"Mapapagod Pero Hindi Susuko"
August 05,2022
Kumusta mga kababayan ? Tagalog muna tayo ngayon pasensya muna sa mga kaibigan nating nasa ibang panig ng mundo at akoy talagang walang maisip na magandang isusulat pero dahil may pangarap tayo kaya tuloy lang ang buhay.
Mapapagod pero hindi susuko
Itong katagang ito ay malimit kung nababasa na para sa akin ay nagbibigay ng positibong pananaw sa buhay. Sa katulad nating masisipag para maabot ang pinapangarap.
Minsan dumating tayo sa punto ng buhay natin na parang pasan natin ang mundo na yung pakiramdam na ang bigat ng dinadala mo pero hindi pwedeng bumitaw kasi maraming umaasa sayo na hindi baling ikaw yung maghihirap huwag lang ang mga taong nakasandal sa iyung balikat.
Minsan gusto nating bumalik sa pagkabata iyung mga panahon na wala tayong ibang iniintindi kundi ang maglaro hanggang sa tayoy mapagud at pagkatapos ay matulog lang ng walang ibang iniisip kundi laro lang walang mga alalahanin dahil syempre hindi natin alam na yung mga magulang pala natin noon ang hirap din makatulog sa mga alalahanin sa buhay kung paano nila itataguyod.
Sa pagdaan ng mga araw, buwan hanggang lumipas ang mga taon doon na natin malalaman na ang buhay pala ay hindi madali , mahirap ang daan kaya kailangan tatagan at patibayan ng loob.
Kapag wala ka pang sariling pamilya
Kapag wala ka pang sariling pamilya dito medyo okay pa ng kaunti makakabili kapa ng panty hahaha charizz lang pero totoo ito.
Makakalabas ka pa ng bahay na walang magtatanong kung anong oras ka uuwi. Ang sabi nga gumala ka habang wala ka pang asawa dahil yung magulang mo makikiusapan mo pa pero yung magiging asawa mo hindi na.
Kapag magkakaroon kana ng sariling pamilya
Dito na talaga ang exciting part yung tipong unang taon ng pagsasama okay pa ang smooth pa ng relasyon hahaha.
Hanggang sa nagkaroon ng kulay ang inyung buhay dahil biniyayaan ng munting anghel.
Pagkalipas ng apat na taon nadagdagan na naman ang biyaya na anghel pero syempre nadagdagan na rin ang ating obligasyun sa buhay this time hindi kana pwedeng pa easy easy lang sa buhay kailangan mo nang kumayud upang matugunan ang pangangailangan ng iyung binoong pamilya.
Mensahe
Taas nga ng kamay kung hindi ka pagod sa buhay? Hehe syempre tao lang naman tayo mapapagod pero ang importante hindi sumusuko , lumalaban sa hamon ng buhay.
Yan ang tatak pinoy marami mang pagsubok pero nakuha pa din nating ngumiti dahil positibo tayo mag isip na alam natin na sa lahat ng problema ay mayroong sulosyon hindi pwedeng wala diba?
Isa ako sa masasabi kung positibo mag isip dahil kailangan ko iyun upang hindi ako madaling sumuko kapag akoy napapagod, ika nga sa kasabihan na kapag pagod kana pwede naman magpahinga ,mag recharge at kapag puno kana grind na ulit.
May problema ba ako sa ngayon kaya ko ito sinasabi?
Ipagpalagay ko nalang na may nagtatanong sa akin hahaha.
Ang sagot ko ay "oo"
Ano yun?
Syempre "pera"hahahah mukhang pera.
Oo naman kaya nga ako nagpakahirap mag trabaho para sa pera diba magpapa ka epokrita paba ako kung sasabihin kung hindi pera yung problema ko ngayon.
O siya sige na nga , maghahanap muna ako ng pera π.
Sa aking nagagandahang sponsors daghang salamat!
Hanggang sa susunod na kabanata paalam!
I am one-hundred percent sure that the majority of the people across the world, has this kind of mindset. Ito talaga βyong nagbibigay ng rason sa atin eh para magpatuloy. Kahit anong unos o delubyo man sa buhay ang dumating, ayos lang umiyak o humagulhol, pero hindi dapat sumuko; bagkus ay magpatuloy. By the way, I have just subbed you po.