read.cash Log in

@unknownymous19

Joined 26 July 2022 · 302 posts

I was once lost BUT now I'm found. AMBIVERT! 🍀

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@unknownymous19

TD to TS to TD again Magandang balita at humina na si QUENNIE, sana ay tuloy na itong malusaw. Sa karagdagang update, click niyo link below ni Mr. MIKE "MR. TYPHOON" PADUA. Siya ang lagi naming ina-update pagmay bagyo. Alam ninyo naman noon hanggang ngayon ang Bicol laging binibisita ng bagyo, di naman sila welcome. 🙄 https://www.facebook.com/100044228119664/posts/pfbid02n89jx3MJnXz4869e9iMTTefKGCzHsPTrq49H636wNVTBqCe6jwvU7T1ZevVbK8vUl/ PS. Nagpakita na si Haring ☀️! (Asan kaya ang kanyang reyna?) 🤣

@unknownymous19

Hello NOVEMBER! 🍂 Oras man ay kay bilis lumipas Pagbati'y di mapapalampas Panibagong buwan ay aabangan Kasabay ng pagsikat ng araw! Magandang umaga madlang noisepipz! Have a nice day ahead. ☀️ PS. Wag kalimutan mag-alay ng dasal sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Bukas pa talaga ang All Soul's Day pero nasanay na kase tayo na sa unang araw ng buwan. 😌

@unknownymous19

SEARCH OPS Pagkagising ko kanina, ito agad bumungad sa akin. Nakakataba ng puso na naalala pa rin nila si kuya Yong. Post yan ng isa sa ka co-teacher at kaibigan ni kuya sa una niyang school na tinuruan as LFT. Halos isang oras din ang paghahanap niya pero di mahanap kase maulan at maputik na rin kase sa ilang araw na pag-ulan at sa bagyong Paeng. Medyo malayo talaga si kuya sa lawak ba naman ng lugar kase malapit na siya dun sa 2nd/exit gate sa tapat ng payat na matangkad na puno. Andun rin puntod ni papa. Di pa kami nakakapunta doon kase may work pa si mama hanggang ngayon. Sana uminit na ang panahon para mabawasan na ang putik doon. Pinalinisan na rin namin last week para naman pogi pa rin sa paningin ng mga dadalaw. Magandang umaga sa lahat! Keep safe everyone sa mga pupunta sa puntod ng mga mahal nila sa buhay. Undas'22

@unknownymous19

Sumisilip na si haring araw pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Humahawi na rin ang makakapal na ulap upang makita ang nasa likod nito - ang bughaw na kulay. Nakapagluto na rin ako ng almusal. At mamaya ay maglilinis na rin at maglalaba ng mga damit. Paunti - unti pero matatapos din ang mga gawain. Magandang umaga sa lahat! 😊

@unknownymous19

Andaya naman ni Paeng siya lang ang nag-enjoy ng long weekend. Andami na niyang napuntahan ng libre. Wala nga siyang passport at vaxx card. 🙄 Kidding aside, we are safe and I hope kayo rin po jan sainyo. Naging unpredictable ng track ni Paeng dahil sa pabago - bagong galaw nito. Patuloy pa rin tinatahak ni Paeng ang iba't ibang lugar patungong hilagang bahagi ng Pilipinas. Kumain na kami ng maaga dahil pawala-wala ang koryente dito sa amin dahil may mga inaayos pa. May ibang lugar na wala pang supply ng koryente. Magandang gabi sa lahat! Keep safe po lahat. 🙏🏻

@unknownymous19

STS PAENG Yan ang bagong update sa binabantayan bagyo. Nagbago na rin ang posibleng lugar na dadaanan o landfall nito kumpara sa unang kong post dito. https://www.facebook.com/100044228119664/posts/pfbid0oXqeagbPSPgPnfo8X4Ysq4ZF7zXM229nRDDxDoJFJz65cCbsA1RvnY3JEjvrXnrql/ Lahat pa rin ay pinag-iingat. Nalaman ko rin na marami ng nag-evacuate sa school namin. May nag-ikot kaninang mobile galing sa barangay at nagbigay ng anunsiyo ukol sa bagyo. Magandang gabi sa lahat!

@unknownymous19

MAJOR LANDFALL AREAS (High Strike Risk Probability of 90%) Tomorrow early morning (Saturday), Typhoon Paeng will enter the Bicol Region. Landfall No. 1: Catanduanes (around 2 - 3 am) Landfall No. 2: Camarines Sur (Partido Area) (around 4 - 6 am) Landfall No. 3: Camarines Norte (around 7 - 9 am) Landfall No. 4: Southern Polillo and Northern Quezon (Infanta Area) (around 3 - 6 pm) We are already in TCWS No. 2. Keep safe everyone! Source: Sir Mike Padua FB page.

@unknownymous19

Maagang nagising dahil sa lakas ng ulan sabayan ng kulog at kidlat. Hindi pa ako bumabangon dahil maginaw at tulog pa mga kasama ko. Ipinapanalangin ko na bigyan sana tayong lahat ng proteksiyon kay bagyong PAENG. Lahat sana ay may masisilungan lalo na ang mga alaga natin hayop lalong lalo na ang mga gala sa kalsada. Ang bagyong ito ay makikiraan lamang ng ilang araw ngunit dalangin ko na sanay di grabe ang maging distroso nito lalo na sa mga pananim, transportasyon at komunikasyon. Wala ring matumbang mga poste sa mga lugar na dadaanan. Naalala ko kase noon yung sunod - sunod ang bagyo dumaan sa amin sa parehong buwan din yun at talaga naman malaki ang iniwan na distroso nito na halos ang pananim ay binaha at may mga tumbang poste sa iba ibang lugar at ang resulta halos wala kaming koryente mahigit isang buwan. Hiling po namin ang iyong panalangin sa unos na ito. Mag-ingat po ang lahat. 🙏🏻 Maulan na umaga po. 🥶

@unknownymous19

SIGNAL 1 Ngayon lang naman nakapag-update, nakataas na sa signal no. 1 ang mga nakalistang lugar na nasa larawan. Ganitong may bagyo, ang lagi namin dalangin ay malusaw na lang ito at kung hindi man ay di na lumakas ang ulan nitong dala, wala ng kasamang malakas na hangin. Mas mapaminsala pa kung may bugso pa ng hangin lalo na sa mga pananim ng mga magsasaka at malapit sa baybayin o mabababang lugar na laging binabaha. Kumusta ang maghapon ninyo? Kaninang umaga, kailangan magreport sa work at para ayusin at itago ang mga gamit na maaring mabasa ng ulan kahit suspended. Bukas wala ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan para naman makapagprepare sa paparing na bagyo. Naway lahat ay maging handa sa paparating na unos. Magandang gabi sa lahat! PS. Kapag ganitong may bagyo, asahan na ang pawala-wala ng koryente sa amin. Pero kahit nga wala, nawawala bigla. 😂

@unknownymous19

Pabugso - bugso pa rin ang ulan dahil sa paparating na bagyo bukas o sa Sabado. Itong ulan daw na ito ay dala ng Amihan at Shearline na tinatawag. Medyo bumaba raw ang track ng bagyo kaya malapit sa Bicol kung sakaling pumasok na sa PAR. Sa ganitong panahon, lagi kami naka-update kay Sir Mike Padua dito sa Bicol. Kailangan na ayusin na ang mga gamit na maaaring mabasa, isilong na ang mga gamit sa labas at mag-impok na ng makakain sa mga susunod na araw. Maulan na morning po sa lahat. Keep safe everyone! 😊

@unknownymous19

SUSPENDED | PAENG Pambungad pa lang ng mata ko, may notif na agad sa phone ko. Mga 11 pm kagabi, naku tulog na ako niyan kase maulan. Wala na naman pasok dahil sa bagyong PAENG, mayroon ng flood warning advisory at dahil walang tigil ang pag-ulan maaaring tumaas ang lebel ng tubig sa ilog. Bukod diyan may mga mabababang lugar talaga dito sa amin na bahain kahit konting ulan kaya pano pa kaya di tumigil ang ulan. Bukod sa klase ay suspended rin ang pagbyahe sa ilang kalapit na lugar mamayang 12 noon para na rin sa ikabubuti natin at makapgprepare na sa paparating na bagyo. Magandang umaga sa lahat! Keep safe everyone! PS. Nakita ko post ng kaibigan ko, isa siyang guro. At itovang sabi, "Ma-11:00 pm na. Aram ko naghahalat ka nin advisory ta grabe na an uran saka lipot kan ibahan nindo. 😅🤣 (Malapit na 11 pm. Alam ko naghihintay kayo ng advisory kase ang lakas na ng ulan at kasing lamig ng pagsasama ninyo.) Nakuuu po nandamay pa! 🤣🤣🤣

@unknownymous19

Until now it's raining cats and dogs with sudden lighting and thunder while giving us a cold breeze. I hope that everything is fine with this kind of weather. Whether you are already home or just getting ready to work at this moment. Keep safe everyone! A cup of coffee can soothes this cold weather. ☕ Good evening folks. 😁

@unknownymous19

Maulan na umaga sa lahat. Wag pong kalimutan ang payong, kapote at panangga sa ulan. Ingat po ang lahat kung mayroon pong lalakarin maging ang nasa bahay. Di na naman makapagsampay nung huling batch na nalabhan ko. Mas maganda pa rin pagtuyo sa araw ang mga damit. Madalang lang akong maligo sa ulan noon kase takot ako sa kulog at kidlat. PS. Panigurado may mga bata na naman ang naliligo sa ulan ngayon.

@unknownymous19

PATAK NG ULAN ni. LGVC x JIC Me: Buhos ng ulan walang humpay Sa ihip ng hangin sumasabay Tanging patak nito'y maririnig mo Hanggang matapos pagbuhos nito. Her (my friend): Pagbuhos ng ulan, itigil mo na Parang kami ay makalisan na Sa mga alaalang ibinigay mo Sa aming masalimuot palang pag-asa. Me: Titila pa ba? O baka abutin hanggang umaga. ———————————————————— Kuya: Ay kakalabanon ako! (Mahilig kase si kuya gumawa ng tula, kwento o sanaysay pero lab niya talaga ang Math. 🥺) Ako: Idol ta ka ngani. Kuya: Berigud! 🤣 Yan po ang minsang convo namin ni kuya. 😅 Nakakamis lang. 🥺 ———————————————————— Magandang umaga sa sa lahat! May binabantayang sama ng panahon kaya todo update ako sa page ni Mike Padua. Kilala siya ng mga Bikolano dito panigurado. PS. Na'aga-aga senti. Di kase tumtigil ang ulan. Naipost ko na ata to sa kabila matagal na. 🤣

@unknownymous19

Moody masyado ang panahon, ang init kanina pero ngayon umuulan na. Pero may binabantayan kaseng LPA at papasok sa PAR sa Biyernes kaya naman siguro iinit at uulan. Nakaluto na ba ng pananghalian? PS. Mabubusog naman 👀 ko neto sa mga post mamaya. Hehe

@unknownymous19

1K Ipahinga muna ang 👀 sa pagbabasa. Masisipag ang madlang noisepipz sa pagpopost at siguradong madadagdagan pa yan mamaya. Karamihan ay magluluto na para sa pananghalian at mabubusog na naman ang mga mata sa dami ng ulam mamaya na ishi-share dito. PS. Bigla na naman bumuhos ang ulan, ang init kanina. Moody masyado. 😂

@unknownymous19

TRICK OR TREAT "Sweets and chocolates - delicious cure for a bad day!" - Unknown Pinakita na naman ito ni memories sa ipbi. Napuno ng sweets and chocolates ang lalagyan. Di ko na matandaan kung bakit marami yan. 😅 Kapag bad mood ako kakain lang ng chichirya, softdrink at chocolates. Pero yung tamang tama lang at masama ang sobra. At kapag stressed ka, katapat niyan desserts. Baliktarin mo lang ang salitang stressed. Namalayan mo good mood ka na naman. Magandang umaga sa lahat! #CHEWSDay

@unknownymous19

101 Another milestone naman po, thanks sa isang daan at isang kakilala. Kailangan kase you follow each other para macount. Patuloy na mag-iingay at magbabasa ng mga saloobin, ideya, kuro - kuro o haka - haka o kahit anong shared posts dito. Dahil sainyo may mga bagay - bagay tayong natutunan minsan napapatawa ninyo ako sa mga banat, jokes at minsan sa mga BH o HB ng ating madlang noisepipz . 😂 Ang ilan sainyo, hanggang ❤️ react lang po ako at di pa makapagkoment. Hehe. PS. Habang walang ginagawa, magbabasa muna ako saglit dito at sa kabila. Siesta Time 💤

@unknownymous19

FOR SALE Natawa ako sa post na ito pero pano nga kaya kung ang Earth ay nabili na. Saan na kaya tayo pwede pumunta? 😂😅 Good night! PS. Pampa-GV lang bago matulog.

@unknownymous19

TATA Napreskuhan ang aming ate Tata kase bagong ligo, black na black naman siya. Sa magkakapatid siya talaga ang mahirap paliguan pag ayaw niya di mo mapipilit at nagagalit. Pero minsan kailangan pilitin at lambingin para mabango na naman ang bibi. Kahapon kase naligo ang mga kapatid niya, kapag alam niya na ligo time ang gagawin pupunta sa ilalim ng upuan o kama at dun tatambay ng matagal. Si Tata ay tahimik lang sa sulok o kaya ay tatambay sa pasamano sa labas. Malambing na ate pero di mawawala ang kakulitan lalo na pag-umuuwi kami galing trabaho lalo na kay mamita, mama ko. Siya rin ang tagapagtanggol ng kapatid kapag pinapagalitan namin at siya ang sasaway sa kanila kapag sobrang kulit na. Mas malakas loob nina Nana at Em-Em kapag andiyan ate nila lalo na kapag may bisita - ang mortal enemy nila - pusa at daga. Siya lang naman ang unang asong nahawakan ni kuya ko kase sa totoo lang takot kami sa aso pero nawala yun noong dumating siya at nadagdagan pa. Magandang gabi! Nakapaghapunan na ba ang lahat? PS. Si Tata naman ngayon ang bida. Magpapamis muna sina Nana at Em-Em. 😅

@unknownymous19

TODAY'S GANAP Nag-aya ang kapatid ko na pumunta ng centro, maggrocery daw kami para sorpresahin si mama. Binili lang namin ay yung mga kailangan lang talaga sa pang-araw-araw at todo kwenta kami habang namimili para sakto sa budget at di sumobra. Wala pang gaanong package deals na nakalagay sa estante siguro pagmalapit na ang Pasko ay maglalagay na sila. Sa panahon ngayon kailangan ng masusing pagbabadget sa mga gastusin para hindi mashort pero minsan kinukulang pa rin talaga. Magkaganun man, mas marami pa rin ang blessings kahit gaano pa yan kaliit. Paglabas pa lang namin sa bilihan saka naman bumuhos ang ulan mabuti na lang at nakasakay agad kami. Magandang gabi sa lahat! 😊

@unknownymous19

LEGAZPI Dalawang taon na pala ang nakalilipas nung huli kong punta sa Legaspi. Sinamahan ko si mama para isubmit ang mga requirements para maayos na ang birth certificate niya. Late registration ang nangyare kase wala si mama records sa PSA kaya kailangan iupdate. Sa ngayon, kahit anong transaction di mawawala ang BC sa mga requirements sa enrollment, banko, loan, pension atbp. Noon kasi di naman daw strikto sa mga dokumento kaya wala naman silang nakatago noon. Yung bunso kong kapatid meron rin aayusin sa BC niya...middle name at isang letra sa apelyido kaya maraming babaguhin per letter ang bayad para maayos at bukod jan may mga requirements na naman na kailangan isumite. PERA na lang ang kulang. 😂 Magandang umaga sa lahat! 😊 PS. May ilan rin siguro sainyo na kapamilya, kakilala na may mali sa BC o records, madali lang ba ang proseso kung sakaling naibigay na ang mga requirements?

@unknownymous19

TGIF "Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay" 🎶 Video yan pero SS ko na lang kase di pa pwede ang video dito. Sinend ng kapatid ko sa gc namin at ang aming Em-Em nakatanaw sa labas habang umuulan...nagsesenti ata. Takot naman sa tubig. 🤣 Maulan na hapon madlang noisepipz! 🙃

@unknownymous19

SNAKS Solb na naman ang tiyan. 😂 Nagkaroon kase ng program dito sa school at di mawawala ang fodangs. Haha. Kaya nga lang bumuhos ang malakas na ulan sabayan pa ng malakas na kulog at kidlat. Naririnig ko ang mga bata nagsisigawan kapag kukulog at medyo na interrupt ang mga tao kung saan sisilong. Tapos na ang program pero tuloy pa rin ang buhos na ulan. Maulan na hapon sa lahat! 😖 PS. Hapon po ang schedule ng ulan sa amin o kaya gabi. 😂

@unknownymous19

BIYAYA Sa unang larawan, post ko sa kabila noise.cash, inubos ko na ipamigay yung fts ko dun. At sa ikalawang larawan naman ay yung bigay dito mismo sa noise.app. Ang sarap lang sa feelings na makita yan pero meron o wala di matatawaran ang nabuong pagkakaibigan dito. Lagi ko ngang sinasabi ito ang platform na di nalilista kapag maingay. Kaya kahit saan yan mapanoise.cash o noise.app tayo ay MAG-INGAY!!! 📢📢📢 Lunchtime noisepipz! 😁

@unknownymous19

FT Naibahagi ko na ang ibinigay sa akin na fts, huling batch na siguro ito. Mag-aapat na buwan na pala ako ditong nag-iingay! Di naman po kayo naririndi? 😆 Happy to be part of this platform. Meeting new found friends, mapakwela o seryosong usapan, andiyan kayo. Kaya isang malaking ❤️ para sa lahat! Ito ang platform na di naglilista kapag MAINGAY! BOW! 😆

@unknownymous19

Magandang umaga!!! *Rinig ba hanggang dulo?* Nagpakita na si haring araw. Sana naman maghapon ang kanyang duty para maaliwalas naman at matuyo ang mga labahin. 😁 Ingat sa maghapon madlang noisepipz!

@unknownymous19

Good Morning! Pagbati po mula sa aking mga bubwit na alaga! Tata, Nana, & Em-Em 🥰 Nakatago na naman ang araw sa likod ng mga ulap 🌥️. Payong o kapote ay huwag kalimutang dalhin sapagkat ang ulan ay nagbabadya na naman. Maginaw! 🥶 Ingat po sa maghapon madlang noisepipz! 😊 PS. Happy 17th monthsary po sa lahat ng kasapi ng NFSFG family! 🎊🎉

@unknownymous19

Happy 17th monthsary po sa lahat ng members ng NFSFG at sa mga bosses! 💕 Hats off. 🥳

@unknownymous19

BAN Mahigit isang dekada na ang nakalipas ng una nating mapanuod o masilip ang iba't ibang ASIANOVELAS. Kabilang dito ang Meteor Garden, Boys Over Flower, Save the Last Dance for me, Stairway to Heaven, at marami pang iba na nahook talaga tayo sa kanilang palabas. Sa ngayon usap-usapan na iba-BAN daw ang Korean drama/series/films sa ating bansa ayon sa isang senador. Marami ang tutol lalo na AKO, isa akong kdrama fan kahit na bihira na akong makapanuod ngayon pero di yun nawawala. Iba kase ang atake nila sa bawat palabas, yung Plot Twist na tinatawag, di mo malaman ang mg susunod na pangyayari sa series o dramang pinapanuod - kilig, drama, iyakan, aksyon at thrill ang madarama mo habang nanunuod. Sa atin kase, bukod sa pahabaan ng taon bago matapos, may idea na tayo ng magiging senaryo o eksena. PERO may ilan naman talagang magagandang pelikula na naipalabas na sa takilya sa atin maging sa ibang bansa. Bakit kailangan i-BAN? Eh may mga Tagalog dubbed nga na pinapalabas sa TV. 🤔 Magandang hapon sa lahat! PS. Anong say ninyo ukol dito? Alam ko may ilan dito na tulad kong mahilig manuod ng kdrama. 😁