Isa ito sa mga hindi ko malilimutang bakasyon kasama ko ang aking pinakamamahal na asawa sa El Nido, Palawan last year. Pagkatapos naming mamasyal sa Underground River natulog muna kami ng isang gabi sa Puerto Princesa dahil malayo ang byahe papuntang El Nido nasa 6 to 8 hours sakay ang mga pribadong van o mga komersyal bus.
Ang isla ng El Nido na ang pinakamagandang isla na napuntahan ko. Nakapunta na ako ng Boracay at Puerto Galera pero sa El Nido iba ang feeling. Kung gusto mo ng privacy, tahimik, preskong hangin at tubig, napakapino at puting buhangin at magagandang buhangin marerekomenda ko ang ganda ng El Nido.
Sumakay kami ng van at nagbayad kami ng 500 pesos each ng aking asawa sabay ang ibang mga turista. Madaling araw ang aming byahe kaya maaga kaming naka abot sa El Nido. May mga Tour Packages sila na puede mong pagpilian pagdating dun. Dahil hindi sapat ang aming budget at oras kasi may kamahalan din doon, Tour A package ang aming pinili ng aking asawa sa halagang 1,000 pesos each. Isa ang Tour A na kadalasang pinupuntahan ng mga turista kaya yon ang aming pinili.
Ang mga islang aming napuntahan ay ang Big at Small Lagoon, Secret Lagoon, Commandos Beach at Simizu Island. Kasama na sa package ang pagamit ng mga goggles, snorkels at may kayaking pa. Siyempre may free lunch din na puro sea foods ang naghinhintay namin pagdating sa isang isla. Sulit ang aming travel experience sa islang ito. Tunay ngang napaganda ng isla ng Pilipinas...
Ang ganda ng place sir 😍 Dream destination ko din talaga to, Palawan 😍