Me and Mr. Erden Eruc. A Turkish American adventurer. He is the first man who circumnavigate the world using only human power. He is 15 times guiness world record.
Joined 9 September 2022 · 458 posts
What you give out will return to you
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Me and Mr. Erden Eruc. A Turkish American adventurer. He is the first man who circumnavigate the world using only human power. He is 15 times guiness world record.
Hello everyone. Dahil medyo mahaba ang bakasyon kaya nakakainip din sa bahay. Lahat na ng gawaing bahay ay nagawa ko na. Kahit gusto ko man gumala ay di pwede. Kailangang magtipid muna. Nakakasawa din manood ng tv at mag cellphone.
Happy sunday. Malapit na ang holy week. Pwede sana mag bakasyon dahil five days ding walang pasok. Kaya lang kulang sa budget. Maraming pinagkakagastusan ngayon. Sana pagka graduate ng kambal ko sa college sa makahanap kaagad sila ng stable job. Para kahit papano ay may katuwang na ako sa mga gastusin sa bahay. Have a happy day.
Mahirap ang maging isang nanay. Lahat ay gagawin para sa kanilang mga anak. Lalo na sa katulad kong working nanay. Pagdating sa bahay kahit pagod na at minsan masama pa ang pakiramdam ay kikilos pa rin sa mga gawaing bahay. Kaya para sa mga dalaga diyan ay pag-isipan niyo munang mabuti bago kayo mag-asawa. Magpakasawa muna kayo sa pagiging single para pagdating ng panahon na maging nanay na rin kayo ay handa na kayong harapin ang responsabilidad ng pagiging nanay. Good night guys.
Good morning. Thank you Lord for another day. Life is too short. So always do anything that make us smile. Have a happy day.
Ang aga kong makapagluto ng pang dinner namin. Ang beef caldereta. Inagahan ko talaga para makapag relax na rin. Wala ng gawaing iisipin pa. May time na para makapanood ng mga gusto kong panoorin. Nakakatamad din lumabas ng bahay. Kahit hapon na ay mainit pa rin.
Good morning. Maaga pa rin gumising kahit walang pasok. Ngayon busy naman sa mga gawaing bahay. Tinitingnan ko pa lang ang aking mga labahin ay parang nakakapagod na sa dami. Pero ganito talaga ang buhay. Lahat ng gawain ay nakakapagod . Pero kahit nakakapagod pag masaya ka sa buhay ay parang walang pagod na mararamdaman. Kaya happy lang lagi.
Good morning. Four pa lang ng umaga ay nagluluto na ako. Babaunin naming lahat. Kaya laging wala ng taong naiiwan sa bahay. Ang kambal ko ay parehong nasa OJT. Kaya para makatipid ay lahat kami nagbabaon na lang ng food. Habang nagpapahinga saglit ay dito muna kay noise.
Isa ito sa mga pagkaing pinoy na marami rin ang ayaw kumain nito. Ang dinuguan. Pero masarap talaga itong ka partner ng puto. Kumakain ako nito pag sarili ko lang na luto. Pero pag iba ang nagluto lalo na kung di ko kilala ay di ako nito kumakain. Tara kain na po.
Good morning. Kahit maraming pagsubok sa buhay ay lagi pa ring magpasalamat kay God at laging isipin na lahat magagandang bagay ang darating sa ating buhay. Have a blessed and happy day.
Mura na uli ang presyo ng galunggong dito sa palengke malapit sa amin. At sariwa pa kaya masarap ang lasa. Sa halagang 50 pesos ay ganito na karami ang mabibili mo. Dati mga two hundred pesos na ang halaga ng isda na ganito karami. Kaya dahil mura na ito ngayon ay pwede na itong ulam kung medyo kulang na sa budget.
Minsan ang mga anak natin ay parang balewala lang sa kanila ang hirap sa pagtatrabaho ng kanilang mga magulang para mabigyan lang sila ng magandang buhay hanggang di nila maranasan ang magtrabaho. Katulad ng anak ko na kahit OJT pa lang ay marami na ang pinapagawa sa kanila. Kaya sabi niya sa akin na nakakapagod daw pala ang maghapon sa trabaho. Kaya sabi ko sa kanya na ngayon ay alam na niya kung paano kahirap kumita ng pera. Na wag basta gagastusin lang ang pera sa mga walang kwentang bagay.
Pangalawang araw ngayon ng anak ko sa kanyang OJT dito sa company na pinapasukan ko. Nanibago siya na 8 hours na nagtatrabaho. Nakakapagod daw pala. Pero kahit isang company lang ang pinapasukan namin ay di rin kami nagkikita. Dahil magkaiba kami ng department at building. Sana matapos niya ng maayos ang kanyang OJT at mataas ang grade na ibigay sa kanya. Lahat ng mga magulang ay iisa lang ang gusto o pangarap para sa kanilang mga anak. Ang mapabuti ang kanilang buhay.
Happy afternoon guys. Di ako makapagpost lagi rito. Laging busy sa lahat ng bagay. Busy sa work at busy rin sa mga gawaing bahay. Pero lagi pa rin akong happy. Katatapos ko lang mag plantsa ng mga damit ng mga anak ko na isusuot for OJT bukas. Siyempre kailangan maayos ang kanilang mga isusuot lalo pa at nasa company kung saanako nagtatrabaho sila mag OJT. Kakagutom na. Kaya oras na para magmeryenda.
Good night. Now watching The Clash 2023. Isa ito sa mga favorite kong panoorn. Ang gagaling din ng mga contestant. Kaya lang dahil contest ito ay iisa lang talaga ang mananalo. Musta kayong lahat dito.
Good night. The beautiful view of Misibis beach resort.
Maagang hapunan. Spicy fried chicken. Minsan lang ako mag post dito pero araw-araw akong bumibisita rito.
Isa ito sa mga product ng frabelle foods . Sa sister company nito ako nagtatrabaho. Masarap ito lalo na itong medyo maanghang. Pwede niyo rin itong subukan. Marami na ring mabibili nito sa mga ibang supermarket.
Medyo napadami ako ng kain ng pasta with tahong kanina kaya hanggang ngayon ay di pa rin ako makatulog. Masama sa ating kalusugan ang matulog ng busog. Kaya late na ako nito matutulog ngayong gabi. Kahit minsan lang ako mag post pero lagi pa rin akong andito kay noise tuwing may free time. Libangan ko na ang magbasa ng mga post dito. Good night guys.
Happy weekend. Maaga pa para sa meryenda pero nagugutom na ako. Maaga kasi akong kumain ng pananghalian. Laging may stock ang mga anak kong mga pagkaing pwede meryendahin. Kaya ano mang oras na magutom ay may makakain na di na kailangang bumili pa.
Malapit ng bumuhos ang malakas na ulan sa lugar namin Kaya nagmamadali akong umuwi. Di na ako dumaan ng palengke para mamili. Baka abutin pa ako ng ulan at mabasa pa dahil wala akong payong. Araw-araw pa rin akong andito kay noise kahit di ako nakakapag post. Libangan ko na ang magbasa ng mga post dito.
Dahil holiday sa lugar namin kaya medyo tanghali na ako bumangon. Samantalahin ang.pahinga habang walang pasok. Good morning. Maulan sa lugar namin. Kaya nakakatamad din lumabas ng bahay. Kaya kung ano lang mayrong stock sa bahay ay iyon na lang ang lulutuin ko. Have a blessed day.
Nakakamiss ang dating sigla rito kay noise app. Iilan na lang ang nananatiling active rito. Di ko na nakikita ang mga laging active rito dati. Sana bumalik na muli ang dating sigla ni noise. Good evening everyone. Maaga kaming kumain ng dinner ngayon. Nakalimutan kong wala pa rin pala akong pasok bukas dahil Navotas day. Navotas lang naman po ang holiday bukas.
Thank you Lord for this beautiful Sunday. Nakapunta rin ako ng church ngayon. Di ako laging nakakapagsimba tuwing linggo. Pero kahit hindi ako masyadong relihiyoso pero sinusunod ko ang batas ng ating poong maykapal. Iniiwasan ko ang makagawa ng mali sa ating kapwa. At dahil nakapunta na rin ako sa church kaya sinabay ko na rin ang pagaapamisa sa aking mga mahal sa buhay na mga lumisan na rito sa mundo. Have a happy day
chooks to go Para di na magluto at nakakatamad din lumabas ng bahay kaya nagpa deliver na lang akong uulamin namin. Ang chooks to go lechon chicken. Minsan nakakaramdam din tayo ng katamaran lalo na kung buong linggo ay pagod sa work. Ipahinga rin ang katawan minsan.
Good morning. Gising ng maaga para matapos kaagad lahat ng gawaing bahay. Pero kahit maaga pa ay kumain muna para may lakas at resistensiya. Unahin lagi ang alagaan ang kalusugan para laging happy ang buhay. Have a blessed day everyone.
Good night. Ngayon lang ako inabot ng ganitong oras ay gising pa. Kadalasan ay 8;30 pa lang ay natutulog na ako. Ayaw ko kasing antukin pag araw. At isa pa ay malayo sa sakit pag laging maaga kung matulog. Kaya sobrang thankful ako dahil kahit medyo matanda na ako pero malusog ang aking katawan. Halos lahat ng mga kasing edad.ko na kasamahan ko sa work ay may mga maintenance na silang gamot. At sa gamot pa lang nila ay halos two thousand pesos din per month. Kaya mahalaga talaga na pangalagaan natin ang ating kalusugan. Bukod sa makakapag-enjoy tayo ay bawas pa gastusin.
Hello everyone. Di ko inaasahan na sahod na pala namin ngayon. Linggo nga pala ang 15 kaya napaaga ang sahod namin. Siyempre excited di ako dahil wala kaming mga bills na babayaran ngayon. Kahit papano ay magkakaroon ng extra money at mabibilhan ko rin mga anak ko ng gusto nila. Happy Friday
Good morning. Even I don't post here cause always busy but I still miss this site. Sometimes I visit here only to read and heart the post of my friends here. It's Friday again. And ready to go to work now. Have a blessed and happy day everyone. GANDANG BUHAY
Nakisama rin sa akin si haring araw. Ang dami kong nilabhan ngayon at ang ganda ng sikat ng araw. Halos buong linggo ay umuulan sa amin. Buti naman at uminit na rin. Dahil maaga akong naglaba kaya mga tanghali pa lang nito ay matutuyo na ang mga sinampay ko. Happy Saturday guys.