Warrior in white

6 45
Avatar for Amz
Written by
3 years ago

Ang pag aaral daw ay wala sa edad ng isang tao, at ito ay napatunayan ko nung nakapagtapos ako ng pag aaral sa edad na 37,hindi madali para sa akin ang lahat kasi bukod sa edad ko, kailangan kong ipagsabay ang pag aalaga sa anak ko,trabaho at pag uunawa sa asawa ko, mahirap sa isang may asawa ang mag aral bukod sa kailangan mo mag budget para sa bahay at mga gawain dito kailangan mo din lawakan at pahabain ang pasensha mo sa mga selos at away ng asawa mo,

kung may pangarap ka, walang imposible nakapagtapos ako sa kabila ng hirap sa buhay, kahit na nangangapa sa dilim kasi bukod sa sobrang mahal ng midwifery mahirap din maipasa ang mga major subject lalo na sa edad ko at sitwasyon ng buhay ko. ngnit nagpasalamat ako sa Panginoon kasi tinulungan nya akong matapos ko ang pag aaral, at harapin ang bagong simula ng aking buhay

sobrang thank you kasi nakapasok agad ako sa isang pribadong hospital ngunit malaking challenge para sa akin kasi kasagsagan na ng pandemic lalo na sa lugar namin laging ECQ dahil sa taas ng mga kaso dito, natatakot kasi bagong graduate ngunit wala akong magawa kundi ang magpatuloy ng trabaho sa kabila ng risky na trabaho para matugunan ang pangangailangan ng aking pamilya, at ang pinakamahalaga magawa ko ang tungkuling sinumpaan ko ang mag alaga ng mga may sakit.

Sobrang sarap sa puso ang makatulong sa mga tao, yung sempling thank you nila at ramdam mo yung sensiridad ng pasasalamat nila, talagang nakakatangal ng pagod kaba at pag alala sa yung sariling kaligtaas

ngunit di maiwasan ang pagod at hirap ng trabaho lalo na nararamdaman mo na kulang kayo sa staff, umabot sa point na 16 hours na on duty ka at 8 hours na naka PPE, walang kain, ihi at kahit inom ng tubig sa loob ng walong oras, at ang mahirap umabot ka sa 20ka tao ang alagaan mo, kasi iilan nalang kayong natira sa staff kasi karamihan sa mga kasamahan mo nag positive at mag malala iilan sa kanila sumuko dahil sa kakulangan ng sahod at mga gamit,

ang mas mahirap na sitwasyon yung dumating ka sa point na ganito, dahil sa pagod at pag alala nahihirapan ka na ngunit dahil sa tawag ng trabaho kailangan mong bumangon at magpatuloy, kasi alam kong mas marami pang tao nangangailangan ng aking serbesyo.

Malaking tulong sa akin ang paglabas ko ng aking mga saloobin ngayon kasi mag isa lang ako sa loob ng 7 araw, naka isolate ako sa mga oras na ito kasi nag Covid positive ako last August 27, hindi talaga ako mahilig at marunong gumawa ng article kaya pag pasenshahan nya na ang gawa kong ito gusto ko lang talaga mailabas ang nararamdaman ko, sa awa ng Panginoon wala na ako kahit anung symptoms, God bless at ingat tayong lahat

5
$ 0.11
$ 0.05 from @LykeLyca
$ 0.05 from @Kristofferquincy
+ 1
Avatar for Amz
Written by
3 years ago

Comments

Sis sana po ma swab ka na at negative na para makalabas ka na sa quarantine.

$ 0.00
3 years ago

Sana nga sis bukas yung sked ko for RT-PCR, Sana nga negative na, back to work na at Sana nakagawa Parin ng article dito while working

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago

Welcome, as far as I can tell you are just getting started here. I hope we can stay connected through reading the posts. Take care of yourself.

$ 0.00
3 years ago

Thank you, for continue encouraging and motivate me,as a newbie messaging me is big help to us,nice knowing you my friend

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago

Hello and welcome to read.cash my fellow HCW.. Mahirap po talaga sa atin ngaun ang trabaho dahil sa pandemic. Currently, nka quaramtine ako dahil sa pasyente ko. Pero laban lang sis at samahan na rin ng dasal at pag iingat.

$ 0.01
3 years ago

nice to meet you, ang hirap na ng sitwasyon sa hospital diba po ba, ? may isa akong kakilala hindi nga sha nag positive pero mas malala nawala sa katinuan, kaya lakasan pa natin pananalig kay Lord

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago