read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

Para sa lahat ng nag-aaral at nagpapa-aral: Makalipas ang mahigit dalawang taon, ano ang pakiramdam ninyo sa pagbabalik eskwela sa paaralan? Ang iba sa inyo ay masaya, may kaba at takot, at umiyak lalo na ang mga chikiting. Marami man ang nagbago at naninibago sa muling pagtapak sa school. Alalahanin niyo lang na makaka-adjust rin kayo. Basta enjoy lang sa bawat araw na papasok sa paaralan upang may matutunan, makakilala ng mga kaibigan o makita muli ang dating kaklase at kaibigan. Marami kayong babaunin na experience - masaya, nakakatawa, nakakalungkot at nakakabigla. Parang roller coaster. Dadaan sa high and lows minsan mahihilo ka talaga. Naalala ko, pupunta sa library para daw magresearch at group study pero ang totoo, nakakatulog ako pero VACANT time naman. Mabuti na lang at may taga-gising pagtime na para sa klase. 😂 PS. Sino ang antokin noon sa klase? 😅 Magandang hapon sa lahat!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.