read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

TRABAHO SA PINAS Ang nasa isip ko noon pagkatapos ng kolehiyo, madaling makahanap ng trabaho sa bayang sinilangan. Napakahirap pala makahanap ng permanenteng trabaho, bukod sa napakataas ng standards para pinapangarap mong trabaho. Dagdagan pa ng sandamakmak na requirements ang kailangan ipasa ngunit di siguradong tanggap ka. Ang iba naman kulang ka pa raw sa experience kaya di matanggap-tanggap. Lalong lalo na kung wala kang backer o white horse na tinatawag ng ilan. Kung matanggap ka man ay kakarampot na sahod ngunit santambak na trabaho. Nakakalungkot lang isipin na kabaliktaran ang nangyayare. Nakakaranas lang nito yung mga nasa laylyan at hikahos sa buhay. Ayaw ko sanang magkumpara ngunit kaylayo ata natin sa ibang bansa kaya marami sa atin ang OFW. Ang ibang kababayan natin ay nakahanap ng mas magandang oportunidad na trabaho na may mataas na sahod kumpara sa Pinas tulad ng nasa larawan. Idagdag pa natin, ang dali lang nilang natanggap sa trabaho. Sana magkaroon rin ng pagbabago sa pagbibigay ng job opportunities ngunit baka matagalan pa. 😣😢

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.