Salamat po!

Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Harababababa!

Natuwa lamang ako dahil kahit papaano ay may mga bagay tayong ikinasasaya na nagpapawala sa mga negatibong dumarating sa ating buhay. Pagkabukas ko ng aking internet explorer ay tumambad sa akin ang score ng aking isang unit activity. Ikaw naman, huwag mo nang tanunging kung how many out of the total. Basta alam mo nang pasado iyon at more than passing pa.

Alam mo ba? Maraming oras na ako ay naguguluhan at nawawalan ng tiwala sa aking sarili. Feeling ko I am alone and lonely that I am so much struggling. Sa tuwing ginagawa ko mga assignment ko sa grad school ay talaga namang nagkakandahirap ako. Ang masaklap lang, lagi ko na lang ginagawa sa huling pagkakataon ang mga gawain ko. Kaya naman minsan ay sobrang puyat, pagod, at stress. Samahan mo pa ng pagkaaburido lalo na kapag kinukulit ako ng mga anak ko.

Sabi nila, ano ka ba, ikaw pa, ipapasa mo iyan. Pero hindi pa rin mawawala ang takot lagi na hala baka hindi ito pasok sa standard ni Sir. Bahala na, ginawa ko naman ang best ko. Sila na bahala humusga sa papel ko.

Gaano man karami ang iyong kakampi o gaano man kasigla ang kanilang pagpupuri at pagkukumbinsi sa iyo, sa huli mag-isa mo lang na iraraos ang mga assignments mo.

Maraming beses ko na ring iniyakan ang mga mahihirap na gawain. Sabi ko, bakit ko pa kasi pinasok ulit itong mga aral aral chenes na ito, tuloy ay nagkakandahirap nanaman ako. Di na ako nakuntento sa tatlong anak, dinagdagan ko pa ng pag-aaral eh dapat asikasuhin ko na lang sana mga anak ko at ifocus ko na lang ibang energy ko sa pagtuturo.

Pero siyempre, may mga desires din tayo na patuloy pa rin ang ating progreso sa ating intellectual na aspect kaya naman ay buong tapang nating sinusugod ang paaralan para mag enroll. Meron tayong mga nasasabi na, despite all odds I can do it!

Sa kaso ko, ayaw ko naman talagang magbalik eskwela. Pero sabi nung coteacher ko, tapusin mo na kasi thesis mo. Pero since ilang taon na rin ang lumipas kaya nag back to zero ako sa masters. Sa kabutihang palad, may scholarship ang university kung saan ako nagtuturo. Doon na rin ako nag enroll ulit. Kinuha ko credentials ko from my previous school then I enrolled in our school.

But there is that wonderful feeling of going back to school. All the memories surge including those good and embarrassing and awkward moments. Sabi ko, ang sarap naman ng feeling. Pero may kaakibat na kaba, pressure, at kung anu paman na maaaring ma feel sa tuwing nagbabalik eskwela. Kakabahan ka sa first zoom meeting. Iisipin mo, hala, matatalino sila. Paano kaya ako? May pressure din kasi baka umaasa sila na magaling ka at marunong na marunong na kasi nga ilang years ka na rin nagtuturo. Pero sabi ko naman, I don’t care. Those should be least of my concern. What’s important to me now is that I will learn and integrate what I am learning into my career and real life. Yun ang mas importante, I thought.

Ginawa ko yung best ko last Monday sa isa kong assignment. Sabi ko sa sarili ko, kahit naman papaaano ay sinunod ko naman ang instruction ni Sir. I tried my best coming up with an answer. And yung essay part talagang ginalingan ko. Thanks sa pagsusulat ko at nahaso kaunti ang aking kaalaman sa pag susulat ng essays. Actually binigyan ako ni Sir ng perfect score for that particular activity. I’m not sure if that is out of consideration kasi mga professionals na kami. Pero naisip ko rin na siyempre hindi rin naman niya basta basta bibigyan ng mataas na score iyon kapag hindi talaga maganda. So I chose to feel grateful.

Totoo po mga kapatid, aking hiniling ng taimtim sa Kanya na bigyan niya ako ng voice to state my answers well. I also asked na bigyan Niya ako ng understanding. And indeed He gave it to me. Thank you po talaga! Salamat po nang maraming marami, Lord. Kahit marami akong problema kahit papaano ay may mga aspeto naman ng aking buhay na nakakatuwa.

I may have failed with the other aspects in my life but I succeeded in others. In case man na hindi na ulit perfect ang score ko sa susunod dahil nga lagi ko na lang ni rurush mga bagay bagay, it’s okay naman basta sa part ko ay I did my very best and that is what matters most. If we do our part the best we can, success will follow.

Hindi ba, kaibigan?

Happy learning!

6
$ 18.89
$ 18.79 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @cxrxlxrts
Avatar for wakeuplincs
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Masaya po ako sa inyo. ☺️ Ganun po talaga. May mga bagay kung saan tayo nag eexcell. ☺️ Meron man mga bagay na nakapagpadapa satin, meron din pong mga bagay na itinatayo tayo para maging matatag. ☺️ God bless po sa inyo teach. 🥰

$ 0.00
2 years ago

Thanks much Zhyne06! God bless to your beautiful family.

$ 0.00
2 years ago

Thank you din po. 🥰💚 Sa inyo din. 💜

$ 0.00
2 years ago

Ay idol naman po! Ang galing lang po kasi kahit alam mo po na nmagiging mahirap since may anak ka na po, pinili mo pa rin pong mag-aral. Idol talaga maam

$ 0.00
2 years ago

Hello, cxrxlxrts! Salamat sa pagbisita at sa pag upvote. Kailangan na rin kasi matanda na ako. Wala nang pero pero.

$ 0.00
2 years ago

Yown! Tama lang po ang naging desisyon nyo🥰

$ 0.00
2 years ago

Hll

$ 0.00
2 years ago

Sumasang-ayon ako sa mga nabanggit mo. Ako, masaya na basta makita ko yung "Passed" hahaha. Ang mahalaga sa akin, di na ako uulit pa, at bawas gastos na. Then, forward lang lagi yung paglalakbay. :) Magandang tanghali!

$ 0.00
2 years ago

Salamat po sa pagsang-ayon! Ako ay nagagalak. Magandang tanghali din po. Masaya ako tuwing may napag aaralan ako. Iyon ang mahalaga talaga.

$ 0.00
2 years ago