Ang Asal ng Bata dala Pagtanda

16 33
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

March 30, 2022 14:13pm

Happy hump day!

Sorry sa mga nagoyo/naloko ko sa article ko kahapon hihi, bawi lang po kasi nagoyo din ako ni @MoonTrader nung minsan sa article nya, at dahil medyo matagal na un ndi na halatang prompt dahil kumbaga natabunan na ng ibang topics kaya naman yun ang naisipan kong gawing article kahapon, plus ung topic ko para sa article ko kahapon eh ndi ko pa alam if paano ko sisimulan kaya buti na lng talaga nascreenshots ko ang mga prompt para may article saver ako if wla akong ideas na maayos ndi ko alam if paano ko sisimulan ang article ko.

Kahapon birthday ng pamangkin ni partner, ung halos kaedad ni Adrielle hapunan daw ang handaan at konting salo salo para sa mga pinsan at magkakapatid. Akala ko ndi na kami makakapunta dahil simula tanghali hanggang 4pm yta nag-uulan, buti nung dumating si partner galing pakikipaglibing tumigil na ang ulan at pumunta na kami.

Yan ang family ng bunsong kapatid ni partner, Teacher sya ng kindergarten taz ang hubby nya ay sundalo pero madalas sa campo lng namam nakaduty, ndi naman napapasabak sa mga giyera. Kaya masasabing maganda talaga ang status ng buhay nila, si Bella ay pinapaalagaan lng, before dun sa pinsan nila kaso ngaun ay sumuko na mag-alaga dahil nahihirapan at sumsakit na ang likod kya ang nag-aalaga ay ung pamangkin nila na panganay at nanay nito.

Si Bella ay may pagkamaldita at madamot sa laruan, sapol na magkaisip sya cguro dahil spoiled sya at madami nag-aalaga sa knya.

Gaya nga kahapon, birthday nya dumating mga co-teachers ng Mami nya ng laruan kahit ndi nya nilalaro ayaw nya pahawakan sa mga bata.

Then after kumain ng mga teachers nagpaalam na ang mga itong umuwi, kaso itong isang bata gusto ng ballon, kaso ayaw ni Bella magbigay, kaso ung bata ayaw din pumayag na wala syang ballon syempre nga naman galing sya s birthday party dapag may lobo sya diba, ayun nagwala ang Bella grabe ung iyak nya walang tigil dahil kanya daw ung ballon kahit binigyan sya ng Daddy nya ng madaming ballon ung nsa bata pa rin ang gusto nya, hanggang nakaalis ang mga co-teachers ng Mommy nya nagwawala sya,andami ng naglilibang sa knya pero wala syang pakialam kundi umiyak ng napakalakas.

Kaya ang ginawang ng Mommy nya inilabas ng bahay at ibinili sa tindahan ng candy para lang matahimik, ayun pag-uwi tuwang tuwa na dahil may candies at marshmallow na dala.

Nung gabi na may dumating na bisitq ang mag-asawamay dalang baby cguro mga around 10-1year old ang bata at naglakad lakad ang bata hawak ng magulang at napagawi ang baby dun sa laruan ni Bella at dumampot sya, aba ang ginawa ni Bella ay inagaw ang laruan at ibinalibag sa lagayan kahit ndi naman nya nilalaro.

Ganyan ung ugali ni Bella na nakakalakihan nya, which is para sa akin na may anak din ako is masama, ndi ko alam if anong attitude nya if sya ng nsa ibang bahay, dahil minsan kapqg andito sya sa amin ganyan din ang kilos nya ung gusto nyang laruan dapat mkuha nya. Ewan ko lng din if mababago pa ung ugali nya habang lumalaki sya.

==

Kaninang tanghali lumabas ung pamangkin ni partner at chumika ng kaunti sa akin at nabanggit nga ung kay Bella, sabi nya "grabe Ate ang ugali ni Bella ano, parang nakakahiya na din kasi kahit maliliit na bagay ayaw nyang ipahiram or ipamigay sa ibang bata eh andami nya namang ganun, sobra syang spoiled, mga professionals pa naman parents nya, dapat dinidisiplina din nila si Bella at hindi laging sinusunod.

May point din naman sya para sa akin kasi ako bilang magulang na din at bata pa ang anak ko, talagang tinuturuan ko sya na magpahiram ng laruan, minsan nga mas hinahayaan ko pa na mawalan sya minsan ng laruan lalo at andito naman sa bahay naglalaro kasi anytime naman pedeng nyan laruin ang mga yun ndi gaya ng kalaro nya na kapg pupunta lang dito nalalaro ang laruan nya.

Kya sa ting mga magulang wag nating palakihin na spoiled brat ang mga anak natin, hndi reason na solong anak at bata pa, mas magandang habang bata nadidisiplina na natin sila dahil sa huli sa atin din mababalik ang ginawa nating pang-spoiled sa knila

8
$ 2.18
$ 1.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @ARTicLEE
+ 5
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

Comments

Nku di ko sinanay eldest ko non kung ano gusto nya binibigay ko pano na lng pg wla akong pambili. Kya sinasabihan kung budget lng pera natin. Matured mg isip ang eldest ko sis kahit the only lng sya noon. Kung ano lng mabigay ko eh masaya na sya

$ 0.01
2 years ago

Parang si Adrielle din sis

$ 0.00
2 years ago

Parents talaga yung role model ng mga kids kaya much better na ipakita ang mga tamang gawi para yun ang makita jilang tama at yun ang sundin.

$ 0.01
2 years ago

Parang di nga po magandang asal yon. Yung pamangkin ko din na isa ganon ang ugali, malokong bata pero kapag siya ang niloko aba talagang mananakit. Kaya lagi kong sinasabihan si kuya na ituwid yung ganong ugali kasi kapag nalakihan eh magiging problema din nilang mag asawa.

$ 0.01
2 years ago

Oo tama ka dun sis, kapqg nakalakihan siguradong sakit sa ulo yan

$ 0.00
2 years ago

Very no ang ugaling ganyan samin ate. Baka bata palang, masampal na yan ng lola dahil sa kadamutan. Walang ganyan na lumaki samin kahit mga pinsan ko. Lahat kami supervise ng lola namin. Sa magulang ni Ella, dapat maturuan yan ng tamang asal. Paglaki nyan , baka wala yang maging totoong kaibigan.

$ 0.01
2 years ago

Sana nga magbago pa sya habang lumalaki, iba din cguro kasi kpag may takot ang bata medyo nadidisiplina sila.

$ 0.00
2 years ago

Sobrang spoiled na bata nga sis. Nasanay siguro siya na lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, which is not good. Dapat tinuturuan din siya how to share. And true, nasa magulang talaga yan kung paano nila pinapalaki ang bata.

$ 0.01
2 years ago

Yun nga sis, iniiwqsan kasi nil umiyak ung bata kaya ayan halos nakasanayan na, sana nga magbago pa habamg nagmamatured

$ 0.00
2 years ago

As a first time mom na infant pa lang si bb, nasasaktan ako para sa parents. I know na hindi nila mean na lumaking ganun yung bata, pero isa dn to sa downs ng mga batang pinapaalagaan na lang. Kaya dapat importante pa dn na at a very young age ,around 10 months nga nakakaintindi na, bigyan ng time ng parents to bond. Kasi pwedeng resulta yan ng kakulangan ng time ng parents sa kanya, nagaactout na lang pra mapansin. Pamangkin ko at the age of 1 marunong magbigay ng food sa amin, ngayong may pinsan na sya ( anak ko) challenge samin ng kapatid soon na maturuan sila magshare sa isat isa.

$ 0.01
2 years ago

Ako din first time mom pero 3years old na anak ko, minsan nagdadamot sya sa laruan pero most of the time sya ang nag-ooffer ng laruan nya sa bata, pinapagalitan ko sya if ngdadamot sya. Mahirap kasi tlga if iba ang nag-aalaga, pero may oras naman sila sa bata siguro naspoiled lng tlga na lahat ng gusto ibibigay para mdi umiyak kaya ganun ang ngyari

$ 0.00
2 years ago

yun lng. kung nahirapan sila magdisiplina, mas mahihirapan sila paglaki ng bata.

$ 0.00
2 years ago

Ganun tlga.. Parents are the first teacher... Kung ano kinalabasan ng bata..dahil ganun ang pinapakita ng magulang

$ 0.01
2 years ago

Kya nga po nakakalungkot minsan ang behaviour ng bata

$ 0.00
2 years ago

Masungit ako na tito kaya hindi makapalag mga pamangkin ko pag ganyan ang ugali haha!

$ 0.01
2 years ago

Ako din po masungit kya si Adrielle ko behave sya ng konti😀

$ 0.00
2 years ago