Kumusta mga Kaibigan ko dito sa Read.Cash. Paumanhin kung wikang tagalog ang aking isunulat sapagka't ngayon ay may ibabahagi akung isang Tula. Ang Tema ng aking ginawang tula ay "Mental Health in an unequal World", sanay maintihan niyo ang aking ginawang tula.
"WAG GAWING BIRO"
Hindi biro ang malunod ng patago
Kasi madilim, ubod ng talim ang dilim
Ang mga mata’y palihim na mangangapa ng liwanag
Upang sumimsim ng kahit bubuwit
Maitawid lang ang pait na sumasakal sa akin nang kay lupit.
Hindi ito yung ginusto ko!
Mas lalong ekis ito sa mga pinapangarap ko
Ang lamunin ng halakhak ng bisyo?
Hilahin ng mga maling gawain nang dahil wala sa huwisyo?
Hindi! ‘Pagkat dinurog ang karapatan ko bilang tao.
Nilason ng mga nakatarak na panghuhusga dito sa mapaglarong mundo.
Nasaan ako? Hindi ko mapagtanto kung nasaan ako.
Guhong-guho na ang aking mundo
Guhong-guho na kahit pa suriin mo
Nagmistulang uod sa tabi ng gulod
Pagapang-gapang na tinatahak ang kakahuyan na malawak.
Kung saan ako unang nakaapak
Nahihirapan! Mga pawis ay tagaktak
‘Pagkat ang sarili’y walang pakpak na dapat sana’y.
Sa akin ay nakahawak laban sa mga insektong.
Nagmamalaking may utak
Mga insektong nanghuhuli’t nananaksak
Maiahon lang ang natatakam ng tiyan na nakakabingi.
Wala! Wala akong silbi
Napakawala kong silbi.
Madilim, animo’y kulay ng gabi.
Ang buhay kong napakadilim,
Nakakapanlumo, halos umabot ng isandaang porsiyento .
Ang mga taong nakakaranas nito.
Mula sa mga bata, maging sa matatanda.
Hindi biro ang malunod ng patago.
Karamiha’y ginagapos ng nakamamatay na lason.
Na kahit naghihingalo, nakakalungkot ‘pagkat nagmamatigas.
Udyok ng takot na mawasak ang kung anong meron siya ngayon .
“Wala naman sigurong problema sa kanila. Hindi, mapapahiya ako.”
Nag-iilusyon…
Nag-iilusyon dahil sa lason ng diskriminasyon.
Paano pa nga ba natin sila maiahon?.
Kung sa panahon ngayon.
Tila ba ang pandemya’y nanunukso na sila’y umahon kahit di makaahon-ahon.
Aahon?
Ang daloy ng tubig ay mistulang baha na rumaragasa at wala ng lugar para sa saklolo.
Libo-libo, araw-araw ang mas nakikitang sa pandemya’y nahihirapan.
Nagdulot ng pagkalimot sa noon pa’y sa pag-asa nawawalan.
Karamihan, ang pagkalunod ay lumala ng tuluyan.
Umusbong ang panibagong takot na sa hakyap ay mahawaan.
Mga pamilyang mismo sa bayrus natuldukan, pano pa nga ba haharapin ang lipunan?.
Magkahalong takot at pangamba.
Mula sa panibagong sistema ng edukasyon at pagkakaisa.
Sa simpleng sipon at ubo, ang isipa’y gulong-gulo.
"Mabubuhay pa nga ba? Ayoko na.” ika nga.
Hindi biro, ang malunod ng patago.
Hindi ba puwedeng magkaisa tayo?.
Sa likod ng ating mga pagkakaiba-iba .
Hindi ba puwedeng suportahan natin ang isa’t isa?.
Iwasan ang panghuhusga’t punuin ng pagpapahalaga.
Hinulma tayong espesyal at nang buong pagmamahal ng Maykapal.
Kaya’t, umayon naman tayo sa pamumuhay na may dangal.
Wala ni isa ang perpekto, wala kahit dangkal.
Hindi biro ang malunod ng patago.
Alam niyo yung mas nakakatakot?
Ang mas lalong lunurin ang sarili at kitilin ang buhay .
Dahil sa isang making kasinungalingang hindi mo kaya at hindi ka mahalaga .
Pero mahalaga ka at may ibubuga pa.
'Wag gawing biro ang mga nalulunod ng patago.
Panapos na Pahayag
Hanggang Dito nalang at Salamat sa pagbabasa sa aking tula, sana'y naintindihan mo ang nais na iparating nito sa iyo.
Lead Image is From Unsplash.com
If You have time, visit the articles
Of my Generous Sponsors.
Lahe rajud ning mga hawod hehehehe nindot pakayug mensahe han.ay pa pagka sulat. Hehe UWIAN NA.