Kung napapagod ka na,magpahinga ka lang pero huwag kang susuko

11 38
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: My life

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nangyayari sa akin..Feeling ko bawal sa akin ang magalit or emotional..Kaso pano yan minsan talaga hindi maiiwasan..Abnormal na ako niyan kung walang pakiramdam.....

Kahapon pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko...Kwentuhan about sa nag-away kami ng partner ko...Syempre open ako lagi sa bestfriend ko...Actually kaya ko naman ihandle ang sitwasyon dahil sa mga nangyayari sa akin lalo na sa past ko..yong nangyayari ngayon parang sisiw nalang daw sa mga pinagdaanan ko sa buhay...

Kahapon din habang naglalakad ang bestfriend ko ay di sinasadyang naapakan niya yong paa ko..Bakit daw ang lamig ng paa ko..Ang sabi ko nalang ang lamig ng panahon kasi ayaw kong mag wory din siya sa akin pero ang totoo..medyo mahadpi na talaga yong dibdib ko...yong sa parting kaliwa...

Noon nagpatingin ako dati sa isang doc...Ang sabi saakin may maliit na bukol daw sa aking dibdib at kailangan daw na maoperahan....Kaya lang mas natatakot ako sa operasyon.heheh..Isa pa saan ako kukuha ng malaking pera....Nasanay ako na ako yong hinihingan ng tulong..Mas inuuna ko yong pangangailangan ng mga mahal ko sa buhay bago ako....Minsan nakalimutan ko na din yong sarili ko na may sarili din palang pangangailangan.....Pero matitiis ko ba sila na alam kong sa akin lang sila kumukuha ng lakas...Hindi ako nakakapag kwento sa kanila about sa health ko kasi sila yong unang nagkukwento about sa health nila..So ayaw ko ng madagdagan pa ang iniisip nila kaya kinikimkim ko nalang.....

Hanggang paguwi ko kahapon galing sa bestfriend ko...masakit na talaga pero ang galing ko magtago kasi alam ko na ang dami ko pang gagawin pag-uwi...Aasikasuhin ko pa ang mama ko na maysakit....magluluto pa ako ng hapunan namin...Yong feeling na wala kang choice kundi huwag magreklamo dahil ang dami mong obligasyon sa buhay....

After ko makapagluto ng hapunan ay pinakain ko nalang ang aking anak at hinilamusan,pinalitan ng damit...Tapos iniwanan ko na yong kusina..Hindi na ako nakapag hugas ng pinggan dahil alam kong hindi ko na kaya....

Hindi na rin ako nakapag hapunan dahil nawalan na din ako ng appetite.....7am ng gabi inayos ko yong higaan namin.....Siguro mga quarter to 8pm at nakaramdam ako ng antok...Sa isip ko thanks god baka makatulog na ako at mawala na yong pain na nararamdaman ko sa dibdib ko...

Nasa mahimbing ako ng pagkakatulog ng bigla akong magising dahil sa sobrang sakit nito...Yong parang may tumusok sa akin na karayom sa loob ng dibdib ko na super sakit at kahit tulog ako ay ramdam ko yon kaya nagising ako at wala akong ibang nabanggit..ouch.....hindi ko talaga napigilan na hindi mag react...Akala ko yon lang yon...pero hindi pala.....Yong sakit niya yong putol-putol at magugulat ka nalang bigla...Gusto kong itulog nalang pero ginigising pa din ako ng sakit..Para akong kinukulam na hindi ko maintindihan....

Siguro mga 10pm na at hindi pa din nawawala yong sakit kaya bumangon na ako para maghanap ng kahit anong gamot na pwede sa akin....Mabuti nalang at may stock ako na mefenamic...naisip ko baka kako pwede ito kasi pain reliver naman siya....Kumuha ako ng tubig at uminom ako ng mefenamic..

Mga bandang 12midnight na pero ganon pa din ang nararamdaman ko..Naisip ko magtx sa bestfriend ko pero naisip ko din na huwag nalang kasi mag-aalala yon at baka pati siya ay hindi din makatulog...Galing palang naman pati yon sa sakit....so ang ginawa ko nalang para malibang ako ay naglaro ako ng tong8s game online....Baka kapag nalibang kaku yong utak ko hindi ko na maramdaman yong sakit..

Sa una medyo nalibang nga ako..mabuti nalang at medyo ok yong signal...hanggang sa nag loading ulit mas lalo tuloy sumakit yong dibdib ko kasi na stress na naman ako..

1:30Am

Hindi ko na talaga mapigilan yong sakit...umiyak ng umiyak nalang talaga ako..panay yong panalangin ko kasi alam kong sa mga oras na yon siya lang ang makakatulong sa akin..Halo-halo na din yong nararamdaman ko kasi feeling ko mag-isa lang ako sa mundo.hehehe..Hanggang sa napagod ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...siguro 3am na ata yon kanina..

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Thank you so much sa aking mga mababait na sponsors...Yong mga gustong bisitahin din po sila click lamang po ang kanilang account..

This morning

Pagising ko ngayon medyo masakit pa din at super antok ko pa..kaya lang yong mama ko nagugutom na at gusto ako magluto ng gulay....Sabi ko sa mama ko"sabi ko maya na ma dahil magrerelax muna ako dahil masakit ang dibdib ko..Ang sagot ng mama ko"so pano na tayo??..Oh diba wala talaga akong choice kundi ang bumangon at huwag isipin na may sakit ako....Buhay is life nga naman.heheh...Nakakapagod nga ang buhay pero ang importante kung kailangan mong magpahinga,magpahinga ka lang but huwag na huwag kang susuko...

Maraming salamat po sa aking mga readers,upvoters,sponsors and commentors..godbless you all..

Published

october 30,2021

❤️Buhayexperience

4
$ 0.17
$ 0.05 from @Lorah
$ 0.05 from @TinSopas17
$ 0.03 from @Sweetiepie
+ 2
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: My life

Comments

Hello po pahinga rin po muna kayo, wag niyo po sana ipawalang bahala yung nararamdaman nyo lalo na kayo lang po pala yung nagaalaga da magulang niyo, mas mahirap pag yang nararamdaman nyo e lumala. Mas madami nanaman po kayong iisipin hehe

$ 0.00
3 years ago

Ipatingin mo yan sa doctor sissy baka iba na yan. Mas mahal kapag lumala at lumaki ang sakit mo

Nakakamiss talaga mag alaga ng mama huhu ang malas ko diko man lang naalagaan mama ko huhu

$ 0.00
3 years ago

naipatingin ko na sissy at ang sabi nga ng doc operahan kaya lang walang sapat na pira.hays..

$ 0.00
3 years ago

Di pwd makuha sa gamutan sissy

$ 0.00
3 years ago

Hanggat maaari sana pacheck up ka sis mahirap na yan para malapatn ng karampatang gamot ang nararamdaman mo.

$ 0.00
3 years ago

Napatingnan ko na po ito dati at operahan nga daw po..kaya lang wala pa akong gaanong sapat na pera...mas inuuna ko kasi yong pangangailangan muna ng mama ko ngayon.heheh

$ 0.00
3 years ago

Pwede ka humingi ng tulong sa munisipyo niyo sis lalo pa mgayon election, mas mahirap kpag napabayaan yan.

$ 0.00
3 years ago

Hayst dapat pahinga ka, ilan taon naba mama mo? Dinaba niya kaya magluto? You need rest di pwede yung bjnabaliwala moyang sakit na nafeel mo, you might regret it later.

$ 0.00
3 years ago

Matanda na ang mama ko at ako din ang nag aalaga sa kanya...bed rest nalang siya kaya hindi ako pwede magpahinga.heheh

$ 0.00
3 years ago

Ahhhh ganun ba. Kawawa din pala mama mo.

$ 0.00
3 years ago

Ahhhh ganun ba. Kawawa din pala mama mo.

$ 0.00
3 years ago