Trip to Manila

21 41
Avatar for Cleophia2
2 years ago

March 21, 2022

Magandang araw ng sabado read dot cash family, kumusta kayung lahat ?Tayo ng mag ingay at magsulat ng mga kaganapan sa buhay.

Ang aking ibabahagi ngayon ay salitang tagalog ang aking gagamitin sapagkat ang aking utak ay tuyong tuyo na sa salitang English so ngayon pasensya na muna sa mga kaibaigan natin na mga foreigner dyan hahaha.

Naisipan kong ibahagi ang aking karanasan noong panahon ng paalis ako ng Pilipinas. Natatawa nga ako dahil baka pati sekreto kung malupit ay maibahagi ko rito magkaroon lang maisulat hahaha alam mo yun.

O siya ito na muna ang aking kwento fasten your seat belt charut.

Taong 2016 ito yung challenging na taon para sa akin ang dami kong realisasyon sa buhay mga mabibigat na desisyun na hanggang ngayon ay pinaninindigan ko pa rin.

Papuntang Manila

Sa mga mag a apply na katulong sa ibang bansa kailangan pa nating mag proseso ng mga papelis na aabutin pa ng isang buwan at iyun ay sa Manila at dahil ang lugar namin ay sa Cebu kaya kailangan lumuwas pa Maynila.

Noong nalaman ko na may skedule na ako at ticket ng barko papuntang Manila hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung ma excite ba ako or malulungkot pero sa pagkakaalam ko noong mga oras na iyun ay lungkot iyung nangingibabaw.

Unang beses akong maka apak ng barko at wala talagang ideya kung paano mabuti at tatlo kaming aplikante na magkasabay kaya ako sunod lang ng sunod sa dalawa kung kasama hahaha napaka ignorante ko pa noon.

Pagdating namin ng pier kabado na may kasamang lungkot basta mix emotion na yung naramdaman ko dahil sa wakas naabot ko rin ang Maynila hahaha pangarap ko talaga noon na makapunta ng Maynila kasi sabi nila puputi ang balat mo kapag nasa Maynila ka sabi ko ito na talaga nasa Makati na kami.

Accommodation

Meron bang taga Makati dito? hihi , 1779 Dian Street corner casino street Barangay Palanan Makati City ,ito yung lugar ng Accommodation ng agency na ina aplayan ko. Nag stay ako dito ng isang buwan sobrang hirap kapag nasa Accommodation ka nag stay kasi may option ka kung may kamag anak ka sa Maynila pwede kang hindi mag stay sa Accommodation pero minomonitor ka pa rin ng agency.

Kapag nasa Accommodation ka dito talaga ma test yung pasensya mo dahil sobrang higpit at lalong lalo na kailangan mong makisama sa mga ibang aplikante at alam naman natin na kahit saang larangan ay may mga tao talagang mahirap makisamahan at wala kang ibang choice lalo na kapag bagong dating kapa lang naku , yung mga matagal na or yung ibang aplikante na malapit ng aalis yun ang mga siga doon sa Accommodation.

Mabuti talaga at marunong akong makisama at yung pasensya ko abot langit hahaha.

Proud akung sabihin na isa ako sa walang violation sa loob ng Accommodation kasi doon lahat ng kilos mo malalaman ng mga staff dahil sa loob ng comfort room lang ang walang camera at kapag pupunta ka naman ng cr ay kailangan mong mag log in at log out na pipirmahan.

Mensahe

Sa aking pag lalakbay marami akong natutunan unang una kailangan nating maging matatag sa lahat ng oras kailangan buo ang loob upang tayo ay magtagumpay sa kung anumang layunin na ating tinatahak.

Dalawang kaugalian na dapat nating huwag kalimutan:

  • Pasensya- ito talaga ang lagi kung dala dala kapag wala ka nito ay talagang mag fail ka sa iyung nais na hangarin sa buhay kaya dapat habaan natin ang ating pasensya ipag pasa Diyos natin ang mga hinanakit at walang impossible kung lalapit tayo sa kanya.

  • Pakikisama- ito talaga ay importante din dahil makakasalamuha tayo ng ibat ibang uri ng tao kaya dapat marunong tayong makisama, naalala ko may kasama akong ibang lahi noon talagang hindi mo maintindihan ang ugali pero wala kang choice kasi magkasama kayu sa trabaho kaya ang ginawa ko deadma ko lang siya bahala siya sa buhay niya kasi kung papatulan ko walang mangyayari at sa awa ng Panginoon ayun 1 year lang umalis na hahaha sa akin pa rin ang Corona.

Sponsors of Cleophia2
empty
empty
empty

Hanggang dito nalang muna ang aking pagbahagi ng kaunting karanasan sa buhay.

Hanggang sa muling artikulo paalam.

Hihi parang doremon lang 😅.

15
$ 2.83
$ 2.51 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ling01
$ 0.05 from @Lucifer01
+ 10
Sponsors of Cleophia2
empty
empty
empty
Avatar for Cleophia2
2 years ago

Comments

Gusto pud nako muadto ug Manila pero dili sa rason nga magtrabaho gusto ko kanang laag HAHA maghulat ko ug naay manglibre. Anyway sis Laban lang sa journey nga gipili nimo ana jud daw na sa accomodation ana akoang Mama. Mama sa akoang bana daghan pud jud daw magpa as if. Taasa lang jud pasensya ninyo, sagdie nang mga taong walay ambag kumbaga sa imuha 😂

$ 0.01
2 years ago

Nindot jud unta kung mag travel travel lang ta hihi pero kay pobre man maka travel man tood pero bun og sad hahaha pero laban lang jud.

$ 0.00
2 years ago

Sakin naman if I live people na hindi ko naman nakilala, I always make sure na maayos ako kasama kasi na experience ko na magkaroon ng roommate dati na laging burara gamit tapos hindi alam magwalis.

$ 0.00
2 years ago

Totyal diay imo agency dae ky naa jud cctv. Paxenxa ug pakisama ang dapat jud e apply sa sarili kung gusto ka mo abroad diba. Di pwede mgpa isog isog ky nanimpalad baya.

$ 0.00
2 years ago

Buti na lng if productuom operatir ngdi ganyanabg fawa

$ 0.00
2 years ago

Naku sis napakaimportante talaga ang pakikisama kahit san. Naalala ko din ung pinsan ko nung tumira din sya sa accomodation bago makaalis papuntang Saudi, dami nya ring kwento.

$ 0.01
2 years ago

As in sis , yung iba nga nag back out .

$ 0.00
2 years ago

Ang pakikisama talaga sis eh kay si ate pud before nakalarga kay grabe pasensya ug pakisama iyang gibuhat kay wala may siya kaila nga taga drie sa amu.a

$ 0.01
2 years ago

Lisud jud sis kay mag inusara ta so dapat extra careful jud sa mga ikaila kay daghan pud traydor , pero sa akong naagian wala hinuon koy naka away kay hilum ra jud kos daplin maniid ra sa uban. Pero mostly jud daghan mag away sa Accommodation.

$ 0.00
2 years ago

Kapag ganyan talaga sis nuh. Ma feel mo talaga kung malulungkot ka ba o ma excite. Maiisip mo may opportunity pero kapalit naman mapalayo ka sa family mo lalo na pag hindi ka sanay sis.

$ 0.01
2 years ago

Sobra sis hindi ko na eenjoy yung first time kung sumakay ng barko kasi diba pag first time natin dapat tini treasure natin yung moments hihi but anyway nalagpasan ko na rin yun.

By da way umuwi ka sa province sis?hindi ko na kasi nadaanan na nag published ka ng article.

$ 0.00
2 years ago

Oo sis. Ganyan talaga mararamdaman mo sis.

Oo sis. Nagbakasyon ako sa province namin. Ngayon lang nakabalik ulit kasi walang internet connection talaga dun sis.

$ 0.00
2 years ago

Kaya pala hihi kapag talaga lage naka tambay sa comment section ay hahanapin talaga pero nasa isip ko na na baka nakapag bakasyon kana.

So ngayon balik sa normal na ulit welcome back sis.

$ 0.00
2 years ago

Oo sis. Sinubukan ko talaga dun sa province grabe ang hirap ng signal. Hindi basta² maka connect sa Facebook.

$ 0.00
2 years ago

Importante jud ng duha dae ,need natong magdala kanunay og daghang pasensya ,makisama jud ta kay kung dili kita raouy maglisod.

$ 0.00
2 years ago

Dugay d i mag process ug papers pagawas dae? Abtan pa d i ug isa ka Bulan no? Tinuod jud na dae, pasensya ug pakikisama jud ang makapagsurvive nato labi na kung sa trabaho or sa bag Ong lugar na Atong napuntahan

$ 0.01
2 years ago

O mga 1month jud dae kay daghan pa kaayu Lihukon nga papel dayun diha ka Madugay sa skedule.

$ 0.00
2 years ago

Truth sis kelangan mo talagang makisama pero nung nag accommodation ako ulit nung papunta na akong Hong Kong dun ako ako nagkaron ng kasamaan ng loob. pero di naman ako yung may mali.

$ 0.01
2 years ago

Sa Accommodation dami din kasi pabida sis hihi

$ 0.00
2 years ago

Diko pa natatry magbarko pero natry ko na din yung kahit anong pakikisama mo sa mga ibang kasama mo, parang lagi kang nasusubok. Haha

$ 0.01
2 years ago

Isang beses lang din akong nakasakay sis hindi na nasundan.

$ 0.00
2 years ago