read.cash Log in
@unknownymous19

@unknownymous19 in August 2022

@unknownymous19

Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya naman ang ulan. Kasabay ng kulog, bumuhos na nga ang malakas na ulan. Nakakaantok tuloy. ๐Ÿ˜ด Ngayon araw nakaHALF - MAST ang watawat ng Pilipinas sa school upang tayo ay makasimpatya sa pagpanaw ng dating ika-labing dalawang pangulo FIDEL V. RAMOS (FVR) nanungkulan noong 1992 - 1998. ๐Ÿ™๐Ÿป Maulan na hapon dito sa amin. ๐Ÿ˜ฌ

@unknownymous19

Nakasakit ka na ba ng feelings ng iba? Yes, but it would fall under "NOT INTENTIONAL". Hindi ko maitatanggi na may mga kilos at nasabi na maaaring nakasakit sa iba. Pero yun ay WALANG intention na makasakit. May mga bagay o sitwasyon na kailangan timbangin kung ano ba ang makakabuti at makakasama kase ayaw natin dumating sa puntong sisisihin natin ang ating mga sarili sa huli. May mga gestures o gawi na mabigyan ng ibang kahulugan sa kung ano ang nais natin iparating saโ€ฆ

@unknownymous19

Good morning. Have a nice day ahead! Looking and moving forward day by day. Gandang pamagsdan ang kalangitan. Breathe in, breathe out. ๐Ÿ˜Š

@unknownymous19

TGIF Kumusta ang lahat? Maulan na naman. Walang katapusang ulan. Inasahan ko na ito na uulan ngayon dahil napanuod ko sa balita na may namuo na namang LPA. Magandang umaga sa lahat! โ˜บ๏ธ

@unknownymous19

LAST SONG SYNDROME | LSS Na-LSS ka na ba? Ito yung kantang paulit - ulit na nagpiplay sa isip mo, kinakanta mo ng paulit ulit na di ka ngasasawa. Ngayon may isang kanta akong na - LSS ako, lagi kaseng pinapatugtog sa bahay ng aking kapatid. Ang ganda kase ng melody at message ng kanta. ๐Ÿ˜Š Lagay ko na rin dito ang lyrics at video. https://youtu.be/Zm7RKSZCG5E "Like My Father" I wanna come home to roses And dirty little notes on Post-its And when my hair starts turning greyโ€ฆ

@unknownymous19

EARLY MORNING It's been an hour since I woke up because of a dream and, I can't go back to sleep yet. So I just drop by here to read posts of our noise friends. Good morning everyone!

@unknownymous19

NAP TIME Iidlip lang dapat ako dahil ang sarap matulog at maulan. Kaso ang idlip ko umabot ng tatlong oras kaya di na yun nap time. Ganun rin ba kayo? Ang idlip ay nagiging tulog na talaga? ๐Ÿ˜† At magdidilim na kailangan ng magluto ng hapunan upang maagang makapaghapunan. โ˜บ๏ธ PS. Kumusta ang araw ninyo?

@unknownymous19

NOSTRADAMUS Si Michel De Nostradame ay isang Pranses na astrologo, manggagamot at sikat na tagakita, na kilala sa aklat niyang Les Prophรฉties, isang koleksyon ng 942 na patulang quatrain na hinihinalang hinuhulaan ang mga hinaharap. Ang aklat ay unang nai-publish noong 1555. Sa ngayon, pinag-uusapan si Maine Mendoza dahil sa kanyang mga tweets na nagkaroon ng katuparan kaya naman binansagan siyang "Modern Nostradamus ng Pinas". Magkaganun man, di natin maikakaila naโ€ฆ

@unknownymous19

Mainit na kape, pandesal at pansit! Kain po tayo. Lagyan ng laman ang ating kumukulong tiyan. ๐Ÿ˜‹ Magandang umaga sa lahat! Have a nice day ahead po. ๐Ÿ˜Š

@unknownymous19

TRABAHO SA PINAS Ang nasa isip ko noon pagkatapos ng kolehiyo, madaling makahanap ng trabaho sa bayang sinilangan. Napakahirap pala makahanap ng permanenteng trabaho, bukod sa napakataas ng standards para pinapangarap mong trabaho. Dagdagan pa ng sandamakmak na requirements ang kailangan ipasa ngunit di siguradong tanggap ka. Ang iba naman kulang ka pa raw sa experience kaya di matanggap-tanggap. Lalong lalo na kung wala kang backer o white horse na tinatawag ng ilan. Kungโ€ฆ

@unknownymous19

TEAM BAHAY / TEAM GALA Mula elementarya hanggang kolehiyo - bahay at school lang ako. Di ko talaga hilig ang maglakwatsa. Lumaki ako na pagkatapos ng klase ay uwi agad, ganun kaistrikto ang mga magulang ko. Bilang lang sa kamay ang mga kaibigan ko mula noon magpahanggang ngayon - takot sila sa papa ko dahil malakin bulas ang katawan at malagong na boses. Yun ang di ko namana sa kanya (pinalaki pero di na tumangkad ๐Ÿคช). Kailangan tumulong sa mga gawaing bahay. Pinapayagan rinโ€ฆ

@unknownymous19

Umalis ako ng umuulan pero ngayon nagpapakita na si haring araw. Sana naman ay tuloy - tuloy na umaraw. Naalala ko tuloy iyong movie na "WEATHERING WITH YOU" na kung saan walang tigil ang pag-ulan at nakilala ng bidang lalaki si SUNSHINE GIRL, may kakayahan siyang paarawin ang isang lugar ngunit sa pagdaan ng mga araw unti-unti siyang nawawala at nalulusaw. (Di ako magandang magkwento, panoorin niyo na lang. ๐Ÿ˜†) Magandang umaga sa lahat. โ˜บ๏ธ

@unknownymous19

Pritong isda, sinabawang isda at okra ang ulam namin ngayon hapunan. Napadami na naman ang akin kaya kailangan magpatunaw ng kinain. Nakakain na ba ang lahat? Magandang gabi sa lahat! โ˜บ๏ธ

@unknownymous19

MAINTENANCE REPAIR Di magandang balita para sa mga water consumers, kaya ko pang tiisin ang walang koryente kaysa walang tubig. Simula bukas hanggang sabado ay maaaring mawalan o humina ang supply ng tubig. First time itong nangyare na ilang araw ang pag-aayos ng pumping water station sa may sa amin. Kaya ngayon palang mag-uumpisa ng mag-impok ng tubig. PS. Ano kayang oras hihina o mawalan ng tubig? Di kasi nasabi kung anong oras. ๐Ÿšฑ

@unknownymous19

SHOPEE | 8.8 | LAZADA Nakapag - add to cart o check out na ba ang lahat? Nakita ko lang ang isang convo sa facebook, katuwaan lang naman. C: Good evening. Sino po ito? R: Mam, ako po yung nagdeliver ng parcel ninyo last week. C: Ahh bakit po kayo napatawag? R: Di ka na po maalis sa isipan ko mam. Gusto na po kita! -the End- PS. Abang - abang na kayo ng mga text ng mga parcel ninyo. Hehe.

@unknownymous19

Gumising ng maaga para makapagluto ng almusal. Hotsilog at badi ang naisipan lutuin, nauna na akong kumain dahil kailangan bago pumasok ay may laman ang tiyan para di agad magutom mamaya. Magandang umaga sa lahat! ๐Ÿ˜ PS. Ano po ang agahan ninyo?

@unknownymous19

Kumusta ang buong araw ninyo? Naway naging matiwasay at maganda ito. Kung hindi man ay naging maigi, it's just a bad day, NOT a bad week. Ang buong maghapon ko, okay naman. Hindi masyadong busy pero nakakagutom ang wala masyadong gawa. ๐Ÿ˜† Magandang gabi po sa lahat! PS. TAP your shoulder, then said to yourself, "You've done enough today. Tomorrow will be another day." ๐Ÿ˜Š

@unknownymous19

18 | BETWEEN | 22 Hey, SELF, look at me Think back and talk to me Did I grow up according to plan? And do you think I'm wasting my time Doing things I wanna do? - PERFECT by Simple Plan (Taas ng kamay ang kumanta!)๐Ÿ˜œ When we were young, we had so many plans listed on pieces of paper that all of them were able to accomplish at a certain time. But as we go older, the reality SLAPS us hard because our plans may or may not be able to accomplish on our timeline. We felt at someโ€ฆ

@unknownymous19

ENROL KA NA SA ISCP Nakapag-enrol ka na ba sa INTERNATIONAL STATE COLLEGE OF THE PHILIPPINES? Ay kung hindi pa, ENROL na! ๐Ÿ˜ Ito ngayon trending sa facebook, katuwaan lang naman ng iilan pero pumatok sa masa. Ang nasabing paaralan ay virtual lamang. Kaya may tinry akong laro sa facebook kung ano bang kurso ang maaari kung kunin sa ISCP. Naka-apat akong try at nalito tuloy ako kung ano ang pipiliin ko. Matutulungan ninyo kaya ako? HAHAHA. Magandang hapon sa lahat! PS. Ito ayโ€ฆ

@unknownymous19

Kaninang umaga ang aliwalas ng panahon. Tapos biglang ulan sa hapon. Mayroon na atang schedule ngayong ang ulan. Siguro ang ilan naman sainyo ay di agad natuyo ang sinampay. Hanggang ngayon di pa rin tumitigil ang ulan pero mahina na lang. Nakakaantok ang ulan. Mahimbing na naman ang tulog mamaya. Sa mga uuwi galing sa trabaho, ingat po kayo! At yung nasa bahay na, oras na para maghanda ng hapunan. Ano kayang pwedeng lutuin? ๐Ÿค” ใฟใชใ•ใ‚“ใ€ใ“ใ‚“ใซใกใฏ!

@unknownymous19

JOWA O WALIS? Kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang pipiliin mo? Ako ang pipiliin ko . . . . . . MAGANDANG WALIS! Ito ang mabisang sandatang pinag-aagawan natin noon sa classroom lalo na kung ikaw ay isa sa mga sweepers sa tinakdang araw. Kapag magandang walis ay iyong nakuha ay isang milagro sapagkat hudyat iyon na uuwi ka ng mas maaga kaysa sa iba sa kadahilanang mas madali kang matapos sa iyong assignment area! ๐Ÿ˜… JOWA? Walang ideya kung ano yan. HAHAHA! Ang mas mahalagaโ€ฆ

@unknownymous19

Magandang . . . . . Magandang . . . . . Umaga . . . . . Have a nice day ahead Noise World! ๐Ÿ˜‰

@unknownymous19

NIKKO X ELISSE Sino nakakakilala sainyo kay Nikko Natividad? May bago na naman siyang pakulo, bale ikalawa na niya ito. Ginagaya niya ang suot at posing ni Elisse Joson. Napakakwela talaga ni Nikko kahit nasa loob palang siya ng PBB house. Nakakatawa ang trip niya mapa-acting, modeling o host. Nakakawala ng stress kahit papano. Binabasa ko nga ang mga comments nako lahat hagalpak ang tawa. Bilib rin naman ako sa mga taong kayang magbigay ng tuwa at tawa kase I'm the oppositeโ€ฆ

@unknownymous19

Ang gandang bungad naman ng hapon ko. Narefill na ulit at umabot pa ng $0.79. Mamaya ko na ito ipamigay. Thanks Noise Fam for this fts. ๐Ÿ˜Ž Konichiwa! โ˜บ๏ธ

@unknownymous19

Share ko lang yung video ito, nakuu napakaenergetic ni Em - Em. Matapos makipaglaro sa mga ate niya, talon ng talon sa upuan at mesang maliit. Pagnapagalitan marunong magpaawa - isa sa talent niya. Kaya matatawa ka na lang sa kaniya. Sobrang likooot na bubwit. Haha. ๐Ÿ˜‚ https://fb.watch/eQknCYwifG/ ๐Ÿ™ˆ๐Ÿ™‰๐Ÿ™Š

@unknownymous19

BULAN (LUNA) Tuninong ang kabanggihan Mamamati ang kadikluman Nagtataong giya sa dalan Liwanag sana kan bulan. ๐ŸŒ˜ -unknownymous- Buenas noches mis amigos/amigas! ๐Ÿ‘‹๐Ÿป ๐Ÿ“ท myownphone ๐Ÿ˜†

@unknownymous19

PampaGV naman ulit bago matulog! Naranasan ninyo na bang naghihintay kayo ng reply ng kausap mo sa texts, chats o email pero walang reply na naganap. At ng balikan mo ang text, chat o email ay HINDI PALA NASEND o NAKALIMUTAN mong magreply sa kausap mo kaya ang ending parehas kayong naghihintayan. May scenario pa na kinabukasan na o sumunod na araw pa nareplyan. ๐Ÿ˜† "It's ME, I'm some people". Relate ako jan at si @charlsss. Nasanay na sa isa't isa. Mabuti at di nagtampo. Nasaโ€ฆ

@unknownymous19

Hello noise fam! ๐Ÿ˜Š Di ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Kanina pang madaling araw, ambigat na ng katawan ko at nahihilo ng konti pagtatayo. Pero di naman ako mainit, nasa loob daw ng ginhawa ang trangkaso ko sabi ni mama. Kaya mamayang gabi ay magpapahilot ako. Kailangan mo rin pakinggan ang katawan mo kung kailangan magpahinga. Mabuti at nataong Friday at di masyadong makahinayang kung di pumasok. PS. Di ko tuloy nasaksihan ang padespidida party ng amingโ€ฆ

@unknownymous19

Maayos - ayos na ang pakiramdam. Nawala na ang bigat at sakit ng katawan, di na rin nahihilo. Alaxan lang pala ang katapat. Pero kahit ganun kailangan pa rin ipahinga ang katawan para tuloyยฒ na gumaling. Sa isang taon bihira lang akong magkasakit pero once na magkasakit matagal bago gumaling. ๐Ÿฅบ Nakakain na ba ang lahat?

@unknownymous19

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay. โ›ˆ๏ธ๐ŸŽถ Kain po tayo. Tinapay, pansit at juice. Ininit ko lang dahil may tira pa kanina. Off muna sa pag-inom ng kape. Hehe. Magandang hapon sa lahat!

@unknownymous19

GALIMGIM (Nostalgia) Ilang taon na nga ba ang lumipas ng huli nakausap ka? Isa, dalawa, tatlo... di ko na mabilang pa. Tandang - tanda ko pa ang una't huling tatlong salitang tinipa mo, Na nagpakaba sa akin ng husto. Hindi agad ako nakapagsalita, Para akong na-pipi at napatulala. Magkailang beses kong binasa, Di pa rin ako makapaniwala. Di ko magawang igalaw ang aking mga kamay, Upang ang iyong mensahe sana'y matugunan. Di ko alam kung nakatulog ka na sa kahihintay.โ€ฆ

@unknownymous19

EKSENA SA BAHAY Nag-uusap kami ng kapatid ko na kailangan maligo na nga tatlong bubwit sa bahay. ๐Ÿถ๐Ÿถ๐Ÿถ Bago pa mananghalian ay nakaligo na sina Em-Em at Nana. Madali lang sila paliguan pero yung ate nila pahirapan. Lumapit sa amin si Tata at hinawakan ang cellphone ng kapatid ko at biglang natype ang word na NO! Ibig sabihin ayaw niya daw maligo. ๐Ÿคฆโ€โ™€๏ธ Kaya minsan ilang oras ang hinihintay namin para mapaliguan siya dahil nagagalit pagpinipilit. Pero di matatapos ang maghapongโ€ฆ

@unknownymous19

Magandang gabi kapamilya, kapatid, kapuso, at syempre sa nag-iisang NOISE channel! Hi, kaNoise!๐Ÿ˜ Kalahati na naman ng buwan ang lumipas, kaya LAGI kong nireremind ang sarili ko na "BAWAL SUMUKO, SELF" dahil maraming umaasa sa'yo, sila ๐Ÿถ๐Ÿถ๐Ÿถ. Hehe Mapapagod, manghihina, madadapa, masasaid, maiiyak pero itutulog lang at bukas lalaban ang "batang may LABAN!" Kumusta ang araw ninyo? โ˜บ๏ธ

@unknownymous19

Hi! I'm back! ๐Ÿ˜ I've been away for almost a week. I'm under the weather last weekend. It's just that my emotions took over for a while. I'm upset with myself and I hate it. ๐Ÿ˜ฃ Right now, I'm feeling a bit better now. How was your day? ๐Ÿค—

@unknownymous19

Magandang hapon sa lahat! ๐Ÿ˜Š Huling araw ng linggong ito pero di mo ramdam kase sobrang busy ng lahat. Nagkaroon ng Parents Orientation ngayon sa school para bigyan ng kaalaman at instruksyon ang mga bawat para sa darating na pasukan sa Lunes! Kahit tapos na ay marami pa ring mga magulang ang pumupunta sa class advisers ng kanilang anak. Kayo? Excited na ba ang mga bagets para sa pasukan? ๐Ÿ˜ Magiging mandirigma na naman ang mga bagets at mga magulang para sa darating naโ€ฆ

@unknownymous19

OT | 5:45 Andito pa ako ngayon sa school at kailangan tapusin ang mga documents na gagamitin sa Lunes. Bukas kase ay andiyan na naman si BROWNOUT, sa ngayon di ka na makagawa kung walang koryente at internet. Para sa Lunes ay kaunti na lang ang gagawin. Pagod much! ๐Ÿคฏ

@unknownymous19

Magandang hapon sa lahat! Isa at kalahating oras pa ang bago mag-ala-sais nang bumalik ng koryente ngayon dito sa amin. Maaga sa inaasahan namin. Sanayan na lang! ๐Ÿ˜ข Balita pa nga tataas na naman ang konsumo per kwh, dating 16 pesos ay magiging 17 pesos. Baka sa susunod na buwan eh bente na, huwag namana sana. ๐Ÿค Kumusta ang maghapon? Kailangan na naman magluto sa hapunan. Ciao!

@unknownymous19

Panibagong GISING is a new BLESSING! ๐Ÿค— Laba Day ay nausog ng Sunday. Habang naglalaba ay sabayan ng pagtugtog naman ng Hillsongs. ๐Ÿƒ Blessed Sunday sa lahat!

@unknownymous19

AOS 2022 Sino nanunuod sainyo ng AOS? Taas - kamay! 3 episodes to go bago matapos at di pa rin alam ang mga mangyayare. Ang daming tanong at inaabangan revelations sa bawat episode. Nakuuu sino na naman kaya magpupuyat para abangan ang episode 18? Ako, bukas ko na panuorin para di bitin! ๐Ÿ˜ Good night!

@unknownymous19

KAMOTE CHEESE BALLS Meryenda po tayo! Ang saraaaaap sa feelings kapag umuwi ay may meryenda na sabayan pa ng mainit na kape. โ˜• Ingat po sa pauwi palang, alam ko na pahirapan na naman ang pagkomyut pauwi lalo na at maghapon ang buhos ng ulan! May sama na naman kasi ng panahon kaya ayun maghapon ang buhos na ulan baka umabot pa ng magdamag. Hiraaap na naman bangon nito bukas. ๐Ÿ˜… PS. Sana ay nakauwi na ang bata kanina at nasundo na ng magulang. Kawawa naman at umiiyak na kaseโ€ฆ

@unknownymous19

WALANG PASOK Inanunsiyo kagabi ang suspension ng klase mula pre-school hanggang senior high school dahil sa malakas na ulan dulot ng sama ng panahon. Sa kolehiyo naman ay nakadepende sa pamunuan kung magsususpinde o hindi. Sa mga papasok sa trabaho ngayon, ingat po kayong lahat. Huwag kalimutan ang payong at kapote. Magandang umaga sa lahat! ๐Ÿ™‚

@unknownymous19

KITKAT | Need a BREAK ... pero walang Kitkat! ๐Ÿ˜† Physicallly tired! ๐Ÿ˜ฉ Naubos na naman ang powers ko sa maghapon. Paroo't parito, sobrang kabusyhan di na namamalayan ang oras. Mamaya, maagang matutulog para full charge na naman bukas. Kumusta ang maghapon ninyo? PS. Tapos na ang mga araw na walang gawa. ๐Ÿฅด

@unknownymous19

Pagnakaramdam na ng antok, ITULOG agad! Wag ng magpatumpik-tumpik pa! . . . . . Kaya GOOD NIGHT na po sa lahat! ๐Ÿ˜ด PS. Pero kapag kinatok ang pusong nananahimik. Nakuuuuu kabahan ka na. Charrr! ๐Ÿ˜‚

@unknownymous19

Nagbabadya na naman ang ulan. Makulimlim na naman ang kalangitan. Inaasahan ko na ito dahil binalita ito kahapon, ang ulan daw na ito ay yung "remnants" ng LPA. PS. Sana bukas wag sana umulan kase LABA day. ๐Ÿ™๐Ÿป

@unknownymous19

Para sa lahat ng nag-aaral at nagpapa-aral: Makalipas ang mahigit dalawang taon, ano ang pakiramdam ninyo sa pagbabalik eskwela sa paaralan? Ang iba sa inyo ay masaya, may kaba at takot, at umiyak lalo na ang mga chikiting. Marami man ang nagbago at naninibago sa muling pagtapak sa school. Alalahanin niyo lang na makaka-adjust rin kayo. Basta enjoy lang sa bawat araw na papasok sa paaralan upang may matutunan, makakilala ng mga kaibigan o makita muli ang dating kaklase atโ€ฆ

@unknownymous19

Every day is the start of something beautiful. - Matt Nathanson Maagang nagising kanina para maumpisahan ang labahin. Nakapag-almusal na rin para may lakas at busog habang naglalaba. Ishare ko lang itong tanim ni mama na nagsimula ng mamulaklak. Isa ito sa nagpaparelax kay mama, ang kanyang mga anak bukod sa amin. ๐Ÿ˜ Magandang umaga sa lahat! ๐ŸŒผ

@unknownymous19

THINGS TO DO: Sampay โœ… Linis ng bahay โœ… Lampaso โœ… Walis sa labas ng bahay โœ… Luto โญ๏ธ Ligo ng mga bibi ๐Ÿ”œ Kami lang ng mga bibi ang nasa bahay kaya walang katulong pero keribels naman, madali mapagsabihan ang mga bibi namin kapag naglilinis na wag maglikot para matapos agad. Sa kahihintay na matapos ayon nakatulog na sila. ๐Ÿ˜† Magandang araw sa ating lahat! PS. Sino rin sa inyo ang naglilista ng mga gagawin sa buong maghapon para walang makalimutan? PPS. Patugtog lang ng SPOTIFYโ€ฆ

@unknownymous19

Dahil natuyo lahat ng sinampay ko ay pagtutupi naman ngayon. Isang upuan ko na lang at di na papaabutin ng isang linggo. ๐Ÿ˜† Nakapagsaing na rin ako. Si mama naman ang magluluto ng ulam namin ngayon, "inun-on" na isda. Pinakuluan sa suka na may kaunting tubig, nakahalo na ang sangkap na kamatis, sibuyas, bawang, paminta at kaunting asin. Wala munang halong gulay sa ngayon. Magandang gabi sa lahat! PS. Nakapagluto na ba ang iba sa inyo?

@unknownymous19

AOS Finale (Season 1) Ilang oras na lang ang hinihintay at irirelease na ang huling episode ng Alchemy of Souls. Ang released time sa Korea ay 10:00 PM (katumbas na oras sa atin ay 11:00 PM), kumbaga late sa atin ng isang oras. Dahil yan sa Time Zone at location natin kaya di magkapareho. Trivia lang. Hehe. Bago ko pa simulan ang panunuod ng AOS, na-HOOK na talaga ako sa Trailer palang. Isa itong historical fantasy action romance drama. Once na nagustuhan ko, mag-uumpisa naโ€ฆ

@unknownymous19

MAGANDANG UMAGA!!! Kakagising ko lang dahil inabangan ko talaga ang ending ng AOS S1 ngunit nakakabitin, "cliffhanger" tatak Kdrama talaga. Madaming tanong ang hindi pa nasasagot at kailangan abangan ang S2 sa darating na December. Aabutin ata ng 3 months ang aking kaba sa kahihintay. ๐Ÿ˜ฌ Matapos kung mapanuod ang bawat episode ng AOS, agad akong pumupunta sa page na nakikita ninyo sa larawan. Napapaisip at natatawa na lang minsan sa ibinabagsak nilang iba ibang theories kunoโ€ฆ

@unknownymous19

5 Centavo Coin Inaayos ko ang aking gamit para bukas nang mahalungkat ko coin na makikita sa larawan. Nabigla ako kasi 5 centavo coin siya pero sa bansang US. Pwedeng na idagdag sa perang "PASAKATAN" ito ang tawag namin kapag may tinatago kami pera na hindi mo talaga gagalawin o gagastusin. Siguro isa ito sa nabigay na sukli sa akin sa tindahan o sa saksakyan. Mas malaki lang yan ng kaunti sa 5 centavo coin natin. Di ko kilala kung sino iyang mukha at parang palasyo na nasaโ€ฆ

@unknownymous19

OKOY (Puso ng saging) Ito ang ulam namin ngayon, kung walang dilis ay puso ng saging (libre pa sa likod bahay). Parehas lang naman ang proseso kung magluluto ka ng dilis. Nagkakaiba-iba lang sa kung paano ang luto ng pagmamahal. Charing! ๐Ÿ˜… Kain na po tayo ng hapunan. Ano po ang ulam ninyo? Magandang gabi sa lahat!

@unknownymous19

THIRTY | 30 Dalawang bagay ang mayroon sa numerong 30. UNA... Ngayong araw ay 5 yrs. old na si Ashley "Mama Shangยฒ", siya ang ina nina Tata, Nana at Em-Em. Ilang beses na rim siyang bumisita sa aming bahay. Napakahinhin, nakapabait at napakalambing ni Mama Shang na di namana ng magkakapatid. Iisa lang kase ang papa nila - stick to 1 si mama Shangยฒ kaya siguro namana ng ugali nila sa papa nila. Kaya kahit bihira na lang pumunta siya sa amin ay lablab namin siya. Hamakin ninyoโ€ฆ

@unknownymous19

SCARLET HEART RYEO | Moon Lovers Anim na taon na pala tayong umaasa ng Season 2 nito cj namin @cjjamer mula ng pinalabas ito sa atin. Kung sino man ang di pa nakapanuod nito nakuuuuu maghanda ka na ng sandamakmak na tisyu! ๐Ÿ’” Nakita ko na naman ito habang nagscroll ng reels...S2 kailan kaya??? Magandang gabi sa lahat. ๐Ÿ˜Š PS. Nakakain na ba?

@unknownymous19

MAGPAPARAMDAM NA SIYA! ๐Ÿ˜‚ Sino na ang excited na muling mapagkinggan ang kanyang mga awitin sa radyo? Magandang umaga sa lahat! Naway magkaroon tayo ng maaliwalas na panahon sa maghapon. โ˜บ๏ธ PS. GV muna tayo ngayong umaga. ๐Ÿ˜†

@unknownymous19

TWIN STORMS Dalawang bagyo ang namataan malapit sa Philippine Sea, ang Super Typhoon Hinnanmaru na patungong Japan's Ryukyu Islands habang naging ganap ng bagyo si Tropical Depression Gardo at inaasahang papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ngayong Miyerkoles ng umaga. Lahat ay pinag-iingat at makinig ng balita sa tv o radyo para sa update ng sama ng panahon. Ang iyong Noise Weather Reporter, @unknownymous, nag-uulat! Charrr! Lapit na pala mag-lunch. ๐Ÿ˜Š PS. Kamiโ€ฆ

@unknownymous19

NATONG (GABI) Ito ang nilutong ulam sa bahay. Nagutom tuloy ako. Kayo anong ulam ninyo? PS. 30 minutes pa bago umuwi. ๐Ÿฅด

@unknownymous19

Van na ang nag-adjust! ๐Ÿคฃ "Huwag tatakbo, hindi ako nangunguha." ๐Ÿ˜‚ Marami na kase ang balita ukol sa pangunguha o pagkidnap mapa-bata, babae o lalaki man yan. May ilan rin lumabas na mga maseselan na videos at pictures sa mga balita. Noon na ang kapatid ko ay maliit pa lamang, ito ang panakot namin sa kaniya para lagi lang siya sa bahay kase minsan bigla na lang na di nagpapaalam kung saan pupunta. Alalang-alala lagi si mama paghindi pa nakauwi. May mga pangyayari na dawโ€ฆ

@unknownymous19

Pumasok na sa PAR ngayong Miyerkoles na hapon ang ST Hinnamnor na ngayon ay pinangalanang "Bagyong Henry". Sinabi sa balita na di naman daw ito maglalandfall. Magandang gabi sa lahat! ๐Ÿ˜Š PS. Nakakain na ba ang lahat?

@unknownymous19

BER Months na! ๐Ÿฅ‚ "Malamig ang simoy ng hangin Kay saya ng bawa't damdamin Ang tibok ng puso sa dibdib Para bang hulog ng langit." - ApoHS ๐ŸŽถ Sigurado akong na marami na namang tugtuging pamasko ang maririnig natin sa tv o radio o socmed. Magandang umaga sa lahat! PS. Master Lee nagkalat na naman ang meme mo sa AOS page. ๐Ÿคฃ Ito yung mood namin habang nag-aantay ng Season 2 ng AOS, December ang release. ๐Ÿ˜