Taong dalawang libo dalawampu't dalawa Sa kasalukuyang tao na akoa ay dalawampu't isa na. Taong napakaraming problema Na parang gusto ko na lang bumalik sa edad na labing dalawa. Noong di problemang tumambay sa labas Kahit na tuhod ko ay laging may gasgas Umuuwi akong ngiti ay wagas. Di problema kung walang selpon Basta't may teks at pogs kang inipon. Bata pa lang negosyante na Ibebenta ng piso sampu sa luma at kapag bago ay piso dalawa Di na lugi diba? Namiss kong mag laro ng patintero Merong babanggiting salita bago ka makapasok sa kamay nilang naka dipa Saya diba? kung ikukumpara sa kasalukuyang taon Yung stress sobra sobra Yung pera parang barya Mga taong hilig magpabida, gusto nila laging angat sila. Kakapagod na! Nais ko na lang mag pahinga At hilingin pag gising bumalik sa pagkabata na walang problema.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Minsan naiisip ko din ang kabataan ko nun. Kahit wala pa akong pera nun masaya naman ako.