Ako ay kinakabahan ng malaman na 3-4cm na yong baby namin sa sinapupunan ni Mrs. Ito yong araw na pinakahihintay ko na makita ang aming pinakaunang anak at ako ay ganap ng tawaging bilang isang daddy o ama. Huwebes ng madaling araw bandang 4:05am July 02,2020 isinilang ang isang malusog na sanggol na ang pangalan ay Franzineph Khae.
Nang si Mrs ay nasa delivery room, ako ay taimting nagdarasal na sana normal ang delivery ni mrs at healthy yong baby. Hindi pala ganun kadaling manganak. Nasa harapan ako ng pintoan ng delivery room at dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ng mga ina para mailabas ang kanilang sanggol. Napaisip ko tuloy at nagpapasalamat na ako ay isang lalaki. Pagkalabas ni mrs at ni baby Zineph sa delivery room, ako ay tuwang tuwa na may halong luha sa aking puso dahil sila ay nasa mabuting kalagayan. Ako ay nagpapasalamat sa lahat lalo na sa aming pamilya na tumulong at nagdasal para maging normal ang delivery ni mrs. Dalawang araw lang kami sa public hospital at na discharge agad dahil wala naman daw problema yong baby namin.
Ito ay panibagong responsibilidad sa amin bilang isang pamilya at sa akin bilang ama. Gagawin ko ang lahat ang aking makakaya para mapalaking malusog at mabuting tao ang aming baby.
hala kacute sa baby nimo sir. Congrats ..