Ako sa anim na letra ako na masaya lang tuwing umaga, umaga na punong puno ng saya, ngunit pag dating ng gabi lungkot ang aking nadarama. sa gabing ako'y nanginginig, tanging aking hikbi ang naririnig, iyak at hinagpis ang bumabalot sa aking madilim na silid, aking madilim na silid ang siyang naging dahilan upang aking mga luha ay mangilid. lungkot ang dahilan para ako'y mag isip ng kung ano upang masaktan ko ang aking sarili at matakot, ngunit takot din ang naging dahilan upang ako'y lumaban at masanay, lumaban para mabuhay, at msanay sa buhay. ngayon ako'y nakalaya na, nakalaya na sa gabing ako'y binabalot ng pout at hinagpis na naging dahilan upang ako'y sumuko na. ngunit ngayon ay umaga na, magsisimula na uli ang aking umaga na punong puno ng saya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Medyo relate ako sa tula na iyong sinulat.