Kuya ano ba talaga ang nangyari?

16 37
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Naniniwala ba kayo na may lason yong bubog ng florescene or ilaw?For me hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo..

Ang kuya ko ay mahilig talaga makisama sa kanyang mga kaibigan at minsan laging napapasama sa inuman..Nong kasal ng friend ko ay andon din ang kuya ko..Nakita ko nga ito na medyo lasing na din...Sabi ko sa kanya na umuwi na sya at sigurado hinahanap na siya ng kanyang asawa.....May anak silang isang lalaki na 1yr old.......Sabi sa akin ng kuya ko uuwi na daw siya isang ikot nalang ng baso...Nakita ko tumayo ang kuya ko..Akala uuwi na siya pero iihi lang pala...Umuwi na ako nong time na yon...

Kinabukasan pumunta sa akin ang kuya ko at super sakit daw ng tiyan niya..Sabi ko naman baka nasobrahan ka lang ng inom kahapon..so yon din ang paniniwala ng kuya ko...Makalipas ang ilang buwan ay palala ng palala yong nararamdaman ng kuya ko...Nong time na yon ay ako lang talaga yong may work sa amin...So nag decide ako na iadmit ko siya isang public hospital dito sa amin....Ako yong nag asikaso ng lahat ng pangangailangan niya..Bilang nakakabatang kapatid ay super love ko talaga ang kuya kong yon...Super sipag niya kasi...halos 24hrs kung magtrabaho para lang sa kanyang pamilya..Sabihin na natin na isa siyang napaka responsible na asawa at ama....

Habang nasa hospital siya ay lagi niya sa akin sinasabi na yong asawa at anak niya daw baka wala ng makain...Sabi ko naman dont worry kasi marami kaming tumutulong sa kanya..Ang isipin niya lang ay gumaling siya....Dahil na din sa tulong ng mga kaibigan ay after 2weeks ay naiuwi namin siya...Then ang findings ng doc sa kanya ay ok naman daw at baka nakakain lang na hindi ayon sa kanyang panlasa...Ang payo lang ng doctor ay huwag na huwag daw siyang pakainin ng matitigas lalo na sa kanini dapat yong bagong luto daw huwag na yong tira...

Sinabihan ko na yong asawa niya about sa bilin ng doc...After ko maiuwi ang kuya ko sa hospital,,ang sabi ko sa kanya ay magpahinga muna pero dahil sa iniisip ng kuya ko ang kanyang pamilya..Ay pumilit na siya magtrabaho....Gumagawa siya ng hallowblocks at binabayaran siya depende kung ilang sako ng semento yong maubos niya...Ang isang sako ng semento ay katumbas ng 80 hallowblocks at binabayaran lamang siya ng 90 pesos pa noon..

Makalipas ang ilang buwan ay lumala ulit ang sakit ng kuya ko..kaya lang ayaw niya magpadala sa hospital..Sumusuka na siya...excuse me po sa mga kumakain dyan....Tinanong ko ang kuya ko....Sabi ko sa kanya Saan ba talaga nagsimula yong pananakit ng tyan mo?Doon nga daw sa inuman nong kasal ng friend ko...Umihi daw siya,pagbalik niya ay meron ng nakalagay sa kanyang baso para inumin..dahil nahiya siyang itapon at dahil na din sa pakisama sa mga kainuman ay ininum niya daw ito...After niyang inumin nahilo na daw siya kaya pumilit na siyang umuwi..at sa bahay nga naramdaman niya na yong pananakit ng tiyan..

Makalipas ang isang taon na pagpapagamot namin sa kuya ko kung saan-saan na namin ito dinadala kahit nga sa mga albularyo pero wala pa ding nangyari......Sobrang pumayat na ang kuya ko at halos hindi ko na makilala...Ang itsura niya parang kalansay na..Nong time na yon ay kailangan ko mag doble trabaho kaya hindi ako umuuwi ng bahay..Nagpapadala nalang ako sa kanila ng pera......

Habang nasa duty ako ay tumunog yong phone ko...Nong tingnan ko ay number ng ate ko...Sinagot ko ito pero boses ng kuya ko ang sumagot..maayos pa naman kasi yong salita niya..

Conversation namin ng kuya ko

Ako:Hello kuya kumusta ka na?

kuya ko:Nhe hindi ko na kaya uwi ka na muna..

Ako:Sige kuya uwi ako sa sunday kasi yon yong day-off ko.....Nong tumawag ang kuya ko ay araw ng friday

Kuya ko:Pwede bukas na kasi kung sunday ka umuwi hindi mo na ako makakausap..

Tumulo ang luha ko....

Ako:Sige kuya kausapin ko yong boss namin at makikipag swap nalang ako...

kuya ko:Salamat nhe..

Naputol na yong linya....Pero hindi na ako makapag concentrate magtrabaho nong time na yon..

Kinabukasan araw ng sabado ay umuwi ako ng umaga...Andon si mama,papa ko,,yong isa din na kuya ko at si ate...Pagdating ko sabi sa akin ng kuya ko bumili daw ako ng yelo..Sumunod naman...pakabili ko nito ay ilinagay ko sa isang pitsel at kumuha ako ng baso kasi ang akala ko ay iinumin ng kuya ko..pero nagulat ako dahil ibinuhos niya ito sa kanyang katawan..sobrang init daw kasi...Sa akin talaga siya naglambing....ipinakuha niya sa akin yong kanyang toothbrush at nagsipilyo pa siya...After niyang bihisan ni mama ay humiga na siya......Sabi niya sa akin....Nhe gustong-gusto ko pa sana mabuhay kaya lang parang ayaw na ata ng katawan ko...Madami pa akong gustong gawin at puntahan pero hindi ko na kaya...Sagot ko naman.....Kuya magagawa mo pa yang lahat..manalig ka lang sa itaas at gagaling ka...........Ayaw ko magpakita sa kuya ko na umiiyak ako kaya pumunta ako sa likuran namin sa labas at doon ako umiyak ng umiyak..sinundan din ako ng ate ko at umiyak din......11am na at kailangan na din umuwi ng at at kuya ko sa mga asawa nila na medyo malapit lang sa bahay namin dahil magsasaing palang sila...Tapos yong papa ko naman ay umalis muna...So kami nalang ng mama ko ang naiwan....bumalik ako sa kwarto ng kuya ko...

Sabi ko sa kuya ko..ang bata mo pa kuya..23yrs old ka palang at madami ka pang magiging anak...

Nong time na yon ay sa bahay din ng byanan niya nakatira yong anak at asawa niya..binibisita lang siya kasi ayaw niyang makita ng anak niya yong nangyayari sa kanya....

2:45pm na ng hapon,wala pa din ang isa kong kuya at ate ko....Kahit si papa ay wala pa din...Tinawag ako ng kuya.....

Habang nasa harapan namin siya ng mama ang una niyang kinausap ang mama ko,...

Mama....maraming salamat sa lahat ng pag-aalaga at sakripisyo mo sa akin..na halos pabulong na ang sinasabi ng kuya ko...

Lumingon naman sa akin ang kuya ko......Nhe pasensya na at hindi ko na masuklian yong mga naitulong mo sa akin...Habang hawak na hawak niya yong kamay ko.....Sagot ko naman sa kuya ko wala yon kuya kahit ano pang tulong gagawin ko basta gumaling ka lang..

Sabi ulit na kuya ko......nhe maraming salamat..yong anak ko huwag mong pabayaan....na halos pautal-utal na yong sinasabi ng kuya ko...😭😭😭...sabi ko naman ako na bahala sa anak mo...after ko noon sabihin sa kuya ko ay may narinig akong parang naputol na ugat sa kanyang lalamunan at nawalan na siya ng hininga....doon na ako umiyak ng umiyak...

Ngayon ang anak niya ay 11yrs old na..Nasa 9yrs na nong mamatay ang kuya ko at minsan dito natutulog ang anak niya sa akin tulad ngayon..minsan naman andon sa mama niya..

Anak ng kuya ko yong boy..siya ang laging kalaro ng anak ko
Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Thank you so much to all my my amazing and generous sponsors..

May nakapagsabi sa amin na nilason daw yong kuya ko sa inuman...Yong nilagay daw sa baso ng iniinom ng kuya ko ay yong bubog galing sa ilaw..Unti-unti ka daw noon papatayin...at wala daw na gamot non dahil kumakapit daw yon sa bituka.......Kung totoo man yon,,si god na ang bahala sa kanya....

End......................................................

Thank you so much sa aking mga sponsors,upvoters,commentors and readers sa always na pag support po sa akin....At dahil po sa inyo ay meron na po akong 500views kaya super duper thank you po sa inyong lahat..Godbless you all..

Published

october 23,2021

Saturday

7:41am

Philippines

@Buhayexperience

6
$ 0.32
$ 0.10 from @Labofmylife
$ 0.05 from @Ling01
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 3
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Comments

Nakakalungkot tlaga.pero kailangan nting tanggapin ganun tlaga ang buhay.alagaan mo nlang ang anak nya dahil yan ang naiwan nyang alala sau....god bless

$ 0.00
3 years ago

Nakaaiyak bit ganun tlaga ang buhay, importante patuloy n lumlabn ung mga naiwan, God bless

$ 0.00
3 years ago

Napaluha ako habang binabasa, sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay, God na ang bahala kung may gumawa sknya ng masama, mabuti na nga lang ag navkausap pa kau sa huling buhay nia. Alagaan mo na lanv din anak nia at mahalin dahil xa na lang ang tanging alaala mo sa kuya mo

Congratulations sissy for the new achievements

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sissy..kamukhang kamukha pa naman ng kuya ko yong anak niya..Kapag nakikita ko anak niya lagi kong naaalala yong kuya ko...

$ 0.00
3 years ago

Naiiyak po ako. Eye watering po yung article niyu. Masakit talaga mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kapatid. Hayst nakakalungkit ang nangyare

$ 0.00
3 years ago

Yon na din siguro yong nakatadhana para sa kuya ko...Sana kung nasaan man siya ngayon ay ok na din siya..

$ 0.00
3 years ago

Haaaaaayyyy ang lungkot nman sis.. masakit talaga mawalan ng kapatid sobra..

$ 0.00
3 years ago

Sinabi mo pa sis..para kang naputulan ng kung anong parte ng iyong katawan...

$ 0.00
3 years ago

Naiiyak ako habang nagbabasa nito. 😭😭

Bakit naman ganun, may galit ba sa kanya yung mga kainuman niya or may naiinggit sa kanya? Ang bata pa niya. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman mo sis kasi ako close din ako sa kuya ko. Maisip ko pa lang na mawala sa amin yung kuya ko, parang nanghihina na ako.

$ 0.00
3 years ago

Ang alam ko po wala namang kagalit..ang sabi ng mga kasama niya sa inuman may tumabi daw sa kanya na hindi nila kilala tapos yon yong nagbigay sa kuya ko ng inumin...

$ 0.00
3 years ago

Naku hirap nun, Hindi niyo nakilala yung may kagagawan kung bakit nagkaganun yung kuya mo.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po...parang trip lang daw sa kuya ko yong nangyari..grabe sa trip talagang kumitil na ng buhay..hays..

$ 0.00
3 years ago

Grabe naman yang trip na yan, sana yung buhay nalang nila yung pinagtripan nila, hindi yung may pamilya na

$ 0.00
3 years ago

Ask ko lang sis hindi niyo ba siya nadala sa albularyo ung magaling sa mga lason? Kasi papa ko naka experience din niyan oo naniniwala ako sa lason lalo na sa mga inuman na yan papa ko muntikan na din mamatay dahil jan panay suka daw nasa manila ako noon kaya dko alam masyado detalye basta isang manggagmot ang nkapagpagaling sa kanya.. tas si papa kasi alam niya kung hospital or albularyo siya parang ramdam niya din sa sarili niya kasi parang alam niyang nalason siya...sayang naman ng kuya mo at maaga namatay..bilib ako sayo at nakaya mong suportahan siya. Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay sisiw na siguro yung mga ngayon kaya anoman na pagsubok ay makakayanan mo..

$ 0.00
3 years ago

Depende siguro sis sa lason..kasi yong sa kuya ko daw yong bubog yon ng ilaw at kapag yon daw yong ginawang lason sayo.hindi ka na talaga bubuhayin kasi kumakapit na daw yon sa bituka..

$ 0.00
3 years ago

Talaga sis delikado pala tlga yun grabe nman ang galit sa kuya mo ng mga gumawa non bkaa ingit sila sa kuya mo.

$ 0.00
3 years ago