THIRTY | 30 Dalawang bagay ang mayroon sa numerong 30. UNA... Ngayong araw ay 5 yrs. old na si Ashley "Mama Shang²", siya ang ina nina Tata, Nana at Em-Em. Ilang beses na rim siyang bumisita sa aming bahay. Napakahinhin, nakapabait at napakalambing ni Mama Shang na di namana ng magkakapatid. Iisa lang kase ang papa nila - stick to 1 si mama Shang² kaya siguro namana ng ugali nila sa papa nila. Kaya kahit bihira na lang pumunta siya sa amin ay lablab namin siya. Hamakin ninyo 45 babies na ang lumabas sa sinapupunan niya, kaya naman meron kaming tatlong makukulit na bubwit. 😁 PANGALAWA... Ito rin ang ikalabing-limang buwan ng mawala sa ami si kuya Yong. Sariwa pa ang sakit lalong-lalo na kay mama pero kahit ganun alam ko magkasama na sila nina papa at mapayapa na sila. Nakakamis ang kanilang presensiya pero mananatili sila sa isip at puso namin. Hindi maipaliwanang ng anumang salita o anumang bagay ang mawalan ng kapamilya. Gone too soon at the age of 30 last May 30, 2021 ng siya ay mawala at parehong buwan ng kanyang kapanganakan. That's the irony of life. Masyado ng mahaba ito. It's okay not to be okay pero someday, somehow we all be okay. 🤗 Maulan na hapon sa lahat! PS. Ito na po ata ang schedule talaga ng ulan kung kailan siya bubuhos. *tuwing hapon* 😴
3 comments
Happy Birthday sa iyo Shang shang 🥳🥰
Salamat po. ❤️
Nakakalungkot yung pangalawang rason, ang bata niya pa. Ano yung ikinamatay niya?