Hello Di ko pa gaano alam ang app na ito. Snubukan ko lang iclick ang invite link ng mga friends ko sa noise cash. Then gumawa na rin ako ng account ko rito.
@yujin in September 2022
Nakakamiss ang ganitong mga laro dati ng mga bata. Noong wala pang social media at new technology. Pero mas healthy ang mga bata noon dahil kumpleto ng exercise ang.katawan. Di katulad ngayon na halos maghapon na lang nakaupo.
Sharing here the real me. Minsan lang ako kung mag post ng picture ko kahit saang social media. Mga anak ko lang lagi ang nakapost sa mga timeline ko. Hoping na magkaroon din ako ng maraming friends dito.
Lumpiang gulay. Pwede pang-ulam at pwede rin pang meryenda. Isawsaw lang sa sukang may garlic and sili ang sarap na. Gawa ito ng mga anak ko.
Minsan lang kung magluto ako nitong beef salpicao. Pag may extra budget lang. Medyo may kamahalan kasi ang beef na ginagamit dito. Gusto ko lang kasi ang food na ito kaya minsan ay napapaluto rin ako.
Good night. Sharing here my picture last year. Simula bata pa ako hanggang ngayon ay di pa rin nagbabago ang katawan ko. Payat pa rin. Kaian ko kaya mararanasang tumaba. Siguro during my retirement age pg di na busy sa work.
Pandan salad for dessert. Di pwedeng tawaging buko pandan dahil wala namang buko. Pero masarap din pala. Dala lang ito ng isa kong kasama sa work.
Anthurium plants. The only plants that flowers all year round. Ang ganda ng halaman na ito at medyo may kamahalan din kung bibilhin mo. Kaya ang pagtatanim nito para pambenta ay malaki ang kikitain kung marunong ka lang sa pag-aalaga ng mga pananim.
Silver medal. Tatlo ang anak ko at lahat sila nag graduate ng grade 12 na with honors. Pero itong medal na natanggap ng bunso o ang aking pinakapaborito. Dahil hindi lang siya with honors kungdi with high honors.
Maraming survey site online na pwede na pagkakitaan. Kaya simula ng matuto ako rito ay tuwing may free time ako ay sa mga survey site ako nakatambay. Bukod sa kumikita na ay nag -eenjoy pa akong sumagot sa mga survey. Kaya halos di ko na nga matingnan ang aking Facebook.
Sa bawat araw kahit tayo ay may.problema kung paggising natin ay nakangiti na tayo at magpasalamat kay God ay magiging maganda ang buhay natin. Kahit may problema ay magiging magaan ang pakiramdam natin pag di natin ito didibdibin at tawanan lang natin. Kasi di lahat ng panahon ay may problema tayo. Matatapos din iyan. Parang si haring araw na kung lumubog man siya ay sisikat pa rin.
The new conference room sa work namin. Ang linis at maaliwalas ang lugar. Dito ang mga visitors pinapaghintay habang wala pa ang kanilang ka meeting.
This is the food for free lunch provide by the company for selected employees. You can get unlimited foods basta kaya mo lang ubusin
Sometimes we need trip closer to nature. The best way for relaxation.
Pagdating ng husband ko ay di niya type ang lasa ng niluto ng mga anak kong beef with mushroom and cream. Kaya nagluto din siya ng ulam niya. Pork sinigang. Kami ay kanina pa tapos kumain pero siya ay kakain pa lang
Good morning. Start this day with a smile and thanks God for all the blessings that we received. Again ang aga ko uli nagising. Preparing for food for breakfast and also for lunch for my children. Malapit na exam ng mga anak ko kaya busy sila ngayon sa pagrereview.
Nakita ko lang ito sa fb at gusto ko lang share rito. Sa panahon ngayon ang dami ko na talagang nakikitang ganito. Ang kanilang mga magulang ay di man lang magawang tulungan ng mga anak dahil walang ibang ginawa kungdi humawak ng cellphone. Kaya laking pasasalamat ko na ang mga anak ko ay marunong magkusang gumawa sa bahay. Di na kailangang utusan pa.
Happy morning beautiful people with beautiful hearts. Don't rejoice the misfortune of others. Dahil ang malas ay nakakahawa. Kung natutuwa ka na minalas ang isang tao ay para mo na rin hinihintay ang para sayo. Kaya don't wish anything bad to others.
Hoping that the word S O O N will replace by the word F I N A L L Y.
Everyday ay ganito ang free lunch namin. May rice, ulam, gulay,isda at sabaw. Unlimited ang food. Ikaw ang kukuha ng kakainin mo. Ang katabi ko ay ganito karami ang kinuha niyang pagkain. Tumayo siya sandali dahil kumuha ng tubig. Kaya na picturan ko food niya. Ang dami niya makakuha ng food. Kung para sa akin mga tatlong kainan ko na ito. Ang iba rito dahil free ay sinasamantala. Dinadamihan na ang kain para di na kumain ng meryenda.
BE GOOD AND DO GOOD TO OTHERS. DON'T HURT OR DEVALUE PEOPLE IN YOUR LIFE. TIME AND CIRCUMSTANCE MAY CHANGE ANYTIME. EVEN YOU ARE SO POWERFUL AT THIS TIME BUT YOU DON'T KNOW WHAT WILL HAPPEN TO YOU NEXT.
SUmakay na lang ako ng tricycle para makauwi kaagad. Masaya ako pagdating ko ng bahay dahil tapos na uli magluto mga anak ko Kakain na lang kami mamaya kunti. Maaasahan ko na talaga ang mga anak ko. Pork caldereta ang niluto nila.
Love is better than anger. Hope is better then fear. So let us be loving and hopeful.
A pure and everlasting love is a love that never change and a love that is hard to forget. And that is my love to my children.
Thank you Lord for another day of my life. Another chance for me to do what I want to be in my life. But I am not strong enough of my own. I need you Lord in every moment of my life. Happy new day everyone.
Good morning. It's Friday again. Parang ang bilis lang ng mga araw dahil lahat tayo ay busy at maraming pinagkakaabalahan. Sa isang araw pag marami tayong ginagawa ay di natin namamalayan na hapon na naman.Dahil sa busy tayong lahat ay mapapansin na lang natin na December na pala. At siyempre excited for 13th month pay. Pero malayo pa ay may pinaglalaanan na ng pera. Have a happy day everyone
An old picture frame. Hanggang ngayon ay nakadisplay ito sa work namin. Ito ang Maynila noon. Mga panahong kalesa pa lang ang sasakyan. Ang ganda na pala ng Maynila kahiit noon pa.
Ito ang free lunch namin ngayon. Rice, lumpia shanghai, pancit bihon and monggo and tried fish. Sa katabi ko ito pagkain. Pero nagpaalam naman ako sa kanya bago picturan Ako kasi pancit lang kunain ko at kunting shanghai.
Only rich kid can afford this during 80's. Dati maliit pa ako ay naiinggit ako sa mga kapwa ko batang may laruang katulad nito. Lalo na iyong batang kapitbahay namin ay mahilig magpa-inggit. Ipinagyayabang niya lagi sa amin ang kanyang laruan pero ayaw namang magpahiram. Naalala ko lang noong bata pa ako ng makita.ko ang picture nito.
Dumaan ako sa.grocery ngayon bago ako umuwi. Dahil sa taas ng mga bilihin ay for one thousand pesos ay ito lang ang nabili ko. Coffee lang, bread at mga pang snack ng mga anak ko. Kaya kung di magtitipid sa ngayon ay kulang na kulang ang sahod lalk na kung minimum wage earner lang.
Naalala ko lang dati na maliit pa ako. Di pa ako noon nag-aaral. Isa ito sa mga dramang pinapakinggan sa radio ng mga nakakatanda kong mga kapatid. Pag mahina na noon ang battery ng transistor radio ay halos idikit na ang kanilang mga taenga sa radio. Pero wala akong alam kung ano ang kwento nito.
May face to face class ngayon ang bunso ko at di pa nakakauwi. Hanggang eight o'clock ang pasok niya. Nag-aalala na ako baka nahirapan sumakay dahil malakas ang ulan sa amin. Di pa rin ako kumakain dahil hinihintay ko siya. Lumpia shanghai ang niluto ko at paborito niya itong food.
Good morning. Thank you Lord for this new day again. What we want to be in our life, take action now. Don't wait for the perfect time. It doesn't arrive. Don't be fear but do it today. Have a happy day.
Heavy breakfast para magkaroon ng lakas. Ang dami kong gagawin ngayon sa bahay. I will do general cleaning at papaltan o lahat ng mga bed sheets. Kaya tambak din ang labahin nito. Let's eat.
Pumunta sa amin kaninang umaga mga pamangkin ko. Ang iingay nila pati ng mga anak ko. Ang sasaya nila habang gumagawa ng mango sago. Nabawasan tuloy budget ko para sa isang linggo. Masaya ako na makita kong nagkakasundo ang magpipinsan.
Busy ako sa pagbabantay ng mga sinampay ko. Bawat tuyo na ay kinukuha ko kaagad. Kaya hinayaan ko magpipinsan na magluto sila. pagkatapos nila gumawa ng mango sago ay nagluto na rin sila ng ulam. Pork adobo with eggs ang niluto nila. Enjoy na enjoy sila habang nagluluto. Maririnig mo sa kanila ang malulutong na halakhakan.
Natapos na naman ang isang araw and it's a miracle for me dahil talagang pinakisamahan ako ni haring araw. Natapos ang maghapon na di man lang umambon. Talagang ang init. Kaya tuyo lahat ng sinampay ko. Dinner na naman. Ang ulam namin ay yong tira kaninang tanghali. Marami pa kasi.
Hanggang bukas ay may ulam pa rin kami. Yong niluto ng mga batang ulam namin kaninang lunch ay hanggang ngayon di pa rin namin naubos. Pero naubos na yong halong eggs. Pag marami talaga ang lutuin ay makakatipid din sa gaas kaya lang minsan nakakasawa na rin kung ilang kainan na ganon pa rin ang ulam.
What you give out will return to you. Ang panloloko sa kapwa ay laging may balik at may karma. Hinding-hindi tayo magiging masaya hanggat may naaapakan tayong kapwa. Good night and sweet dreams.
Pagbukas ko ng cellphone ay ito kaagad ang tiningnan ko. Ang reminder ni NDRRMC. Sa mga kababayan ko na nasa ilalim ng signal number 3 ay mag-ingat po tayo. Lalo na po sa nga binabahang lugar. Kung pwede hanggat maaga pa ay lumikas na po tayo. Mabuti na ang nakakasiguro. Have a blessed Sunday everyone
Reminder po sa lahat lalo na po doon sa mga maaapektuhan ng bagyong karding. Lumikas na po habang maaga pa kung alam ninyong sa delikadong lugar kayo. Mas mahirap lumikas kung kailan andiyan na ang bagyo. Noong maliit pa ako at nasa bicol pa kami ay naranasan kong ang lakas na ng hangin ay saka pa lang kami lumilikas kung kailan may mga nagliliparan ng mga yero at sobrang delikado na. This is my most unforgettable experience.
Idineklara ng signal number 4 ang Polilio group of Islands. Sa mga nakatira po diyan at sa mga malalapit na lugar ay habang maaga pa ay maging handa na po tayo habang may oras pa. Lahat po ng dapat gawin ay gawin na. Wag niyo po itong ipagsawalang bahala. At siyempre always pray.
Pag may paparating na bagyo ay lagi akong updated sa mga balita. Ang mga lugar na nabanggit ay nagdeklara na ng class suspension para bukas. Ingat po tayong lahat.
Dahil isa ang lugar namin sa mga madadaanan ng bagyo kaya ngayon pa lang ay nakapagluto na ako ng mga pagkain namin hanggang mamayang gabi. Pati mga tinapay at biscuit at mga ready to eat na delata ay bumili na ako. Mas mabuti na ang laging handa kaysa kung kailan andiyan na ang bagyo ay saka pa lang kikilos.
Nasa signal number 5 na ang Polilio Island sa Quezon Province. Super typhoon na si Karding. Ganito kalakas si bagyong Reming ng dumaan sa Bicol dati. Halos lahat ng bahay washout. Keep safe and pray.
Thank you SM sa inyong kabutihan. Nag-umpisa na pong bumuhos ang malakas na ulan dito sa NCR. Ayan po ang SM megamall nakahanda po silang tumulong sa mga residenteng nakatira malapit sa kanila. Sana lahat ay katulad niyo na laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Kaya lalo kayong pinagpapala dahil sainyong kabutihan.
Kasalukuyan ng nananalasa ang bagyong karding sa ibang lugar ng Quezon Province. Pero may mga residente pa rin na medyo matitigas ang ulo. Sapilitan pa bago lumikas. Wag na sanang hintayin pa na kung kailan delikado na saka pa magmamadaling lumikas.
Ang sarap kumain pag malamig ang panahon. Pork belly na lang ang laman ng freezer namin kaya niluto ko na lahat at baka mawalan pa ng kuryente at masira pa. Pati itlog dibamihan ko na. Nagsimula na rin ang malakas na ulan sa amin at minsan may mahinang hangin na rin. Keep safe po and pray
May pasok pa rin kami bukas. Pero exempted naman ang mga naapektuhan ng bagyo at kung di makapasok ay not counted naman as absent. Pero sa katulad ko na malapit lang kami sa work ay.di pwedeng di pumasok. Sayang din ng isang araw na mababawas sa sahod. Good night at ingat po ang lahat.
Thank you Lord for another day to live. I am si blessed because I'm alive. Please bless us this Monday. Please lead us with joy, peace and happiness. Good morning. Hanggang ngayon umuulan pa rin sa lugar namin. Magdamag ang buhos ng ulan. Buti at di gaano kalakasan kaya kunti lang ang baha.
Thank you Lord at nagpakita na si haring araw. Sabi nga kahit anong unos ang dumaan ay sisikat pa rin si haring araw. Kaya sa mga dinaanan ng bagyo ay wag mawalan ng pag-asa kung may mga ari-arian kayong na damage. Makukuha pa rin iyan balang araw. Happy lang at magpasalamat na tayo ay buhay pa
Ang ganda na ng panahon sa anin. Akala mo walang bagyong dumaan. Pero nagpapasalamat ako dahil ang bilis lang ni karding umalis. Siguro dahil sa dasal ng mga tao. Wala talagang imposible sa panginoon. Kaya magtiwala lang tayo lagi sa kanya..
Sharing here again ang free lunch namin kanina.. We have rice, chicken adobo, pancit miki, fried galunggong and beef nilaga. Ang babait nga ng mga boss namin dito. Kung ano ang pagkain nila ay ganon din.ang.pagkain namin. Kaya laging complete meal ang lunch namin.
Ang ganda ng panahon sa lugar namin buong maghapon. Pero kung kailan papalabas na kami ay biglang ulan naman. Ok lang sana kung ambon lang. Kaya.lang ang lakas. Imbes na makauwi kaagad ako ng bahay ay matatagalan tuloy. Pero masaya naman ako dahil nag chat sa akin anak ko na tapos na raw sila magluto.
Ganito kalakas ang ulan sa amin. Kaya nag-umpisa ng bumaha. Ang bilis lang tumaas ang tubig sa mga mababang lugar dahil sa lakas ng ulan. Kahit nakasakay ako ng tricycle ay nakapagpicture pa rin ako. Sa mga uuwi pa lang ng bahay ay mag-ingat po. At wag na lang lumabas ng bahay kung wala namang gagawin sa labas.
Wag tayong mainggit kung may kasamahan tayong nagtagumpay sa kanyang buhay. Maging masaya tayo para sa kanya. Darating din ang tamang panahon para sa atin. Gawin natin siyang inspirasyon para tayo ay magsumikap din para sa ika-uunlad ng ating buhay. Gandang gabi.
Good morning. Thank you Lord for this day. Thank you for allowing me to see another beautiful day. Please keep me and my family safe not only for today but for everyday. Let this day be a day of full of blessings and miracles. Have a happy day everyone.
Bago ako umalis ay nag marinate na ako ng chicken para ulam ng mga anak ko at lulutuin na lang nila. Di ko na naluto dahil medyo late na ako nagising. Ibinabad ko siya sa garlic, pepper, knorr seasoning, kalamansi and other spices.
Ito ang free lunch namin ngayon. Ang katabi ko ay complete meal kinuha niya. Rice, gulay, chicken tinola, isda and dinuguan. Ako rice and gulay lang ay ok na. Happy lunch break.
The best tyre artwork. Nakita ko lang ito sa fb. I want to share it here because his artwork is so impressive. Mga bagay na patapon na ay pwede pa palang pakinabangan. At ang ganda ng kinalabasan.
Heto na naman po. Malapit na ang uwian. Pagsilip ko sa labas ganito kalakas ang ulan. Kaya lang lagi na akong handa ngayon. May dala akong payong, kapote at tsinelas. Pero sana humina na ang ulan bago ang labasan namin. Pag ganito kalakas kahit nakapayong ay mababasa pa rin. Ingat na lang po sa mga katulad kong papauwi pa lang.
Who knows this gadget. Dati ay rich ka na kung mayron ka nito. Ito na ang isa sa mga pinakamabiilis na way of communication during 80's. Kaya alam kong iilan lang nito dito sa inyo ang nakagamit pa nito.
Dinuguan for dinner. Kakarating ko lang ng bahay. Madilim na ang paligid. Hinintay ko munang humina ang ulan bago ako nag-abang ng masakyan. Tapos na kumain mga anak ko. Pagdating ko ng bahay ay may binigay din palang dinuguan sa amin ang kapatid ko. Kaya free ulam na kami ngayon. Hirap pag laging ganito ang panahon. Pati budget sa pamasahe ay malalakihan ka.
Don't stress too much even how bad the situation is. Always remember that nothing is permanent. We don't know that only for a second our entire life can be change.
Pag maaga matulog at nagising ng alanganing oras ay ang hirap na bumalik sa tulog. Bilang pampaantok ay dito muna ako kay noise at iba pang social media. Mga 45 minutes na akong di pa nakakatulog uli. Sa mga kababayan ko. Alam ko nasa kasarapan na kayo ng tulog. May gising din ba sainyo katulad ko.
Thank you Lord for the gift of life. Thank you for allowing me to see this another beautiful day. No matter what I face today, I know that I be able to overcome because of your help. May this day filled with more blessings, miracles and answered prayers. Good morning. Begin this day with a smile and with a grateful heart.
Habang inaabangan ko ang pagsikat ng araw sa terrace namin ay napansin ko na may bunga na pala ang Indian mango namin. Kaya lang bakit iisang sanga lang ang may bunga. Inikot ko buong puno at naghanap ako kung may iba pang bunga pero wala talaga. Wala rin akong nakitang bulaklak. Dati kung mamunga ito ay halos lahat ng sanga may bunga. Ngayon ay iisang tangkay.lang ang may bunga.
Share ko lang ang isa sa mga naganap dito sa work namin ngayon. May isang department head na simula ng ma promote siya ay nag-iba na ang ugali. Sobrang mapagmataas na kung manalita. Kunting pagkakamali lang ng mga tauhan niya ay grabe kung magalit at talo pa ang mismong may-ari. Ngayon siya naman ang nagkamali at sobrang kapalpakan daw. kaya agad-agad ay tanggal siya sa position niya. Balik ordinaryong employee na uli siya. Halos lahat ng tauhan niya dati ay pinagtatawanan…
Maagang pamasko. Isa sa mga supplier dito sa amin ang namigay nito. Thank you so much. Alam ko na lahat ng products ng arla ay may kamahalan kaya di ko afford bumili nito. Mamaya pag-uwi ko ay magluluto na lang ako ng spaghetti. Masarap ito panghalo rito. Alam kong matutuwa na naman mga anak ko dahil lulutuan ko sila ng favorite food nila.
Naglalambing sa akin ang bunso ko. Tapos na raw sila magluto ng fried chicken. Coke na lang daw ang kulang. Dapat daw pag-uwi ko may dala na akong coke. Send pa niya sa akin ang picture ng niluto nila. Parang may birthday nito sa amin mamaya. Dahil pagdating ko ay magluluto rin ako ng spaghetti. Trip ko lang din kumain dahil may nagbigay na sa akin ng cheese.
Nakapagluto na rin ako ng spaghetti. At dahil di ko naman binili ang cheese at bigay lang sa akin ng isang supplier namin sa work kaya di ko na tinipid. Dinamihan ko na. Pati sauce ay hinaluan ko ng cheese. Pagtikim pa lang ng anak ko ay nasarapan na siya. So tara let's eat.
Many people are more generous to those who don't need their generously. Mas mapagbigay sila sa mga taong kayang mag afford kung ano man ang gustuhin nila. Ang mga taong iyon ay sila ang may mga kayabangan. Pero pagdating sa mga taong totoong nangangailangan ay madadamot sila. Good night
Thank you Lord for this new morning. Thank you for the gift of life and for your continuoes love for me. May all I do today begin with you. Good morning. Breakfast na muna bago pumasok. Sa umaga ay wag kakalimutan ang kumain. Para magkaroon tayo ng laas ng katawan at isipan sa pagharap sa mga panibagong hamon sa buhay. Have a happy day
Happy morning. Let peace rule our homes and our neighborhood. Naghahanda na ako para sa pagpasok. Makulimlim ang panahon kaya marami na naman akong dadalhin para.panigurado mamaya pag-uwi. Mga panangga sa ulan pati tsinelas. Ok lang sana kung mahina ang ulan. Pag umulan sa hapon ang lakas. Kaya dapat ready lagi.
Ito ang free lunch namin. A complete meal. We have fried chicken, spaghetti, fried galunggong and beef nilaga. Sa katabi ko ito food. Sa akin spaghetti lang at isang fried chicken ay sapat na. Happy lunch time sa lahat.
Nagsend sa akin ang bunso ko ng picture. Gumagawa raw sila ng fresh fruit salad. Ito raw ang memeryendahin nila. Natutuwa ako sa anak ko dahil di na ako nag-aalala kung di ako makapagluto. Dahil kung wala silang online class ay nagluluto na sila basta may maluluto lang. Kaya di ako nagpapaubos ng stock sa bahay.
Paglabas ko ay may tricycle kaagad. Kaya nakauwi kaagad ako ng bahay. Ang bait talaga ng bunso ko. Pagdating ko ay binigyan niya kaagad ako ng meryenda. Yong ginawa nilang fresh fruit salad. Di ko akalaing masarap na rin ang pagkakagawa nila. Tama lang sa timpla.
Tapos na ako magluto ng pagkain namin ngayong dinner. Perfect combination. Prito and may sabaw. Calamares at pork sinigang ang ulam namin. Ang sarap ng calamares isawsaw sa sukang may garlic at sili. Pwede rin sa mayonnaise na may onion at pickles. Pag ganito ang ulam at ang sarap ng kain ng mga anak ko. Si tara let's eat.
Kung may mga bagay tayong gusto natin maging sikreto at ayaw nating ipaalam sa iba ay ms mabuting sarilinin na lang natin. Wag na nating sabihin minsan kahit sa family member natin. Always remember that a listening ear is also a running mouth. Ako mismo ay nakaranas ng ganito. Isa lang ang pinagsabihan ko pero wala akong kaalam alam na marami na pala ang nakakaalam. Sinabi ko sa pinagsabihan ko na wag na niyang sabihin sa iba pero sinabi niya rin pala. At sabi niya rin sa…
Good morning. Thanking God and thinking good thought in the morning makes our day happy and more productive. Pag masaya tayo ay mabilis tayong makakaisip at makakagawa ng mga magagandang bagay. And don't forget to do something good to others even in a little way. Happy Friday and always enjoy your day.
Hirap talaga ng buhay once na solo parent ka. Katulad nitong kasamahan ko sa work. Kung anu-ano na lang ang ibenebenta araw-araw. Kaya kahit ayaw ko ay bumibili na rin lang din ako parang tulong ko na lang din. Kasi ako nga na dalawa kami ng asawa kong nagtatrabaho pero hirap pa rin sa buhay lalo na kung mag-isa ka lang na nagtataguyod ng iyong mga anak.
Pumunta ako ng kitchen dito sa work namin kung saan niluluto ang food namin for free during lunch. Nanghingi lang ako ng kunting asin dahil may kakainin akong hilaw na mangga. Sinilip ko ang freezer nila ay ganito pala karami kung sila ay magstock ng mga meat.na lulutuin. Punong-puno talaga ang freezer nila. Sabi ng kitchen staff ay for one week lang daw iyon lulutuin. Pasalamat ako at ang babait ng mga boss namin. Di sila mga matapobre.
Pagdating ko ng bahay ay nagluto ako ng monggo. Dahil Friday ngayon ito ang karaniwang niluluto ng mga Pinoy. Pero pagdating ko ng bahay ay tapos na magluto ng lumpia Shanghai ang mga anak ko. Kaya perfect combination uli ang dinner namin. Prito at may sabaw.
Habang nanonood ako ng tv ay ang iingay ng mga anak ko. Nang puntahan ko sila ay kasama nila dalawang kapitbahay namin na kababata nila. May mangga silang hiniwa sa maliliit. Hinayaan ko na lang sila kung anong gagawin nila at nagkakasayahan. Ang lalakas ng mga tawanan. Mga kwentong bagels ang pinag-uusapan.. Sila at ang mga anak ko lahat walang bisyo. Pagkain lang pag sila ay magkakasama.
Good morning. Bye September. Hello October. Hoping and praying that this month is going to be a big month for us. That all of us will experience a wonderful surprises and a financial freedom. Have a happy day.