Van na ang nag-adjust! π€£ "Huwag tatakbo, hindi ako nangunguha." π Marami na kase ang balita ukol sa pangunguha o pagkidnap mapa-bata, babae o lalaki man yan. May ilan rin lumabas na mga maseselan na videos at pictures sa mga balita. Noon na ang kapatid ko ay maliit pa lamang, ito ang panakot namin sa kaniya para lagi lang siya sa bahay kase minsan bigla na lang na di nagpapaalam kung saan pupunta. Alalang-alala lagi si mama paghindi pa nakauwi. May mga pangyayari na daw talaga noon ng ganyan at bumalik ulit ngayon. Kaya naman ng mapabalita na naman ulit ang pangunguha, abot - langit lagi ang kaba ko lalo na kung kailangan na pumunta ng centro o may kailangang lakarin kase di mo hawak ang isipan ng ibang tao. Ikaw mismo nag-iingat pero ang iba hindi, maaaring kang madamay. Ingat na lang lagi! Good Vibes muna tayo ngayong hapon!
4 comments
Kahit ako natatakot kapag nakakakita ng puting van hahaha.
Oo nga parang nagkatrauma tayo. Bihira lang may dumaan na van dito.
Sa totoo lang natatakot ako kapag may hihintong sasakyan, nangyari na to dati nung wala pang pandemic..nauso din yung kidnap
Oo nabalita na yan noon.