MATCHY - MATCHY
Sa mga naghahanda at nagluluto tuwing pista ay alam na siguro nila ang iba-ibang putahe na inihahain para sa mga bisita. Ngunit para sa "makikikain" lang tulad ko ang alam ko lang kumain pero hindi alam ang pangalan ng putahe o pagkain.
Yan larawan nakita ko lamang kung saan kailangan i-match yung pangalan mismo sa putahe na nasa kabilang hanay. Tinry ko naman pero waley talaga. Lahat orange ang sabaw kaya para sakin same lang kulay nilang lahat!
Kayo alam ninyo ba? Tulungan niyo nga ako para si naman nakakahiya na kain lang ng kain si ako.
π
π€£π
Good night po sa lahat!
GENDER REVEAL
Ngayon gaganapin ang gender reveal ng kapatid sa ibang ina *bff* ng kapatid ko. Mag-iisang dekada na rin silang magkaibigan kaya sanggang dikit, di mapaghiwalay, minsan napagkakamalang kambal. Siya lang ang nakakaalam kung boy o girl, di rin namin inalam para masurprise rin kami. Sobrang close sila ng kapatid ko pati na rin sa amin kaya sobrang excited kami kumbaga, "1st pamangkin" na rin namin kahit hindi kadugo. Naghihintay kami ng balita sa kapatid ko pero baka mamaya pa yun o bukas na namin malaman. π
Hati kami sa ginawa kong POLL vote kaya kahit anong gender pa yan ay laging may kiss and hugs sa mga tita. π€β€οΈ
Sharing some good news. π
NO SERVICE
After lunch, nawalan na ng signal. Lagi naman ganito kapag sumasapit ang kapistahan dito sa amin. Babalik ito kapag tapos na ang fluvial procession, pero mamayang gabi na siguro.
Noon na wala pang internet o data connection at halos keypad pa ang gamit na phone , anong reaksiyon niyo kapag nawawalan ng signal o hindi nakareceive ng "One Message Received"? π€£
Gumamit ako ng phone 1st year college, needed na para iupdate sina mama at papa. Strict ang parents ko eh. Wala pa akong idea sa online world, kung di pa nagpaproject noong 3rd year college naman gamit ang Facebook para ipasa sa group page, di pa ako gagawa ng account. π
Skl.
Magandang gabi sa lahat! π
AGAHAN
Agahan namin kanina luto ni mama ay hotsilog plus tuyo. At syempre di mawawala ang kape. Kaya ako naman ang maglalaba. Hehe.
Maulan kanina pero ngayon mainit na sabayan ng malamig na ihip ng hangin. Taglamig na talaga. Ramdam na natin talaga.
Magandang umaga sa lahat! Ingat po sa may mga lakad at trabaho pa kahit weekend.
LITTLE CELEBRATION
An achievement to be proud of for having 100 noise friends on my wall. π
Meeting new kachikahan is a breathe of fresh air. Kaya maging MARITES tayo to spread good vibes, mapagkinggan ang mga hinanakit sa buhay lalo na kay crush. Haha. π
Kudos Noise fam. π₯°
π«π«π«π«π«
Good eve/night!
ECONOMY SABOTAGE
Yan ang #hashtag sa pinanuod kong video kaninang umaga. Ang video ay patungkol sa ilang electric company na di ko na papangalanan kung saan tinatanong at kinukwestiyon yung engineer *nakalimutan ko kung anong specific* in charge as part of his job description kung bakit napakataas ng rate sa bill na ipinapasa sa consumers na kung saan HINDI NAMAN NAGCOCOMPUTE mula taong 2016 ng distribution at transmission rate na dapat sana'y mababa.
Bilang isang consumers ng isang electric at water company, sa ngayon mabigat talaga sa bulsa. Tulad ng nakaraang mga buwan, kada buwan ay nagdagdag sila kada rate from 12 - 17 kph. Kahit gaano kasinop na pagtitipid ay di pa rin sapat dahil pataas na pataas ang bayarin. Kumbaga, kumakayod ka para mabayaran lang ang monthly bills - koryente, tubig at internet. Di pa jan kasali ang pagkain at allowance.
Paano na lang yung tulad naming minimum wage earner o yung sumaside line para lang may maipantustos sa pang-araw-araw. Wala pa nga ang sahod...ubos na sa pagkompyut. π
PS. May nabasa ako na isang KOMENT, ang Pilipinas ay di naman talaga MAHIRAP kase kung mapapakinggan sa balita, BILYON o higit ang pinag-uusapan. Marami pang koment ang nandun na gustong sabihin ang mga punto de vista nila. π
MINI WAFFERS
Naghanap ako ng pwedeng kainin, eto ang nahanap ko at di mawawala ang kape. Anong meryenda ninyo jan? π
PS. Buong maghapon, iinit at uulan para bang nagkakarera sila. Bukas na kase ang Fluvial Procession kaya naman ang pag-ulan ay kailangan bukod sa madadagdagan ang tubig sa ilog, masaya ang mga tanim ni mama. Di muna ako magdidilig ngayon. π
Maray na hapon sa gabos! π
Finally natapos din after 2 hours ang pag-install sa desktop namin. Kinailangan ireset dahil ambagal na...loading lagi. Hati kami ni kuya neto pagbili kaya dapat ingatan.
Malaking tulong talaga ang internet connection sa mga ganitong bagay kase sa pagsisearch at panunuod ng YT ay magaguide ka sa kung ano ang dapat gawin. Di naman ako techy, mahaba lang ang pasensiya ko na magsearch at manuod ng process tulad niyang ginawa ko ngayon, iba ibang tabs ang naka-open. Haha. Di naman ako nalilito. Kaya ang resulta, FREE! Yung unang pinanuod ko may bayad kaya hanap ako ng related links and vids and viola. Done!
Good eve and good night sa lahat!
PS. Needed kasi ng kapatid ko dahil sa work niya online. Kaya to the rescue si AKO. Hehe.
1892
"Pangakong sayo'y binitawan
Na kailanma'y di ka iiwan
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat".
- Juanito Alfonso, 1891
"Ang pag-iibigan natin ay muling mauulit sa huling pagkakataon...at ito ang kahilingan ko".
- Carmela Isabella, 2016
Nagbabrowse ako dito sa noise nang nahagip ng mata ko ang no. of subscribers na yan. Sa numerong yan naalala ko ang binasa kong akda sa wattpad noon na pinamagatang "I Love You Since 1892" ni Binibining Mia. Siguro may iilan lang ang may alam yung nagbabasa dati ng wattpad. Ito ay tungkol sa isang dalaga na nagngangalang Carmela Isabella na napunta sa nakaraan at may misyon siyang kailangan gawin upang makabalik sa kasalukuyan - ito ay iligtas ang isang ginoo na nagngangalang Juanito Alfonso sa bingit ng kamatayan. At ipinapakita rin dito ang kasaysayan ng ating mahal na bayan.
Yan ang huling binasa ko na tumatak sa isipan ko bago ko lisanin ang watty world. Andami na kasing nagbago sa app. Di ko na pahahabain dahil di kayang itipa dito ang buong story. π
SKL.
Makikiraan ulit sa wall ninyo. π
PS. Nakakaantok naman. Bawal pa umuwi wala namang ginagawa. π
KUMBERJ!!!
Paggising ko ng 5:00 ng umaga wala ka na. Hinintay kita baka sakaling bumalik ka ngunit naghintay ako sa wala.. Nagpaabiso ka pero di ko man lang nalaman. Ilang oras pa kitang hinintay pero gutom ang inabot ko. Bumalik ka saktong alas dose na.
Naghihinanakit,
AKO
...
Magandang hapon sa lahat! π
PS. No internet connection kanina buong Bicol daw base sa advisory kaya ngayon lang ulit nakapag-update.
Happy Thank You Day Madlang Noisepipz. π
MATUANG AKI (Tagalog Version)
Ni: @unknownymous | LGVC
Unang beses kang iniluwal ni ina sa kanyang sinapupunan
Simbolo ng wagas na pagmamahalan
Akala'y masusunod lahat ng luho't kagustuhan
At mga kapatid laging mauutusan.
Maraming taon ang nagdaan, edad ay nadagdagan
Unti-unting nahinog ang murang isipan
Kung ikukumpara sa dati mahirap ang kinalalagyan
Ito minsan ay di lubos na maunawaan.
Panganay...ikaw'y kanilang masasandalan
Kahit na sa sarili'y may pinagdadaanan
Lakas ng loob ang paghuhugutan
Tapang ang sandatang ipanlalaban.
Panganay...ikaw'y man ay pinaghihinaan minsan
Malulugmok at sarili'y pagdududahan
Ngunit laging isipin at pakatatandaan
Hindi ka nag-iisa sa laban.
Magandang gabi sa lahat! Nakakain na ba? π
PS. Ito pala ang ginawa kong tula na ni request ni @MommyMadamdamin na tagalog version naman. Magkaibang wika man ang ginamit pero pareho ang nilalaman.
NO pic muna sa ngayon. π
#OriginalContent
#IdaanKoNaLangsaTula
SMALL DIVISORIA
Tuwing sasapit ang kapistahan ni Ina, bukod sa parada at procession may mga dayo rin na nagtitinda kanya-kanyang pwesto along the highway sa malapit sa Basilica Minore. Sa dami ng nagtitinda at bumibili kada stall nakuuu di madaanan ng tricycle. Kakakunti ngayon kumpara noon pero kahit papaano ay naranasan na naman ulit ang ganitong okasyon. Ang daming pagpipilian kaso walang pera. Hanggang tingin na lamang ba? π
Magandang hapon sa lahat! π
PENAFRANCIA FIESTA 2022
Viva La Virgen!!!
Kaygandang pagmasdan ang selebrasyon ngayon sa Plaza Quezon, ang Scout's Parade, DBC, and DXMC Competition. Kuha ko ang larawan sa Naga City Gov page. Bukod jan ay marami na naman ang mga nagtitinda ng kung anu-ano sa plaza. Madaming tao na naman yan ang magkukumpulan.
Mapapanuod ang LIVE sa Naga City Government Page. Visit ninyo na lang kung manunuod kayo.
Malapit na ang lunch. Nakapagluto na ba?
243
Nagising ng alanganing oras dahil tahol ng tahol sa labas si Tata, gusto ng pumasok. Kagabi kase ayaw pumasok kahit anong pilit namin, magduduty daw siya, ibig sabihin gusto niya matulog sa labas. Hinayaan na namin kaya lang yung mga kapatid niyang sina Nana at Em-Em di sanay na wala siya sa loob katabi matulog kaya ayun puyat rin hinihintay na pumasok si Tata. Pagkalakas ng loob, yun ang wala ako.
Magandang umaga sa lahat ng makakabasa nito. βΊοΈ
Balik ulit sa pagtulog.
PS. Wala ng pasok ang mga bata ng anim na araw pero ako hanggang Hwebes pa. π
Kasi simula ngayon hanggang Lunes ay selebrasyon ng Kapistahan ni Ina.
PPS. Tanda ko pa noon pagganitong walang pasok, ihanda na ang isip at kamay sa pagsusulat ng sandamakmak na essay sa Sulating Pangwakas (Filipino) at Formal Theme Writing (English) yung may mukha pa ni Dr. Jose P. Rizal. Ngayon bihira o di na iyan ginagamit. Sino sainyo ang nagkapaltos sa kamay kakasulat niyan? π
ATSARA (Papaya)
Yan kinain ko pag-uwi, embutido at ATSARA! Capslack dahil yan pinagtutuunan ko ng pansin sa post ko. Ito ay isang side dish na hindi mawawala sa hapagkainan natin. Kumbaga, pwede siya ipares sa lahat ng ulam. Sanaol may kapares! π
Homemade yan, ginawa ng kakilala at kaibigan ng aking kapatid kaya naman nuot ang sarap sa lalamunan.
Maraming ingredients ang ginamit tulad ng green papaya, paminta, carrots, vinegar (crab) kase manamis-namis, bell pepper, sili, asin, sibuyas, bawang, at kaunting asukal. Pwede rin dagdagan ng pineapple chunks at raisin (optional). Base sa sinearch ko. Hehe.
Kumusta ang maghapon ninyo?
PS. Pwede rin itong pangnegosyo. πΈπ°
BUKIRIN
Kaninang pag-uwi ko ay biglaan akong sinama ng kapatid ko sa relatives namin. Nakita ko ulit sina lolo, lola, ante, ankol at pinsan sa side ng family ni mama.
Bihira lang kase magkita-kita at matagal na yung huling reunion nang kinasal ang pinsan namin.
Masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Malaki na ang pinagbago ng lugar ngunit di magbabago ang samahan ng pamilya. Matagal na rin kase nung huli namin punta sa kanila kase bahay at work lang ako, di umaalis ng bahay dahil walang pera. π
Minsan, masarap din sa pakiramdam na nakakapagliwaliw ka rin. Di rin masama na bigyan ang sariling mamasyal kahit papaano.
Magandang gabi sa lahat!
Nakakain na ba ang lahat?
PS. Nakuuuuu po mas matangkad pa sa akin mga pinsan ko. Maliliit pa sila nung huli kong kita aba'y nagsitaas lahat. Di nabiyayaan ng tangkad, tulog siguro ako noon. π
RASYON
Naipamigay ko na po ang binigay ni Noise sa akin na fts. Hintay naman na mapuno at magrarasyon ulit ako. Salamat po lagi sa fts. π
Kain na po kayo ng tanghalian. π
"Matalino akong tao pero ba't pagdating sa'yo? Ba't sayo ang tanga - tanga ko?" - George (The How's of Us)
Libre pa ito ni kuya kaya nakatago pa ang ticket na yan magpahanggang ngayon. π
The How's of Us ay talaga namang pumatok sa takilya ng madla. Napakareyalistik at nilalarawan nito kung ano nga ba ang nangyayare sa isang relasyon lalo na kung magkasama na kayo sa iisang bubong. (Di ako masyadong relate kase CRUSH lang sapat na. π¬)
Ang paborito kong scene ay yung pareho silang basang basa sa ulan. Dun sinabi nila sa isa't isa lahat kung ano man ang naramdamang sakit, paghihinayang, pagmamahal pero umabot sa pundong napagod na sila. Anyway, happy ending naman ito.
Skl. π
PS. Sinong naka-relate kay George at Primo? π¬
PPS. Share ko rin yung nakita ko sa facebook na mga "linyahan" nila. Feel free to read madlang noise. π
RISE & SHINE Madlang Noise! π
Natimingan kong kunan ang buwan matapos ang pagsikat ng araw βοΈ. Kagabi palang napakaliwanag na ng buwan π.
Isang mapagpalang umaga para sa lahat! Ingat po sa patungo na sa school, sa work, may mga lakad kahit yung mga nasa bahay! Sabayan po natin ng patugtog ng radyo o playlist sa phone ng kunting indak kahit di marunong sumayaw. π
π
"Kapag daw tahimik, may nangyayareng kababalaghan!"
Ibibida ko na naman ulit si EM-EM. Sana'y di kayo magsawa. π
Kaninang umaga, tahimik ang magkakapatid na bibwit at ipinagtaka ito ng kapatid ko kaya naman hinanap niya ang tatlong bubwit. Si Tata, andun nakahiga sa pwesto niya, si Nana ginawang unan ang kapares ng tsinelas sa larawan. Ngunit ang bunso, nakuuuu,ayun sinira ang slipper ni mamita (mama ko). Kita ninyo sa larawan kung paano magpaawa kase napagalitan siya jan, lumuluha na pati. Nagsend ng video kapatid ko kung paano magpaawa at umiyak. (Isa sa talent niya. π)
Kaya pagdating ni mamita sa work, inunahan niya na ang paglapit, paglambing at paghalik para di na siya pagalitan. Imbes na magalit, ayun natawa na lang si mama. π
Skl kahit late. π€ͺ
PS. Sa may mga alagang aso at pusa diyan. Ano ang talent na nakita ninyo sa kanila? π€©
MATUANG AKI
Ni: @unknownymous | LGVC
Ika an enot na namundag sa magturugang.
Iyo an simbolo kan pagkamoot kan saimong mga magurang.
Kan aki ogmahon pa ta nasusunod ang mga luho.
Asin an mga tugang na nguhod iyo ang nasusugo-sugo.
Pero habang ika nagkakaisip ta duminakula na.
Nagiging dipisil palan kun ikukumpara ini sa dati.
Kaipuhan maging makusog, mayo ibang pagpipilian ta ika an matua.
Dawa ika may inaagihan na problemang pansadiri.
Dapat hararom na maray ang pag-intindi sa bilog na pamilya.
Ta ika saro sa pigkinukuanang kusog ninda.
Minsan, okay man mapagal ta tao man sana kita.
Maski aram mo sa sadiri minsan garo dae kaya.
Ini saro sa mga patara-tara para sa gabos na aking matua.
O naging matua sa gibo maski ikaduwa hasta bunso talaga.
Dae pwedeng magparaluya-luya
Kaya saong hararom na hangos asin sarong mahigpit na kugos.
____________________________________________________________
Magandang gabi at good night! May nabasa kase ako sa facebook at na inspire ako gumawa ng tula tungkol sa panganay na anak. (2 in 1 na yan...bawal ang 3 in 1) π€£
PS. Ikalawa ako sa magkakapatid pero ginagampanan ko na ang pagiging panganay simula ng nawala si papa at kuya.
PPS. Alam ko na iilan lang ang makakaintindi ng tulang ginawa ko. Sino mga taga-bicol jan? π
#OriginalContent
#Unknownymous|LGVC
SIGNAL BLOCKOUT
Ngayong araw ay gaganapin muli ang TRASLACION Procession matapos ang dalawang taon dahil sa pandemic. Marami na naman ang makikilahok galing sa iba ibang lugar kung kaya para sa kaligtasan ng lahat mawawalan ng signal - di ka makakapag-call o text o data. Kaya mag-abiso na sa ating mga kababayan sa Bicol.
Manunuod na lang ako mamaya sa tv para sa selebrasyon na ito at ingat po sa lahat na makikilahok na personal sa selebrasyon magaganap mamaya.
VIVA LA VIRGEN!!!
NOISE APP
Gumawa na rin ako ng account with the same username @ unknownymous and please click my invites if ever you want to make an account. Feel free to click it. π
https://noise.app/invite/rbxlnb1h
https://noise.app/invite/z9nd8jtq
Good morning madlang noisepipz! π
TUBIG O KAPE
Naku...naku...siguradong marami ang makakarelate dito sa meme na ito sa larawan. Pwede pa ngang dagdagan ng alak yan. π€£
Tubig at kape sapat na. Kaya 50/50 ang mga yan sa katawan ko. Kayo ilang porsiyento ang lamang? π
PampaGV lang bago matulog! π
PS. Walang pasok at traslacion na bukas pero manunuod lang ako sa tv.
SIESTA TIME
Nauna nang matulog ang pusang ito sa gitna ng sobrang init ng panahon. Saan kaya nilang matulog kahit anong pwesto.
*Ang buga rin ng electric fan ay mainit rin kaya di mo ramdam ang hangin. π₯΅*
Di ba may mga childhood rules tayo sa bahay.
1. Matulog tuwing hapon o kaya maaga paggabi.
2. Huwag lalabas ng bahay.
...
Siguro marami pa pero ngayon nasa hustong gulang na tayo, iyan ang mga bagay na ayaw natin gawin noon. Pero yan naman ang hinahanap-hanap natin ngayon na maisingit sa gitna ng napakadaming gawain at trabaho.
...
Mainiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit na hapon! π₯΅
RQ: Ilan lahat ang letrang I! π
PS. Bawi na lang daw sa DAY OFF kahit minsan sa kisapmata, may werk na naman. *masakit sa mata at ulo na naman ito mamaya*
"The flower blooms, my morning shines and I..." πΆ
Ano kayang bulaklak ito? Mukhang daisy pero ang alam kung kulay ay amarilyo at puti. π€
Nalampasan ko na siya pero binalikan ko kahit sobrang iniiit. Ang ganda kasi ng kulay.π€©
PS. IKAW? Oo, ikaw na nagbabasa nito? May binalikan ka na ba? π
Padaan po ulit. π
What's up NOISYYYYYYYY PIPZ?! π’
(Naririnig niyo ba ang sigaw na dati'y bulong? πΆπ
Dito sa noise, ang maiingay di NILILISTA dahil
pinuβ€οΈan! Be LOUD in a good way!
Magandang umaga sa lahat! π€
PS. Nalista ka ba noon dahil sa kaingayan sa klase o nadamay lang? π€£
Source: Google
Convo
Source: FB
Person 1: Bibigyan sana kita ng kitchen.
Person 2: Wow! Amg yaman mo naman.
Person 1: Di yung sinasabit lang sa bag.
Person 2: π€¦ββοΈ
*dinagdag ko lang po ito*
GV lang bago matulog. Nakuuu marami na akong key chain di sa bag kundi sa pitaka. Pampabigat! Walang laman eh. π
APPRECIATION POST π€
Two months na pala ang nakararaan ng magjoin ako sa platform na ito, 062922 dahil na rin kay cha @charlsss. Baka ito na ang sagot sa mga dalangin. π
Sa mga taong nakilala ko at makikilala pa lamang, NICE TO MEET YOU ALL! My new found friends pero nasa top si cha. Walang top 2! π
Sa mga nagbabasa (at magbabasa) , nagkokoment (magkokoment) ng mga post ko, kadramahan at kakornihan sa buhay. ISANG MALAKING THANK YOU!
At higit sa lahat, sa likod ng NOISE Community! Salamat po sa tiwala! Annyeong! Charring!
Goodnight!
PS. More kadramahan at kakornihan to come.
Bow! πββοΈ
After 2 hours, dumating na po siya.
.
.
.
.
.
Text confirmation from Gcash!
Salamat po sa mga nagkoment. π
PS. Pwede na ulit magkape. Nerbyus is waving! π
Ingat po sa nakauwi na, pauwi pa lang at papasok pa lang sa werk. π