Malayang Pagsusulat

10 31
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

March 20, 2022 14:05pm

Isang mapagpalang araw ng linggo sa ating lahat, total sunday naman magtagalog muna ako kasi medyo napapasma na yata ung utak kong kapiranggot na lang. Pinamagatan kong malayang pagsulat ito dahil, magkwento lang ako ng kauntian ng mga pangyayari ngaung araw.

Bago ko simulan flex ko muna mga sponsors ko!

Actually maaga kami nagising at maaga ko din nagawa ang mga gawain ko kaya ndi ko ramdam masyado ang pagod sa katawan ko. Kaso medyo nainis ko kasi umalis si partner may patawag na naman daw ang organisasyon ng mga tricycle driver, ewan kung sino ang nagpatawag. Di umalis nga sya pero mga after an hour yta andito na din, yun pala nagfill up lng ng form, bukas daw ang release ng ₱1k sa bawat driver, napangiti ako at sabay sabing ay buti naman at makakabayad na tayo ng full sa kuryente, ndi sya umimik.

Then after lunch nagpabunot sya sa akin uban, at kachat ko brother ko kasi tinatanong ko sya about dun sa stormgain account nya kasi turuan ko sya magtrade, kaso ndi daw kaya ng cp nya dahil low memory, then nauwi kami sa medyo serious convo, kasi may pinagkakautangan sya dahil sa talpak.

So nagtanong ako if bayad na ba sya dun sa pinagkakautangan nya, kasi sabi nya magloan sya sa agency para mabayaran un, sabi nya ndi pa daw, sabi ko nakakahulog ka ba, ndi din daw, sabi ko ano plano mo, then reply nya BASTA TE, then hinayaan ko na, then nagchat uli sya may sasabihn daw sya sa akin basta secret daw at wla daw akong ibang pagsasabihan kahit sa Mother namin, so tinanong ko ano ba un. Then un nga may sinabi sya na medyo sensitive issues about sa knya, so ako pinayuhan ko sya na medyo mahirap ung pinasok nya na problema, pero tingin ko naman masaya sya kaya lng ndi sya ganun kadali tlga. Sabi nya maging masaya na lng daw ako para sa knya, ndi ako sumang-ayon sa pinasok nya pero syempre ramdam ko na ok nga sya sa ginawa nya, ewan basta medyo magulo, ndi ko din muna pede share dito dahil secret nga daw namin🤣. Masaya naman ako at malungkot kasi andun ung tiwala nya sa akin, at cguro nahihirapan na din sya na sarilihin ung nararamdaman nya. Malungkot ako kasi ung mga what ifs ko, if naalala nyo ung previous article ko na about sa kapatid kong nag-attempt magbigti sya un, so andami kong what ifs na naman, pero atleast ngaun marunong na syang mag-open unlike dati na ndi tlga sya ngkukwento. Basta ung payo ko sa knya ay ayusin nya ang buhay nya dahil ndi na sya bata, oo daw. Dun natapos ang convo namin.

So ako ito nag-iisip sa pinasok nya at dasal na lang na sana nga hindi maging magulo ang sitwasyon.

After ng convo namin nagreklamo na ung binubunutan ko ng uban kasi ang konti pa daw ng nabubunot ko, di nagfocus ako ng konti, sabay usap na din sabi ko punta tayong bayan, ipasyal natin si Adrielle, total binigyan naman sya ₱1k ng kapatid ko(actually ₱2k un kaso secret na bka isipin mapera ako, wla sana akong planong sabihn kaso tumawag kapatid ko katabi ko sya ang sabi ATE nareceive mo na ba? Sabi ko oo at salamat, tanong agad sya pagkababa ng phone magkano? Yun sabi ko ₱1k pangjobee daw ni Adrielle), kaso may gawa daw sya ngaun may pakyaw sila dun sa kapatid nya, then ako na lng daw ang pumunta ng bayan at bumili ng CIGNAL kasi wla na kaming napapanood sa tv namin kundi TV5, dahil ung GMA 7 wla na sa TVPLUS, bibigyan nya daw ako ₱1500 taz bawasan ko ung bigay kay Adrielle na ₱1k taz bili ko ng jobee si Adrielle, kaso naisip nya linggo baka daw sarado, kaya sya na lng daw bukas ang bibili pagkakuha nya nung ₱1k na para sa tricycle driver, at malapit na naman ang kuhanan sa bayan.

Ayun nacancel ang jobee ni Adrielle, pero ok na din sayang din ung pakyaw na gawa ngaun katulong ung katrabho nya, magkano din un, pandagdag budget din, may ibang araw pa naman para makapagjobee si Adrielle.

Yan ang kwento namin ngaung linggo, bihira kami magkakwentuhan ni partner ng ganyan kasi nga madalas nasa labas sya or tulog.

Ung ₱1k na tira pala nakatabi kasi baka umuwi ng bicol family ko this holy week eh gusto ko makasama kami ni Adrielle eh bka mmya walang budget si partner eh atleast meron ako diba, ayaw kasi ni partner sumama at may trabho din sila so kahit kaming mag-ina lang, kaya kipit kipit muna, if sagot ng kapatid ko pamasahe mas maganda, if ndi may pamasahe kami:)

6
$ 2.66
$ 2.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.04 from @DennMarc
+ 3
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

Comments

Excited na ko sa holy week kala ko talaga madam ngayong march yun haha, lol medyo naninibago na ko pag mga pure tagalog kayo madam.

$ 0.01
2 years ago

Haha, kaumay din mag-english lalo trying hard😀

$ 0.00
2 years ago

Ayun na amnesia na nmn ako sis hahaha. Holy week na pala soon. Laking Jollibee tlga c adrielle oh.

$ 0.01
2 years ago

Ndi naman masyado sis madalas once a month lng

$ 0.00
2 years ago

I feel you sis,nauubusan na din ako ng english😅Anyway ,medyo nasayanha ako sa jabe kasi iba ang saya ng mga bata kapag naka jabe no .

$ 0.01
2 years ago

Next time na lng cguro sis hehe,umay din mag-english sis🤣pero mahirap din if pure tagalog

$ 0.00
2 years ago

Same tayo sis. Need ko din mag-ipon for this Holy week. Baka din kasi pupunta ang kapatid ko dito sa amin. Ayyy, next time na lang ang Jobiee ni Adrielle.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis pede naman next time at may nakatabi naman na pera

$ 0.00
2 years ago

Sayang naman at di natuloy ang pa jollibee hehe. Sana nga makauwi ng Bicol para naman makapasyal kayo ng anak mo.

$ 0.01
2 years ago

Next time na lng ang jobee, oo nga po almost 5years na akong ndi nakakauwi

$ 0.00
2 years ago