Aasawahin daw ako ng engkanto

29 57
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Engkanto

Hindi ko alam kung totoo or tinatakot lang ako ng isang manggamot....

Nong dalaga ako siguro mga nasa high school ako ay lagi akong nagkakasakit doon sa bahay ng amo ko....Nag woworking student kasi ako nong time na yon...Kaya lang dumating sa point na parang kakaiba ang aura/ambiance ng bahay nila..Feeling ko may something na nakatira....Seperate kasi ang higaan ko sa ibang kasamabahay...Solo lang ako at minsan talaga kapag nakatihaya akong matulog feeling ko may biglang papatong sa akin na isang napalaking lalaki kasi medyo nabibigatan ako..Pero hindi ko siya makita dahil nakapikit ako pero alam ko sa sarili ko na gising na gising ako...Nilalabanan ko kaya lang parang pinipigilan ang buong katawan ko.......Kinabukasan niyan ang sakit ng ulo ko tapos nilalagnat ako...Kapag pumupunta ako ng albularyo pag-uwi ko magaling na ako kahit hindi pa ako umiinom ng gamot.........Ito ay base sa nangyari sa akin at sa paniniwala namin....Nererespeto ko po yong mga hindi naniniwala sa mga albularyo kasi po may mga kanya-kanya naman tayong paniniwala......

Every week nangyayari yon sa akin at isang albularyo lang ang pinupuntahan namin....Habang nanggagamot sa akin yong albularyo tinitigan niya ako sa mata......Ang sabi niya sa akin..."Alam mo bebe nanganganib ka"Sabi ko naman bakit po lola?Matanda na kasi yong mangggagamot na yon....Sabi ulit ng lola sa akin...Feeling ko mukhang aasawahin ka nitong engkanto kasi hindi ka tinatantanan.....Dapat saiyo mag asawa na sa maagang panahon...Sabi ko naman naku hindi naman siguro.....Pero natakot ako sa sinabi ng manggagamot...

Pag-uwi ko sa bahay ng amo ko naikwento ko yong sinabi sa akin ng manggagamot..Narinig yon ng mama niya na lola na talaga..Siguro more than 70 na din yong edad pero malakas pa ito kung tingnan..Mayaman kasi.....Naikwento sa akin na noon daw meron silang katulong na wala ng pamilya at parang sila na yong kumupkop.....Lagi daw yon nawawala..minsan nga daw 3days na hindi umuuwi..nag-alala sila at ipinahanap nila pero wala namang nakakita..Isa pa alam nilang wala na itong kamag-anak.....Nong bumalik panay daw ang kwento sa kanila kung saan siya nanggaling......Sabi ng kanilang katulong...Lagi daw siyang binibisita ng kanyang manliligaw at isinasama sa bahay nito..Sobrang ganda daw ng bahay na pinupuntahan nila ala paraiso daw..Tapos pinapakain daw sila ng ibat-ibang uri ng prutas....May kanin daw na ang sarap..kumain naman daw siya.....Tapos kwento pa ng katulong na yong malaking gagamba daw na nakikita nila..yon daw yong manliligaw niya..Minsan itinituro pa daw ito sa kanila....Minsan napapag kamalan daw nilang baliw kasi kung ano-ano nalang pinagsasabi..Hanggang isang araw daw tuluyan na itong nawala....At ang kanilang mga haka-haka ay sumama na ito sa isang engkanto....

Pagka kwento sa akin ng mama ng amo ko..para tuloy akong kinabahan...What if totoo nga ito..pero bakit sa akin naman ay lagi nalang akong nagkakasakit...

Kaya tuwing nakakakita ako ng malaking gagamba natatakot talaga ako....tulad kagabi habang nagluluto ako sa dirty kitchen namin...

Kuha ko lang kagabi

Itsura palang talagang nakakatakot na....by the way balik tayo sa topic.....

Siguro mga 17yrs old palang ako ay nagkaroon na ako ng seryusong boyfriend...Pero hanggang biso-biso at hawak kamay lang kami noon...Iba pa kasi noon ang mga kabataan hindi tulad ngayon na ang daming alam...........Medyo natigil yong pagkakasakit ko...Kaya lang after 1yr niluko lang ako...heheh

Nong 19 yrs old ako ay nag-asawa na ako na hindi ko man lang pinag-isipan.heheh.Tumatak kasi sa akin yong sinabi ng manggagamot sa akin.......Kaya lang ang tagal namin bago mabigyan ng anak at bumalik na naman yong kinatatakutan ko....Minsan 7months hindi ako dinadatnan ng dalaw ang akala ko buntis ako...Kapag nagpapacheck-up ako ay ok daw sabi ng doc..at kailangan ko daw magpa ultrasound...Pero negative ang result ng ultrasound at kinabukasan kapag nalalaman ko na ay automatic,,dinudugo ako...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors....

Pasensiya na mga ka read.cash kung ngayon lang ulit nakapagsulit...

Thank you so much din sa aking mababait na readers,upvoters,commentors,..godbless you all..

Published

October 27,2021

❤️Buhayexperience

11
$ 0.10
$ 0.05 from @kingofreview
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.01 from @Jay997
+ 1
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Engkanto

Comments

Nakakatakot ang ganyan.. Meron din kaibigan ng ate may nagkagusto na engkanto

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot nga po kasi sa pagkakaalam ko talaga nangyayari talaga yan.

$ 0.00
3 years ago

Oo, tapos ang iba kukunin nila

$ 0.00
3 years ago

Minsan po hindi masamang Maniwala sa mga manggagamot pero maraming manggagamot ang nakakatako hehe

$ 0.00
3 years ago

Ay naku sinabi mo pa..lalo na kapag nagkwento na sila ng mga nakakatakot.hehe

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko pa po sila nakikita personally, pero ang sabi daw, malalaman mo na engkanto pag walang, yung parang canal sa pagitan ng ilong at bibig. Ang dami ko na ding stories na narinig patungkol sa mga ganitong stories. Nakakatinig-balahibo po.. Yikes!

$ 0.00
3 years ago

Opo kahit yong mama ko yon din ang paniniwala kasi minsan naikwento niya na din sa akin na may nakasalubong daw siyang tao na ganon po yong itsura at bigla nalang daw nawala..

$ 0.00
3 years ago

Goosebumps..😱 Kaya nga ako, pag may nakita ako, lalo na yung di ko familiar talaga, dali-dali talaga ako naglalakad papalayo..Hehe..

$ 0.00
3 years ago

Luhhhh nakakatakot naman yang ganyan. Naniniwala talaga ako sa mga ganyan e, marami ng nangyaring ganyan dito sa lugar namin. At maski ako, nakakita ako ng mga ganyan

$ 0.00
3 years ago

Naku ingat ka po at baka magustuhan ka din nila.hehe

$ 0.00
3 years ago

Naniniwala ako sa mga engkanto sis. May bestfriend maganda talaga siya, kasabay ko sa pageant. Naging close kami then mama niya sobrang ganda din.

Sabi niya may nagkagusto daw sa mama niya na engkanto kasi palagi nalang daw may kinakausap kahit walang tao lagi niya tinuturo tas wala naman daw tao din. Wala na kasi papa niya.

$ 0.00
3 years ago

Akala ko yong bestfriend mo sis yong nagustuhan yong mama niya pala.hahaha....mabuti nalang at hindi inasawa ng engkanto yong mama ng bestfriend mo po..

$ 0.00
3 years ago

Bata palang lang daw mama niya meron na daw engkanto nagkagusto. Sabi niya kaya daw namatay papa niya dahil parang may kinalaman daw sa engkanto baka daw nagalit.

$ 0.00
3 years ago

Totoo po ang engkanto ...kasi yung lola ko po ang kanilang tatay ay engkanto.. kaya 70percent dugong kastila 30percent sa engkanto.. at sobrang gaganda po ng mga lola ko noon. At ang kanilang tatay daw ay hari ng mga engkanto sobrang gwapo din daw nito kwento na ito sa akin ng mama ko... Kya yung nangyari sayo ay baka nga gawa ng engkanto.pero kung napagisipan mo sis hindi ka pa sana nkapagasawa bka madaan pa sa albularyo.

$ 0.00
3 years ago

Naku sis ibig sabihin yong lolo mo sa tuhod ay engkanto...so pwedeng meron ka pa pong lahi na engkanto...sure ako maganda ka sis.hehehe

$ 0.00
3 years ago

Hehehe siguro po, pero hindi na kami pure kasi sila mama yung meron pa hehe natalo na kasi ng dugo ng lolo ko na pure na pinoy talaga.. pero yung kapatid ko po na sunod sa akin.. siya nagmana heheh

$ 0.00
3 years ago

Meron aKong badinig na ganyang,may asaw na siya pero gusto pa din siya ng engkanto,minsan nga daw ,nadadatnan ng Asawa niya na walang damit yongbasawa niya PAg natutulog hinuhubad ng engkanto.

$ 0.00
3 years ago

Sigurado yong anak non sis ay may lahi na ding engkanto...

$ 0.00
3 years ago

Di ko lng alam sis

$ 0.00
3 years ago

Iba talaga magaganda sissy pati mga di karaniwang tao naiinlove 🥰

$ 0.00
3 years ago

Hahaha..naku sissy sa akin lang ata na pangit nagkagusto yong engkato.😅😅😅

$ 0.00
3 years ago

Loka ka sissy, mapili ang mga di nakikita, magaganda hanap nila

$ 0.00
3 years ago

Tama ka jan sis..hehehe

$ 0.00
3 years ago

Oh fiba di ako ngkamali hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ramdam ko na po yung halloween experience hehe. Naalala ko noon tuloy ate yung may multo raw sa bahay namin since wala pong nakatira pero wala naman. Di po kami naniniwala sa multo pero sa demons, oo haha. May anak na po ba kayo Ate ngayon kaya di na lumalapit yung demonyo sa inyo?

$ 0.00
3 years ago

Meron pa din kahit may anak na...pero hindi tulad nong dalaga pa ako..

$ 0.00
3 years ago

Minsan tlga may mga pangyayarin na sadyang d maipaliwang at natatakot tayo kasi di pangkaraniwan

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po nakakatakot talaga..

$ 0.00
3 years ago