Cash - In Kanina pa kase ako nagpacash in sa gcash kase may babayaran ako, isend ko na lang daw sa gcash nunh kausap ko. Kaya lang hanggang ngayon wala pa rin sa account ko at wala pang confirmation text. Nagsend naman sa akin ng picture na transaction completed na raw. Ano kaya nangyare sa gcash? May issue ba sila ngayon? Dati - rati agad ko naman narereceive ngayon lang natagalan. π€ Magandang hapon sa lahat! PS. Makulimlim na naman. π΄
LIGO TIME Ishare ko lang itong sinend na picture ng kapatid ko sa family gc namin. Kilala ninyo naman siguro si Em-Em, siya ang bida ngayon. Iyang kagat-kagat niya ay shampoo, naubos na kase yung shampoo talaga nila, di pa nakakabili. Share muna daw sa shampoo sa amin. π
Mabango na naman sila pag-uwi ko mamaya. Pagkatapos maglaro nakuuu panigurado mabantot na naman. π€£ Lablab yan mga bibi. π₯° PS. Asahan niyo na po na sila lagi ang bida sa post dito. π
Time check - 2:20 Grabe ang iniiiiiiiiiiiit ngayon. Dalawang electric fan na ang gamit pero ramdam pa rin ang init. Yung isa kase mahina ang buga, minsan walang lumalabas na hangin. At ang isa naman ay maliit ang elise kaya ayon kahit malapit na sayo, di pa rin ramdam. π Kalagitnaan na ng hapon. Siesta time yung nasa mga bahay jan. π Magandang hapon sa lahat.
LQ (Low Quality) Ang ilan sainyo ay bumibili na ng pandekorasyon sa bahay tulad ng christmas lights at christmas tree. Pinapayuhan ang lahat na maging mapanuri sa mga bibilhin dahil ito ay maaaring low quality lamang at magdulot lang ng sakit... PINAASA ka lang na siya ang magbibigay tanglaw at liwanag ngunit maglalaho na lang na parang bula, minsan lulubog at lilitaw. Maging mapanuri, mapagmatyag at matang lawin. *Kuya Kim pasok* π GV lang bago matulog. Pero kidding asideβ¦
It was seven years ago when I am waiting in vain to take my examination for a certain test. Halo-halong damdamin ang namumutawi sa akin - nakakakaba, nakakaexcite na ewan. Para kang maiihi na hindi. π Bago ang itinakdang araw, pumunta na kami ng aking mga kaibigan sa isang hotel upang di na maging hassle kung babyahe pa sa araw na yun mismo. At nakakatuwa pa nun, nanuod pa kami ng Aldub* para lang mawala ang kaba. (* - Sino sainyo ang nahook noon sa ALDUB? Taas ng kamay.β¦
Super hang ang phone ko ngayon. Huwag muna ngayon, wala pa ako pamalit sa'yo. π Binili ko ang phone ko t'was 3 years ago gamit ang unang sahod ko sa work. And I'm happy. Ang dami na naming secrets nito. π Siesta time. β
Maray na aga! βοΈ Naisampay ko na rin halos lahat ng nilabhan ko kahapon. Mabuti naman at umaraw ngayon matutuyo ang mga ito. May natira pa sa lalagyan kase lahat na may lagay ang sampayan. Hintayin na lang matuyo iba para lahat ay matuyo. πͺ Happy Sunday! π€
LABA DAY Kala ko di na ako makapaglaba dahil paggising ko kaninang umaga sobrang lakas ng ulan. Mabuti na lang at di rin nagtagal ay tumila na rin. Kaya ayon nasampay ko na at tapos na ang unang batch - mga pang-alis na damit. Yung ikalawang batch ay pambahay, kaunti lang naman kaya isinalang ko na rin para bukas ay magsasampay na lang. Gusto ko kase isahang paglalaba lang para isang upuan lang ng pagpapagod. Alam ko rin na ang Sabado ay laba day ninyo rin. π Magandang haponβ¦
Pandagdag na Ulam. π Bago pa pala ako umuwi kagabi, nagchat si mama, bumili raw ako ng pandagdag ulam dahil bumili na siya ng "PINANGAT". Pagpasok ko pa, binati na agad ako ng tatlong makukulit na bubwit pero diretso agad sila sa dala - dala ko at naamoy ang ulam. Gutom na rin kase sila. π Natulog na rin ako mga 30 minutes pagkatapos kumain. Kaya ngayon na naman ako nakabisita dito. Skl part 2. π
Yesterday's ganap! π£ Umaga pa lang busy na ako kakaayos ng mga files ng aming dating butihing boss para sa ginagawa niyang reports. Bandang alas - dos na kami ng hapon natapos at nakaalis, sinama niya ako para ako ang magdala ng mga files *tatlong lalagyan yun, kinaya naman ng powers ko*. Mga alas singko y medya na kami natapos kaya naman nakakapagod pero worth it naman. βΊοΈ Sa bilis kong maglakad, di ko napansin ang kapatid ko na nakaupo sa may waiting shed kaya tinawag niyaβ¦
Niluto ko ngayon ay tinapa na ginisa sa kamatis. Mahal ang presyo ng tinapa, 9 na piraso P78 ang bili ng kapatid ko. Mabuti na lang at may malapit na talipapa sa amin. Kanina kasing hapon, may dumaan daw na naglalako ng isda, kaso tinatawag ng kapatid ko kaso di huminto. Nakuuu ayaw ata mapagbilhan. Haha. Kain po tayo! π΄ Magandang gabi po lahat! π
Bukod kay JMC, huwag din daw siyang kalimutan. Ang nag-iisang Mr. Ariel Rivera. π PampaGV lang po this morning! Makulimlim na pero sana di umulan. ππ»
BER Months na! π₯ "Malamig ang simoy ng hangin Kay saya ng bawa't damdamin Ang tibok ng puso sa dibdib Para bang hulog ng langit." - ApoHS πΆ Sigurado akong na marami na namang tugtuging pamasko ang maririnig natin sa tv o radio o socmed. Magandang umaga sa lahat! PS. Master Lee nagkalat na naman ang meme mo sa AOS page. π€£ Ito yung mood namin habang nag-aantay ng Season 2 ng AOS, December ang release. π
Pumasok na sa PAR ngayong Miyerkoles na hapon ang ST Hinnamnor na ngayon ay pinangalanang "Bagyong Henry". Sinabi sa balita na di naman daw ito maglalandfall. Magandang gabi sa lahat! π PS. Nakakain na ba ang lahat?
Van na ang nag-adjust! π€£ "Huwag tatakbo, hindi ako nangunguha." π Marami na kase ang balita ukol sa pangunguha o pagkidnap mapa-bata, babae o lalaki man yan. May ilan rin lumabas na mga maseselan na videos at pictures sa mga balita. Noon na ang kapatid ko ay maliit pa lamang, ito ang panakot namin sa kaniya para lagi lang siya sa bahay kase minsan bigla na lang na di nagpapaalam kung saan pupunta. Alalang-alala lagi si mama paghindi pa nakauwi. May mga pangyayari na dawβ¦
NATONG (GABI) Ito ang nilutong ulam sa bahay. Nagutom tuloy ako. Kayo anong ulam ninyo? PS. 30 minutes pa bago umuwi. π₯΄
TWIN STORMS Dalawang bagyo ang namataan malapit sa Philippine Sea, ang Super Typhoon Hinnanmaru na patungong Japan's Ryukyu Islands habang naging ganap ng bagyo si Tropical Depression Gardo at inaasahang papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ngayong Miyerkoles ng umaga. Lahat ay pinag-iingat at makinig ng balita sa tv o radyo para sa update ng sama ng panahon. Ang iyong Noise Weather Reporter, @unknownymous, nag-uulat! Charrr! Lapit na pala mag-lunch. π PS. Kamiβ¦
MAGPAPARAMDAM NA SIYA! π Sino na ang excited na muling mapagkinggan ang kanyang mga awitin sa radyo? Magandang umaga sa lahat! Naway magkaroon tayo ng maaliwalas na panahon sa maghapon. βΊοΈ PS. GV muna tayo ngayong umaga. π
SCARLET HEART RYEO | Moon Lovers Anim na taon na pala tayong umaasa ng Season 2 nito cj namin @cjjamer mula ng pinalabas ito sa atin. Kung sino man ang di pa nakapanuod nito nakuuuuu maghanda ka na ng sandamakmak na tisyu! π Nakita ko na naman ito habang nagscroll ng reels...S2 kailan kaya??? Magandang gabi sa lahat. π PS. Nakakain na ba?
THIRTY | 30 Dalawang bagay ang mayroon sa numerong 30. UNA... Ngayong araw ay 5 yrs. old na si Ashley "Mama ShangΒ²", siya ang ina nina Tata, Nana at Em-Em. Ilang beses na rim siyang bumisita sa aming bahay. Napakahinhin, nakapabait at napakalambing ni Mama Shang na di namana ng magkakapatid. Iisa lang kase ang papa nila - stick to 1 si mama ShangΒ² kaya siguro namana ng ugali nila sa papa nila. Kaya kahit bihira na lang pumunta siya sa amin ay lablab namin siya. Hamakin ninyoβ¦
OKOY (Puso ng saging) Ito ang ulam namin ngayon, kung walang dilis ay puso ng saging (libre pa sa likod bahay). Parehas lang naman ang proseso kung magluluto ka ng dilis. Nagkakaiba-iba lang sa kung paano ang luto ng pagmamahal. Charing! π
Kain na po tayo ng hapunan. Ano po ang ulam ninyo? Magandang gabi sa lahat!
5 Centavo Coin Inaayos ko ang aking gamit para bukas nang mahalungkat ko coin na makikita sa larawan. Nabigla ako kasi 5 centavo coin siya pero sa bansang US. Pwedeng na idagdag sa perang "PASAKATAN" ito ang tawag namin kapag may tinatago kami pera na hindi mo talaga gagalawin o gagastusin. Siguro isa ito sa nabigay na sukli sa akin sa tindahan o sa saksakyan. Mas malaki lang yan ng kaunti sa 5 centavo coin natin. Di ko kilala kung sino iyang mukha at parang palasyo na nasaβ¦
MAGANDANG UMAGA!!! Kakagising ko lang dahil inabangan ko talaga ang ending ng AOS S1 ngunit nakakabitin, "cliffhanger" tatak Kdrama talaga. Madaming tanong ang hindi pa nasasagot at kailangan abangan ang S2 sa darating na December. Aabutin ata ng 3 months ang aking kaba sa kahihintay. π¬ Matapos kung mapanuod ang bawat episode ng AOS, agad akong pumupunta sa page na nakikita ninyo sa larawan. Napapaisip at natatawa na lang minsan sa ibinabagsak nilang iba ibang theories kunoβ¦
AOS Finale (Season 1) Ilang oras na lang ang hinihintay at irirelease na ang huling episode ng Alchemy of Souls. Ang released time sa Korea ay 10:00 PM (katumbas na oras sa atin ay 11:00 PM), kumbaga late sa atin ng isang oras. Dahil yan sa Time Zone at location natin kaya di magkapareho. Trivia lang. Hehe. Bago ko pa simulan ang panunuod ng AOS, na-HOOK na talaga ako sa Trailer palang. Isa itong historical fantasy action romance drama. Once na nagustuhan ko, mag-uumpisa naβ¦
Dahil natuyo lahat ng sinampay ko ay pagtutupi naman ngayon. Isang upuan ko na lang at di na papaabutin ng isang linggo. π Nakapagsaing na rin ako. Si mama naman ang magluluto ng ulam namin ngayon, "inun-on" na isda. Pinakuluan sa suka na may kaunting tubig, nakahalo na ang sangkap na kamatis, sibuyas, bawang, paminta at kaunting asin. Wala munang halong gulay sa ngayon. Magandang gabi sa lahat! PS. Nakapagluto na ba ang iba sa inyo?
THINGS TO DO: Sampay β
Linis ng bahay β
Lampaso β
Walis sa labas ng bahay β
Luto βοΈ Ligo ng mga bibi π Kami lang ng mga bibi ang nasa bahay kaya walang katulong pero keribels naman, madali mapagsabihan ang mga bibi namin kapag naglilinis na wag maglikot para matapos agad. Sa kahihintay na matapos ayon nakatulog na sila. π Magandang araw sa ating lahat! PS. Sino rin sa inyo ang naglilista ng mga gagawin sa buong maghapon para walang makalimutan? PPS. Patugtog lang ng SPOTIFYβ¦
Every day is the start of something beautiful. - Matt Nathanson Maagang nagising kanina para maumpisahan ang labahin. Nakapag-almusal na rin para may lakas at busog habang naglalaba. Ishare ko lang itong tanim ni mama na nagsimula ng mamulaklak. Isa ito sa nagpaparelax kay mama, ang kanyang mga anak bukod sa amin. π Magandang umaga sa lahat! πΌ
Para sa lahat ng nag-aaral at nagpapa-aral: Makalipas ang mahigit dalawang taon, ano ang pakiramdam ninyo sa pagbabalik eskwela sa paaralan? Ang iba sa inyo ay masaya, may kaba at takot, at umiyak lalo na ang mga chikiting. Marami man ang nagbago at naninibago sa muling pagtapak sa school. Alalahanin niyo lang na makaka-adjust rin kayo. Basta enjoy lang sa bawat araw na papasok sa paaralan upang may matutunan, makakilala ng mga kaibigan o makita muli ang dating kaklase atβ¦
Nagbabadya na naman ang ulan. Makulimlim na naman ang kalangitan. Inaasahan ko na ito dahil binalita ito kahapon, ang ulan daw na ito ay yung "remnants" ng LPA. PS. Sana bukas wag sana umulan kase LABA day. ππ»
Pagnakaramdam na ng antok, ITULOG agad! Wag ng magpatumpik-tumpik pa! . . . . . Kaya GOOD NIGHT na po sa lahat! π΄ PS. Pero kapag kinatok ang pusong nananahimik. Nakuuuuu kabahan ka na. Charrr! π