El Nido, Palawan

0 24
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Isa ito sa mga hindi ko malilimutang bakasyon kasama ko ang aking pinakamamahal na asawa sa El Nido, Palawan last year. Pagkatapos naming mamasyal sa Underground River natulog muna kami ng isang gabi sa Puerto Princesa dahil malayo ang byahe papuntang El Nido nasa 6 to 8 hours sakay ang mga pribadong van o mga komersyal bus.

Ang isla ng El Nido na ang pinakamagandang isla na napuntahan ko. Nakapunta na ako ng Boracay at Puerto Galera pero sa El Nido iba ang feeling. Kung gusto mo ng privacy, tahimik, preskong hangin at tubig, napakapino at puting buhangin at magagandang buhangin marerekomenda ko ang ganda ng El Nido.

Sumakay kami ng van at nagbayad kami ng 500 pesos each ng aking asawa sabay ang ibang mga turista. Madaling araw ang aming byahe kaya maaga kaming naka abot sa El Nido. May mga Tour Packages sila na puede mong pagpilian pagdating dun. Dahil hindi sapat ang aming budget at oras kasi may kamahalan din doon, Tour A package ang aming pinili ng aking asawa sa halagang 1,000 pesos each. Isa ang Tour A na kadalasang pinupuntahan ng mga turista kaya yon ang aming pinili.

Ang mga islang aming napuntahan ay ang Big at Small Lagoon, Secret Lagoon, Commandos Beach at Simizu Island. Kasama na sa package ang pagamit ng mga goggles, snorkels at may kayaking pa. Siyempre may free lunch din na puro sea foods ang naghinhintay namin pagdating sa isang isla. Sulit ang aming travel experience sa islang ito. Tunay ngang napaganda ng isla ng Pilipinas...

1
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Comments

Ang ganda ng place sir 😍 Dream destination ko din talaga to, Palawan 😍

$ 0.00
4 years ago

oo maam napakaganda talaga ng isla. malayo sa polusyon at napakalinis ng lugar. may mga promo flights naman.

$ 0.00
4 years ago

wow super ganda dyan isa sa gusto kong mapuntahan balang araw, at talagang pangarap ko makapunta ng palawan.

$ 0.00
4 years ago

oo maam ang daming magagandang isla sa palawan especially El Nido at Coron. sulit talaga ang bakasyon kahit medyo may kamahalan.

$ 0.00
4 years ago

maganda nga jan sa El nido, MArami akong naririning ng positive reviews and comments para dun sa mga nakapunta na! ayus talaga nasa List ko na yan.. soon ^_^

$ 0.00
4 years ago

yes maam hoping matapos na ang covid19 para hindi na delikadong magtravel at mkapag bakasyon na kayo.

$ 0.00
4 years ago

Sana makapunta na rin ako jan. Talaga naman napakaganda Sana mawala na rin yung covid para yung mga gusto na nting puntahan ay mapupuntahan na.

$ 0.00
4 years ago

oo nga sir. praying and hoping for a cure para maging balik normal na buhay ng mga tao sa mundo sir...

$ 0.00
4 years ago

Wow nmn totoong npakaganda Jan. At ang tubig at mga tanawin hindi talaga matatawaran

$ 0.00
4 years ago

yes maam. sulit ang byahe dahil napakaganda ng tanawin maam...

$ 0.00
4 years ago

Yes po grbe tagal ko n do nkapunta Jan... Gawa NG wala ko dto sa bansa ntin pero wen I get back I will n isa place n pupunta Han ko

$ 0.00
4 years ago

Isa to sa mga lugar na gusto ko talaga mapuntahan. Grabe ganda ng lugar, mukhang sulit talaga ang pagpunta at gastos mo dito. Sana makaipon ako at makapunta dito.

$ 0.00
4 years ago

yes sulit na sulit yong travel experience namin sa el nido. ang ganda ng lugar.

$ 0.00
4 years ago

One of the most beautiful places I've been to...

$ 0.00
4 years ago