-Balik Tayo- Balik tayo, Noong araw na may kislap pa sa ating mga mata. Noong araw na may ngiti pa sa ating mga labi. Balik tayo, Sa mga araw na nasanay ng may pagbati sa umaga, At mga labi'y may ngiti sa pagsara ng mga mata. Balik tayo, Sa mga gabing magkausap tayo hanggang umabot sa magdamag, Kahit na pilit na nilalabanan ang antok na sumusuntok. Balik tayo, Sa masasayang araw, Na ang akala natin ay walang hanggan. Balik tayo, Sa mga araw na sinasambit na mahal mo ako At ang pangakong magiging tayo hanggang dulo. Balik na tayo. Balik na tayo, Sa realidad na hindi na ito mababago. Balik na tayo, Sa katotohanang hindi na muling magiging tayo. #Happy All Saints Day
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet