Reminder po sa lahat lalo na po doon sa mga maaapektuhan ng bagyong karding. Lumikas na po habang maaga pa kung alam ninyong sa delikadong lugar kayo. Mas mahirap lumikas kung kailan andiyan na ang bagyo. Noong maliit pa ako at nasa bicol pa kami ay naranasan kong ang lakas na ng hangin ay saka pa lang kami lumilikas kung kailan may mga nagliliparan ng mga yero at sobrang delikado na. This is my most unforgettable experience.
5 comments
Doon din po ang province ng mama ko sis sa bicol sa catanduanes kaya talagang grabe ang tama ng bagyo sa kanila madalas. Ingat din po kayo diyan sis, dito sa amin din malapit daw dadaan
Bicol din pala kayo. Ako ang hindi ko malilimutan na dala ng bagyo ay yung naubos nilipad talaga ang bubong namin. Parang nagsimula sa simula. Sobrang hirap pa dahil yung mga pananim na pinagkukunan ng ikabubuhay sinira ng lahat ng bagyo.
Naranasan ko rin dati na nagyakapan na lang kami lahat ng ang buong bubong namin at nilipad ng buo. Mga karanasang pag naalala ko ay naiiyak ako.
ingat po ang lahat
This look creepy. Stay safe.💕