Ma'am, puso ko naiwan

1 46
Avatar for Charlotte
3 years ago

Kabanata Isa

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-1194cb74

Kabanata Dalawa

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-c7cfac5c

Kabanata Tatlo

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-b34041cd

Kabanata Apat

https://read.cash/@Charlotte/maam-puso-ko-naiwan-173c77e3

Kabanata Lima

"Wish ko na maging masaya ang buong family ko, kasama na ang mga importanteng tao sa buhay ko kahit na di ko kadugo. Sana ano man ang mangyari sa hinaharap maging malakas ang bawat isa. Patuloy na magtiwala sa plano ng Panginoon saatin" naka-pikit na sambit ni Jim saka nya hinipan ang kandila. Nagpalakpakan naman kami at binati sya ulit. Nasa hapag ang mga nakatatanda at kami naman ay nasa sala namin habang kumakain.

Nagpakilala kami ulit sa isa't isa dahil may mga bagong boarders dito dahil maraming nabakante nung grumaduate na ang karamihan sa nangungupahan.

"Ako si Psalm, P-s-a-l-m pero tulad ng sa Bible binabasa sya as Sam. Nasa ikatlong taon na ko ngayon sa kursong Dentistry, nag decide ako na mangupahan para may kasama si Jim. Alam ko naman na kaya nya sarili nya pero busy na rin kasi pag higher years kaya mas okay na hindi na ko babyahe pauwi. Solid din naman kasi sa magandang boarding house ako napunta, nakilala ko kayo, new friends ganun haha" ngumti naman ang lahat sa sinabi ni Psalm, ganun pala baybayin ang pangalan nya. Sunod sunod pa silang nagpakilala hanggang sa ako na ang nag salita.

"Ahhm hello.., Cloi po o ate Cloi. 2nd year education science major, anak ako ng may ari nitong boarding house" ngumiti ako sabay yumuko. Natahimik naman sila na parang nag aantay pa ng sunod kong sasabihin pero wala na kong maisip.

"Mahiyain talaga yan si Cloi haha pero pag nakasundo nyo marami din yan kwento, humanda ka nga lang baka pag usapan nyo pano nagawa ang universe hahah si kuya Pao lang talaga tumatagal kausap si Cloi, eh parehas kasing genius" sabi ni kuya Arny na kaklase din ni kuya Cloud. Mag kasundo talaga kami ni kuya Pao kasi parehas kaming pala basa kaya marami kami napag uusapan.

"Sino po si kuya Pao?" tanong ng first year na si Dan.

"Ahh dating boarder dito, BS nursing yun pero nasa manila ngayon kasi dun na nya ipursue ang pag doctor. Mabait yun saka napapabilib din ako sa mga paninndigan nya tungkol sa politics saka sa mga bagay bagay, diba Cloi?" sabay kindat pa ni Kuya Cloud. Pabiro ko syang sinamaan ng tingin kaya nagtawanan sla.

"Manliligaw mo ba yun?" Nanlaki naman ang mata ko sa direktang tanong ni Psalm. Seryoso syang nakatingin sakin kaya mabilis akong umiling.

"Ahh si kuya Cloud kasiiiii, magkaibigan po kami ni kuya Pao. Parang kuya ko na talaga sya at nakababatang kapatid din tingin nya saakin kaya wala namn po yun" tumingin ako kay Psalm at binigyan nya ko ng malapad na ngiti.

"Anak saglitan mo nga muna yung mga strawberry crinkles kay pareng Kastor. Idideliver ko kasi yun bukas ng maaga eh mag sasara sila bukas."

"Sige po pa, alam na ba yun ni tito kastor?"

"oo, sinabi ko na ipapakuha ko sayo. Ahh nga pala lumipat na sila ng pwesto, ahhm ano Psalm pwede ba samahan mo tong si Cloi dun sa tindahan na pinuntahan natin nung gumagawa tayo project ni Jim?"

"Ahh sige po tito" tumayo na si Psalm at tinignan ako, nagmadali na rin akong tumayo at sabay kaming lumabas ng bahay.

Alas nwebe na ng gabi kaya halos wala ng tao sa daan, tahimik ang paligid at tanging mga kuliglig lang ang nagbibigay ingay.

"Malungkot ba para sayo pag umuulan?" tumingin ako sakanya na deretsong nkatingin sa daan.

"Masarap matulog kapag maulan, maganda rin sa pakiramdam pag maulan na nagbabasa. Hindi naman nakakalungkot para saakin" tumango lang sya saka nag salita ulit.

"Hindi ko gusto ang ulan, ang daming hindi ko magawa pag umuulan. Umuulan rin ng malakas noong huling alis ni papa at hindi na sya nakabalik. Umuulan din ng maaksidente si mama. Malalaki ang patak ng ulan ng masagasaan ang aso ko. Hindi ko alam pero parang nakiki ayon ang langit kapag mabigat and aking pakiramdam." Hindi ko alam kung anong isasagot sa masalimuot nyang pahayag.

"Pakiramdam ko, kapag umuulan may kukunin nanamn saakin." pag papatuloy nya.

binuksan ko ang payong na dala ko dahil naramdaman ko ang ambon sa aking mukha.

"Buti na lang may payong akong dala." Sabi ko habang binubuksan ang dala kong panangga sa nagbabadyang ulan.

"Magagalit ba ang ulan, kung hihilingin kong wag kang lumisan?"

***

Lumipas ang mga buwan at taon.

Malapit ng matapos ang 2nd sem ng ikatlong taon ko sa kolehiyo, naghahanda na ang mga estudyante dahil sunod sunod na ang mga pagsusulit at due date na ng mga ipapasang requirements. Ilang linggo nalang at magsisimula na silang mag uwian. Babalutin nanamn ng katahimikan ang buong bahay. Hindi naman ako apektado dahil mas tahimik akong makapag babasa, pero siguradong mamimiss ko si Jim.

"Cloi, send ko nalang sayo sa email yung sa final report tapos pakiedit nalang l, salamat" ngumti ako sa kaklase ko at nag paalam.

"Ahhh wala kong payong uulan huhu" napalingon ako sa labas ng marinig ang sinabi ng kaklse ko, makulimlim at nagbabadya ang malakas na ulan. Mabilis akong lumabas ng silid at patakbong tinahak ang hallway sa kabilang departamento. Bumuhos na ang malakas na ulan kaya lalo akong nagmadali.

"Oh ma'am" nakasalubong ko si Psalm kasama ang isang babae, magkasukob sila sa iisang payong. Hindi ko alam kung bakit parang nanikip ang dibdib ko, akala ko takot sya sa ulan. Akala ko kailangan nya ng panangga sa mga patak, hindi ko naman alam na may iba na syang pinoprotektahan.


Magdala kasi ng payong tsk tsk tsk

Salamat sa pagbabasa

4
$ 0.07
$ 0.05 from @Jane
$ 0.02 from @Bloghound
Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty
Avatar for Charlotte
3 years ago

Comments

Bka naman kc nakisilong lng sa payong ng babae kc nga uulan.. Ikaw tlga selos agad 🤣

$ 0.00
3 years ago