kayo pero kapag ang lalake ay palagi kang hinahalikan sa noo kahit sa harap ng maraming tao, ay mare ikeep mo yung lalakeng yan kase napakarare makahanap ng ganyang guy na totoong love ang pinapakita niya sayo, in short keep moko, uwu.
Keep a man that will face you on altar not on bed, alam ko na nandun yung point na kapag dalawa kayo sa kuwarto sabay walang tao sa bahay, anong gagawin niyo magbibible study? Siyempre matic na yan, at dun na ulit papasok yung morality, kapag may paninindigan kana ayaw mo pa, gusto mo hintayin yung right moment, iiwas kadun sa temptation at sasabihin dun sa jowa mo na hindi ka ready. Kapag naintindihan yun ng partner mo o di naman kaya siya na mismo ang umayaw, aba mare magpakasal na agad kayo.
Laging isipin na mahal ang bigas ngayon, sabay mahal din ang diaper at gatas, kung gusto niyo bumuo ng pamilya, mas okay kung meron kayong 2 million na naipon. At yun dito ko na tatapusin ito, isasama ko sana yung puppy love ng mga bata at teenagers pero siguro sa next article na lang.
Dun tayoo sa 2 million mina BAgo yung ina hahaha.tamang grind lang wag papaapekto samga bagay bagay.. pero pwede namann cuddle langg grabe kana hahaahha