read.cash Log in
@Blair1012 more from that month

Tapos Na Magpapahinga na ko, salamat sa huling pagkakataon Akin ng ipipikit ang mga mata at hindi na muling didilat pa. Sa mundong nakakapagod, tinta ng panulat ko ko'y naubos na. Mga pahina ng aking kwento, ay natapos na. Tuluyan ng napundi ang liwanag ng bombilya at ang makinang na bituwin ay di na muling masisilayan pa. Pahinga na, tapos na ang laban ng aking buhay. Dahon ng puno'y naubos na. Mga bulaklak sa hardin ay nalanta na. Buhos ng ulan ay titila na. Sa pagpikit ng aking mga mata. Sa pagpikit ng aking mga mata Boses ko'y tuluyan ng di maririnig Mga salitang tumatatak sa lipunan ay tuluyan ng malilimutan. Paalam na kaibigan, tapos na ang aking laban. Di na kinaya ng aking katawan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.