read.cash Log in
@Blair1012

LUHA Sa napaka dilim na kalangitan, Sa isang sulok namayani ang katahimikan, Nagtatago't kinukubli, Ang totoong nararamdaman. Sa bawat gabing kay pait, Luha'y rumaragasa, Mistulang ulan sa bagyong dumaan, Tumila'y napakatagal/ Mga matang kumikinang sa ganda, Sa likod nito'y kapighatian, Nasasaktan, nagdurusa, Bawat gabi ay nababahiran ng luha. Saksi ang buwan at tala, Kung paano ang unan ay nababasa, Saksi ang buwan at tala, KUng paanong nakakatulong nalang na ang mga mata'y basa. Sa pagdilat ng mga mata, Pambungad ng umaga'y Mga matang namumugto, Sa bawat gabing pag luha. Pithaya ko'y sana matapos na, Ang mga gabing puno ng pagluha, Puso'y pagod na't nasasaktan ng sobra, Paghihirap sana'y matapos na.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.