Akala ko nabawasan na yong hapdi na nararamdaman ko simula ng mawala ang papa ko...Akala ko kapag nagkita ulit kami ng papa ko sa puntod ay nabawasan na yong sakit na nararamdaman ko...Mali pala ako...
Habang papasok ako sa cemetery kung saan nakalibing ang papa ko ay unti-unting nanghihina ang katawan ko..........Ang naaalala ko,na ang huling pagdalaw ko dito sa cemetery ay nong libing ng papa ko na halos hindi pa nga isang taon ngayon nong ilibing siya.....Itong larawan ay yong huling tanaw ko sa mukha ng papa ko na labis labis ang aking pagluha dahil sa kanyang pamamaalam....
Ngayon naman ay ang muling pagkikita namin dahil walang ibang mag aasikaso sa puntod ng papa ko kundi ako....Binisita ko siya para malagyan na din sana ng pangalan ang kaniyang puntod......Hindi ko pa kasi napapalagyan dahil may mga pamahiin dito sa lugar namin na bawal daw bisitahin ng kamag-anak ang yumao hanggang hindi pa ito umaabot ng isang taon...Pero hindi ko din natupad dahil kailangan kong bisitahin ang papa ko bago dumating ang araw ng mga patay....
Hindi ako nakatagal sa puntod ng papa ko dahil nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking mga luha...Para na naman akong binagsakan ng labis na kalungkutan...I hope na naiintindihan naman siguro ako ng papa ko..Nagpanalangin nalang ako para sa papa ko at umalis din...Umulan din kasi tsaka sabi sa akin ng bestfriend ko na yong papa niya nalang daw yong bahala sa maglinis,magpintura at mag lagay ng pangalan para daw hindi na ako mahirapan...And super thank you talaga sa kanila and sa bestfriend ko....
Maraming salamat po sa inyong lahat po lalo na po dito sa aking mababait na sponsors...
Pagpasensyahan niyo na po lagi nalang nakakaiyak yong mga stories ko dito sa read.cash....Ang dami ko kasing pinagdadaanan na nakakaiyak...Sana balang araw yong masaya naman para maging masaya naman ang ma ishare ko po sa inyo...
Sa lahat po ng readers,sponsors,upvoters,commentors and sa aking subscribers..Thanks you so much po always...
Published
october 25,2021
❤️Buhayexperience
Keep fighting