read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

GALIMGIM (Nostalgia) Ilang taon na nga ba ang lumipas ng huli nakausap ka? Isa, dalawa, tatlo... di ko na mabilang pa. Tandang - tanda ko pa ang una't huling tatlong salitang tinipa mo, Na nagpakaba sa akin ng husto. Hindi agad ako nakapagsalita, Para akong na-pipi at napatulala. Magkailang beses kong binasa, Di pa rin ako makapaniwala. Di ko magawang igalaw ang aking mga kamay, Upang ang iyong mensahe sana'y matugunan. Di ko alam kung nakatulog ka na sa kahihintay. Patawad...kung ang naging tugon ko ay di mo inasahan. Di maalis sa isip ko kung ano ang iyong naramdam Nang mabasa mo ang aking masinsinang tugon. Ngunit di na nabigyan ng pagkakataon, Wala pa ngang nasisimulan pero agad ng natuldukan. -byyourstruly @unknownymous Good night! #Galimgim #OriginalContent #IdaanKoNaLangSaTula

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.