read.cash Log in

@Blair1012

Joined 28 October 2022 · 24 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Blair1012

Kaya paba o suko na? Kaya paba? O mas mainam nang sumuko na? Kaya pa ba? O pilit mo nalang kinakaya? Kaya pa ba? O kinakaya mo nalang dahil wala kang ibang magawa kundi kayanin ang lahat kahit sobrang bigat na. Tatakbo na ba ako? susuko, luluhpd o dadapa? O patuloy na malakad sa apoy na naglalagablab, titiisin ang sakit wag lang matawag na duwag. O susuko nalang hihiga at mag papahinga? Ikaw kaya mo pa ba? o gaya ko rin pasuko na?

@Blair1012

I like you, as I like mathematics I like you as geometry I like you as pre-calculous I like you, as how I like solving problem, Thought it make my head dizzy, pain and overthink But I enjoyed it, as how I found solution. In nathenatics, there's always X and Y But in real life there is U and I You're my range and I'm your domain You're my denominator and I'm your numerator You know we're perfect relation One to one function. You are my perfect sum, whose into addition My perfect subtrahend that part of my subtraction My perfect product, whose into multiplication, and lastly, My perfect quotient, whose into division. Though I'm not your perfect degrees right angle, Not your perfect nth exponent Not your perfect roots But I will always be your perfect value of X Your formula and set builder notation. My mathematics, I will stay as your mathematician A how I stay as your probability and your my statistics You will be my logarithm and arithmetic You'll always be my tangent of love, and I hope someday you'll be my positive infinity. -good morning. monday na naman exhausting day of the week. Exam namin this week. Good luck to me. See yah noise mate. till next time I visit.

@Blair1012

Bakit Di Nalang Ako? Bakit di nalang ako?\ Ilang beses lumabas sa bibig ko? Bakit ako nagdurusa ng ganito?\ Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? Kung kasalanan mang mahalin ka Mahal, pasensya na -good morning and happy sunday to all.

@Blair1012

Ginawa mong sandalan ang musika Ang ngiti ay ginawa mong maskara Tinatago mo ang luha sayong mga mata Ngunit ang bigat ay di mo na makaya Wag umasa sa bahala na At kung sakaling bigat na bigat kana Hayaan mong tulungan kita At kung sakaling di natin makaya Pagsaluhan natin ang problema At walang susuko sa ating dalawa -good night

@Blair1012

Muling Pag-Ibig Dati pinili ko muna mag-isa Puso ko'y isinarado ko pansamantala Dahil nabigo sa pag-ibig sa una Natatakot tumnggap ng bago Aking iniisip baka maulit ang pagkabigo Pero bigla sa buhay ko'y dumating ka Hindi inaasahan ang kakaibang nadarama Sa puso ay may kakaibang ligaya At sa bawat pag ngiti mo at pangiti ng mata ,p Ay siya ring pagngiti ko At sa sarili'y naitanong ko Ikaw naba ang susi sa puso kong matagal ng nakakandado? Sadyang sayo ay nahuhulog na ako Kahit anong gawing pangtanggi at pag iwas ay hindi ko na mapigil na ikaw na ang itinitibok ng puso ko At heto na susubok ulit ako Sa iyo ay muling susugal ako At dalangin ko ikaw na sana ang makasama ko hanggang sa dulo. -good morning

@Blair1012

Once you have true feelings for someone, it will always be there. You may not like them anymore, but you still care. Good morning Sunday, Bless this day Lord.

@Blair1012

Morena Morena ka di negra Morena ka na may sariling ganda, Gandang 'di napapansin ng iba. Kutis kayumangi man ang 'yong balat, Ngunit ka'y ganda itong pakikitigan, Kutis mong nangingibaw, Kahit kanino man. Huwag mong ikahiya, Kutis mong mala beauty queen, Irampa sa mundo, Huwag magtago sa dilim. Sapagkat ito'y nakakahumaling, Kong ito'y iyong susuriin. Morena ka di negra. Ito talaga ang tunay na ganda, Bilang isang Pilipina, Irampa mo gandang angkin, Hanggang mag-sawa ang kanilang mata kakatingin.

@Blair1012

Man can forget a woman who abandoned him, but he can't forget a woman whom he abandoned forever. -good morning noise have a great weekdays

@Blair1012

Taong dalawang libo dalawampu't dalawa Sa kasalukuyang tao na akoa ay dalawampu't isa na. Taong napakaraming problema Na parang gusto ko na lang bumalik sa edad na labing dalawa. Noong di problemang tumambay sa labas Kahit na tuhod ko ay laging may gasgas Umuuwi akong ngiti ay wagas. Di problema kung walang selpon Basta't may teks at pogs kang inipon. Bata pa lang negosyante na Ibebenta ng piso sampu sa luma at kapag bago ay piso dalawa Di na lugi diba? Namiss kong mag laro ng patintero Merong babanggiting salita bago ka makapasok sa kamay nilang naka dipa Saya diba? kung ikukumpara sa kasalukuyang taon Yung stress sobra sobra Yung pera parang barya Mga taong hilig magpabida, gusto nila laging angat sila. Kakapagod na! Nais ko na lang mag pahinga At hilingin pag gising bumalik sa pagkabata na walang problema.

@Blair1012

Today I align myself even closer toward my passion. I accept only what will bring me closer to where my hearts calls for me to be. -good morning and happy sunday. Don't forget to visit Our dear God .

@Blair1012

Ako sa anim na letra ako na masaya lang tuwing umaga, umaga na punong puno ng saya, ngunit pag dating ng gabi lungkot ang aking nadarama. sa gabing ako'y nanginginig, tanging aking hikbi ang naririnig, iyak at hinagpis ang bumabalot sa aking madilim na silid, aking madilim na silid ang siyang naging dahilan upang aking mga luha ay mangilid. lungkot ang dahilan para ako'y mag isip ng kung ano upang masaktan ko ang aking sarili at matakot, ngunit takot din ang naging dahilan upang ako'y lumaban at masanay, lumaban para mabuhay, at msanay sa buhay. ngayon ako'y nakalaya na, nakalaya na sa gabing ako'y binabalot ng pout at hinagpis na naging dahilan upang ako'y sumuko na. ngunit ngayon ay umaga na, magsisimula na uli ang aking umaga na punong puno ng saya.

@Blair1012

To that one friend I feel safe telling anything. Thank you so much. -Good morning everyone have a nice day, napadaan lang ang for da ferson kasi busy sa paper works.

@Blair1012

There comea a point where you just can't hide from yourself anymore. The process just doesn't let you. As painful as it is.

@Blair1012

SANDALING ULAN Sa Sandaling pagpatak ng kapirasong tubig ulan Masaya tayong naglalakad-lakad na para bang wala ng patutunguhan. Patak at Talsik Ulan saking katawan ay hindi maramdaman. Dahil brasi koy naka akay sayo na para bang iyong pinapasan. Sa gilid ng daan masayang nag ke kwentuhan Ingay ng kapaligiran at patak ng ulan ay di natin pinakikinggan Sa paglalakad tayoy tuloy tuloy lang Hanggang sa tayoy pareho ng nababasa ng tubig ulan. sa sandaling tayoy nasa ulan Minsan sumagi saking isip na sana kung pwede lang wana na katapusan Pero kung sakaling matapos man Pwede bang matapos nalang kapag nandon na kami sa aming pupuntahan. Puso'y may kakaibang nadama Na para bang may gusto itong isigaw subalit di neto magawa Isip ay laging napapaisip Iniisip neto kung itoy totoo o isang lamang panaginip. #happysunday

@Blair1012

Tapos Na Magpapahinga na ko, salamat sa huling pagkakataon Akin ng ipipikit ang mga mata at hindi na muling didilat pa. Sa mundong nakakapagod, tinta ng panulat ko ko'y naubos na. Mga pahina ng aking kwento, ay natapos na. Tuluyan ng napundi ang liwanag ng bombilya at ang makinang na bituwin ay di na muling masisilayan pa. Pahinga na, tapos na ang laban ng aking buhay. Dahon ng puno'y naubos na. Mga bulaklak sa hardin ay nalanta na. Buhos ng ulan ay titila na. Sa pagpikit ng aking mga mata. Sa pagpikit ng aking mga mata Boses ko'y tuluyan ng di maririnig Mga salitang tumatatak sa lipunan ay tuluyan ng malilimutan. Paalam na kaibigan, tapos na ang aking laban. Di na kinaya ng aking katawan.

@Blair1012

Ikaw yung jeep pag puno na aalis agad. Huwag mag alala sanay naman ako mag isa. Kasi sa multiple choice mo. ako yung none of the above. Talento ko pala ang magmahal, kahit di naman ako mahal. Ang masaktan kahit wala naman karapatan. Pangarapin ka, kahit di naman ako yung pinapangarap. at higit sa lahat Talento ko maging masaya kahit nasa piling ka ng iba.

@Blair1012

Sun and Moon Relaxing my mind by the mellow like moonbeans. Striking my heart by the warmth like sunrays. You're a combination of hot and cold. Thy personality smooth and bold. Everyday, every night, you gives me light and direction. That I really admire and adore like the sun and moon.

@Blair1012

-Balik Tayo- Balik tayo, Noong araw na may kislap pa sa ating mga mata. Noong araw na may ngiti pa sa ating mga labi. Balik tayo, Sa mga araw na nasanay ng may pagbati sa umaga, At mga labi'y may ngiti sa pagsara ng mga mata. Balik tayo, Sa mga gabing magkausap tayo hanggang umabot sa magdamag, Kahit na pilit na nilalabanan ang antok na sumusuntok. Balik tayo, Sa masasayang araw, Na ang akala natin ay walang hanggan. Balik tayo, Sa mga araw na sinasambit na mahal mo ako At ang pangakong magiging tayo hanggang dulo. Balik na tayo. Balik na tayo, Sa realidad na hindi na ito mababago. Balik na tayo, Sa katotohanang hindi na muling magiging tayo. #Happy All Saints Day

@Blair1012

Mananatiling nasa tabi mo, kahit iba ang hinahanap mo. Mananatiling ikaw ang mahal ko, kahit iba na ang mahal mo. Mananatiling tutulong at tatabi sayo, kahit iba ang kailangan mo. Mananatiling prinsesa mo, kahit iba na ang reyna mo.

@Blair1012

tinig na hindi dinig Hanggang kailan ko ba pipigilin, baka pwedeng ito nalay iyong dinggin. Tingin ko ito nalay pangangarapin, kaso parang ngayon pasko ay di pa rin tutuparin. Pasensya na akin sinta, hindi kita kayang limutin. Sana dito ka nalang sa akin. Sinisigaw ng aking damdamin, baka pwede naman iyong dinggin. Sa huling banda, hangin lang ang nakikinig sa akin.

@Blair1012

KAPE Kape ikaw ang kailangan hinahanap ng umagahan at hapunan upang ika'y matikman sa bawat araw na dadan. Sarap ng iyong dala ay hindi ko makakalimutan kahit mag pakailanman. Nagbibigay ka ng saya sa karamihan. --gandang hapon sa lahat. halinat magkape tayo

@Blair1012

LUHA Sa napaka dilim na kalangitan, Sa isang sulok namayani ang katahimikan, Nagtatago't kinukubli, Ang totoong nararamdaman. Sa bawat gabing kay pait, Luha'y rumaragasa, Mistulang ulan sa bagyong dumaan, Tumila'y napakatagal/ Mga matang kumikinang sa ganda, Sa likod nito'y kapighatian, Nasasaktan, nagdurusa, Bawat gabi ay nababahiran ng luha. Saksi ang buwan at tala, Kung paano ang unan ay nababasa, Saksi ang buwan at tala, KUng paanong nakakatulong nalang na ang mga mata'y basa. Sa pagdilat ng mga mata, Pambungad ng umaga'y Mga matang namumugto, Sa bawat gabing pag luha. Pithaya ko'y sana matapos na, Ang mga gabing puno ng pagluha, Puso'y pagod na't nasasaktan ng sobra, Paghihirap sana'y matapos na.

@Blair1012

PATAWAD Sa pagbitaw ng aking ma kamay. Sa pangakong habambuhay. Sa paalam na matalim, mapait. Ako pala ang unang sasambit. Patawad Sa pagsukong lumangoy. Sa kwento nating wala nang katuloy. Sa karagatang pumagitna. Sa pagmamahalang pilit inaabot. Ang isat isa at Ang pangarap nating dalawa.

@Blair1012

we have tomorrow bright before us like a flame. Yesterday a night gone thing. a sun down name. and dawn today. broad arch above the road we came.