Magandang hapon po sa lahat. Sana po ay maganda ang wednesday niyo. its almost 4:00 pm na pala. Ngayon lang ako nakapagpost kasi medyo busy ako kanina sa pag entertain ng mga pinsan ni hubby na bumisita. Ngayon naman nakahiga lang ako habang nag no.noise while watching the krone live sa youtube. Isa to nakahiligan kung panoorin now. Hindi ko maintindihan yung mga wordings nila pero gandang ganda ako sa tugtog kaya pinapanood ko. Tinatawanan tuloy ako ni hubby mukha daw akong sira kasi nanonood ako kahit di ko maintindihan. Heheheh. Anyway have a nice po sa lahat. Magandang hapon po.
Done with my labada. Pero ang kalangitan ay ayaw pa ding umaraw. Umulan kaninang madaling araw pero saglit lang. Kaya heto ngayon mula umaga hanggang ngayon ang kulimlim ng kalangitan. Nabasa ko isang news outlet na nakapasok na ng bansa ang bagyong may international name na"MALAKAS", pero dito sa Pinas tatawagin siyang bagyong "Basyang". Usually ang pasok ng bagyo dati pagka bagong taon ay laging nasa mga January o kaya ay sa February. Ngayon lang ata nataon na may bagyo during summer time. Correct me if Im wrong. Medyo di kasi ako familiar sa history ng mga bagyong napasok sa bansa. Saka nga pala, grabe din ang pinsala ni bagyong Agaton sa may Visayas area. Mukhang ito na ata sinasabi ng lola ko dati. Na darating daw ang araw na magbabago at tatanda ang kalibutan.
Anyway, magandang hapon pa din sa inyo guys. Sana ay so far, okay ang inyong Martes Santo. Good day ahead to all.
Timing talaga pagkauwi ko, biglang buhos ng ulan. Late na nakauwi medyo nawili kasi ako sa panunuod ng basketball. May laro kasi mga pinsan ni hubby kanina. May pa liga kasi sila. Kaya ayun imbis na maaga sana nauwi ay nawili pa sa panonood. Sulit din naman kasi nanalo silang magpipinsan. Grabe hiyawan kanina sa court. Kaya pati ako ay napapasigaw din. Heheheheh
Anyway magandang gabi guys. Mukhang nagbabadya na naman ang ulan para sa sususnod na mga araw. Keganda ng panahon kanina tapos ngayon biglang buhos ng ulan. Buti nalang at nag taxi ako pauwi. Balak ko pa naman sanang yung nag.aali nalang na motor ang sakyan ko. Kung nagmotor ako siguradong basa ako pag uwi.
Gabi na masyadp guys, almost 11:00 pm na. Sigurado ako tulog na yung iba dito kaya good night po sa inyo. At good morning to the other side of the earth. Ako din ay iidlip ma din later. Pahinga muna before washing up.
Sa ilang araw na pag-ulan, isa na siguro ito sa medyo may kagandahan na panahon dito sa amin. Medyo makulimlim pa din pero unlike the past few days, ngayon ay walang ulan mula pa kaninang umaga. Kaya sana kahit ganito na medyo makulimlim wag lang talaga umulan. Nakapending kasi lahat ng lakad pagka naulan. Ngayon lang ulit nakalabas kasi ngayon lang walang ulan. Hehehehe, kamusta mga ka noise.? Sana ay okay ang araw ninyo. On the way ako sa bahay ng pinsan ni hubby. Maglaag ko didto kay gilaay gyud ko sa balay. Hehehe. Magandang hapon sa lahat. Share ko lang ang picture na kuha ko ngayon.
Its a rainy monday morning guys. Its been a tough last week for me,but its okay. Thats how life works. We face obstacles every now and then. Now its another week to face challenges again. Hoping for a better days to come. Right now Im preparing my dirty laundry. Dahil for the past days, hindi ako nakapaglaba kasi walang tigil ang ulan. So ngayon kahit maulan maglalaba na ako kasi baka wala na akong suotin. Heheheheh.
Good morning noisers. Hoping your last weekend is okay and fun. And hoping this start of the week is going to be good. Holy week na pala kaya panahon na naman ng pagnilay-nilay ng mga tao. Sa amin uso na naman ang mga Panaad. Kaya siguradong madami na naman mga tao.
Have a great day ahead to all of us. Good morning po ulit and happy Monday to all.
Medyo kumalma na si ulan. Pero still, may kulimlim pa din ang kalangitan. Pero okay na din kasi kanina may nabasa akong update . Lahat ng heavy rainfall warning ay wala kaya rest assured na di na masyadong malakas ang ulang ngayon, kung uulan man.
Anyway tatapusin ko muna ginagawa ko guys.
Its been days na walang tigil ang pag ulan. Hanggang ngayong umaga ay umuulan pa din. Share ko lang po yung kuha ko kahapon ng hapon. That was around 5:00 pm sa my uptown balulang. Grabe ang traffic at baha ng tubig. Yung mga sasakyan na tulad ng sa taxi na medyo mababa ay di makadaan patungong Lumbia o sa grand europa kasi mataas na ang tubig sa may phase 4. Kaya ang resulta ang taas ng traffic kahapo. Mula kasi alas 2:00 pm kahapon grabe ang buhos ng ulan. Sobrang lakas. Kaya ang resulta baha sa mga daanan. Akala ng iba bagyo na po ito, pero low pressure lang po pala. Sana ngayong araw di na masyadong malakas ang ulan. Dahil nagsisismula ng magkaroon ng landslide sa dinadaanan namin kagabi. Sa ilang araw ba naman na lakas ng ulan saka buong araw pa kaya yung mga kalupaan ay medyo nagla.landslide na.
Anyway its a friday morning guys. Sana ay maganda ang maging gising ninyo ngayon. Ang iba sa atin ay gising na pero yung iba ay siguro tulog pa. Sa lamig ba naman ng panahon. Maaga ako nagising kasi maglalaba ako ngayon. Saka dadalhin ko mamaya sa laundry shop para ipa dryer ko. Mukhang wala pa kasing plano tumigil si ulan tapos basa pa mga uniform ni hubby. Pag doon ko pa kasi ipapalaba di ko mkukuha agad. Pag pina dryer ko lang kasi, mas inuuna nila. Kaya heto maaga ako nag washing.
Good morning po sa lahat. Have a great friday. Sana maging maganda ang buong araw natin ngayon. Ingat and keep safe guys.
Tumila din sa wakas ang ulan. Pero makikita mo pa din sa kalangitan na muhang uulan pa ulit. Pero okay lang at least nawala kahit panandalian yung ulan.
Lagpas 8:00 pm na guys at mukhang di ako makakatulog nito ng maaga kasi may nagbi.birthday sa kapitbahay namin. At may pa videoke sila. Mula pa kaninang 6:00 pm sila nagvi.videoke. Kaya si ako ay tamang pakinig lang. Minsan napapasabay ako sa mga kinakanta nila kasi alam ko yung ilan. hahahha.
Kamusta ang araw ninyo guys? Sana ay okay lang. Sana lang wag na umulan. Gandang gabi po sa lahat.
Grabe ang lakas ng buhos ng ulan kaya di na ako nagtataka kung bakit enjoy ang mga bata sa labas para maligo sa ulan. Humina lang ng kaunti kanina ang ulan pero ngayon biglang lakas ng buhos. Kaya heto andito lng ako sa loob ng bahay. Tumitingin sa mga batang naglalaro sa ulan. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Tulad din ko nila naeexcite pag umuulan kasi makakaligo sa labas.
Anyway siguradong madaming lugar ngayon ang apektado ng LPA kaya ingat po tayo mga ka noise. Tulad sa amin nakaranggap ako ng orangr rainfall warning. Kaya yung malapit sa ilog o suba saka yung mga lugar na bahain at prone to landslide. Ingat po tayo. Magandang hapon po sa lahat.
Its been raining since kahapon. Ngayon naman lumakas pa lalo ang buhos ng ulan. Grabe na talaga ito. Wednesday morning, and still ang buhos ng ulan ay wala pa ding tigil. Kaya heto medyo napasarap ako sa pagtulog at ngayon lang nagising. Ang lamig kasi ng panahon dahil sa ulan. Ngayon magkakape muna ako. Para kahit papano magising ang diwa ko. Naulan din po b jan sa inyo guys?
Anyway goof morning to all. Have a great and wonderful day ahead.
Minsan talaga di natin maiiwasa na maging mainitin ang ulo kahit umagang-umaga. Lalo na pag bago kang gising tapos iba pakiramdam mo tapos may mag jo.joke sayo. Siguradong iinit talaga ang ulo mo.
Anyway its a cloudy or gloomy morning here. Baka uulan na naman yata ngayon. Balita ko may LPA na naman na nakapasok sa PAR kaya ganito ang panahon dito sa amin. Grabe talaga ang panahon ngayon. April na April pero laging naulan. Di tulad noong mga nakaraang taon pag ganitong buwan ang init init na lalo pat papalapit na ang May. Baka ito na talaga yung epekto ng climate change. Sabi nga ng mga matatanda, tumatanda na daw ang daigdig. Kasi yung dapat sana na season ngayon ay di nasusunod. Imbis na tag-init nagiging tag-ulan na daw.
Good morning noisers. Today is tuesday, at dahil sinipag ako ngayon kahit parang naulan, maglalaba pa din ako later. Lalo na at mamayang hapon ay mag papart time job na naman ako sa tinap.anan. Wala kasi yung dapat sana magtitinda ngayon kaya natawag ang tito ni hubby na ako daw muna ang magbantay. Kaya syempre go ra lang si ako. 300 pesos n din yun. Plus yung bayad pa sa paggawa ko ng sawsawan. Heheheheh
Anyway good vibes lang tayo. Have a great and nice day ahead to all of us.
Yung akala mong wala ng sagot sa mga problema mo pero at the last minute may gagamitin pa din talagang ibang instrumento si God para ma solve ang mga problema natin.
God thank you talaga. Akala ko talaga wala ng solusyon pero meron pala. Truly God works in mysterious ways. Sa taong ginamit ni Lord, thank you po sa iyo. Si ipagpapasalamat ko talaga kay Lord at maraming thank you po sa iyo .
Its been a stressful day pero thank you Lord kasi you still make me make it today.
Gandang gabi po sa lahat. Now lang po nakapag online ulit. Medyo na busy kasi kanina. Sana okay lang Monday niyo mga ka noise. Tomorrow us another day na naman par makibaka at harapin ang hamon natin sa buhay. Sleep tight to all saka good morning to the other side. God bless us all noisers.
Hindi natin hawak kung kilan lang tayo magtatagal sa mundong ibabaw. Kaya habang buhay pa, wag tayong mapagmataas.
Good morning noisers. Its a beautiful Monday morning. Start na naman po ng panibagong linggo ng pakikibaka sa buhay. Start this day a smile and positive vibes. Parang kilan lang nag Lunes tapos ngayon heto na namab tayo.
Have a great and nice day to all of us. Good morning once again.
Its a gloomy and rainy Sunday morning dito sa amin guys. Medyo natagalan ako kanina ng gising dahil ang lamig ng panahon kaya napasarap ang tulog ko. Walang work si hubby ngayon kaya may maghahatid sa akin mamaya. Kagabe hindi na ako nakapag noise kasi ang lakas ng ulan. Tapos pagka uwi ko ng bahay mga around 11 pm na lowbat na cp ko. Kaya pati ako lowbat na din at nakatulog agad. Kaya no time na talaga para mag cp.
Pero anyway its still a good Sunday. Thankful ako kay God kasi He give me another day of my life. I might encounter some hardship for this past few days pero all is well right now. God never give us a problem that we cannot handle. Saka may nakita akong video kamakailan lang. Sabi noong nag preach, Hanggat kaya natin hinahayaan tayo ni God, kasi nakikita niya na kaya pa natin. Hindi siya nag-iintervene kahit anong panalangin natin kasi alam Niya na kakayanin pa.Pero pag andoon na tayo sa point na di na talaga natin kaya tapos masasabi nalang natin na " Lord di ko na talaga kaya and theres no where we can go" saka pa si God mag-iintervene. And I said to myself, tama nga ang sinabe noong nag preach. Kaya kahit gaano paman kalaki ang hinaharap nating problema. Pasasaan pa at may solusyon ito. God give us help sa ibat-ibang pamamaraan. Minsan naggamit siya ng ibang tao para matulungan tayo. Kaya God is so great. Happy Sunday to all ka noise. Spend some quality time with our love one's. Good morning once again..
Saturday morning. 2nd day of the month of April. Maaga ako nagising kasi biglaang mag byahe si hubby. Kagabi kasi pinakiusapan siya ng Mommy niya, kapatid ng mother-in-law ko. Nakiusap si mommy na siya daw mag drive ng kanyang multicab ngayon saka bukas. Ginagamit kasi yung multicab nila para gamitin sa pag kampanya ng kandidatong tatakbong konsehal dito sa syudad. Kaya ayon, pumayag si hubby. Extra income na din yun sa loob ng dalawang araw. 500 pesos daw ang kada araw tapos libre na ang pagkain. Kaya naman si ako maaga nagising para maghanda ng kape saka bumili ng pandesal. Hindi na nag.agahan si hubby kasi sabi ni mommy doon nalang daw. Kaya ayun kakaalis lang niya. Kaya heto ako ngayon mapapaaga din sa paglilinis o paggawa ng gawaing bahay.
Good morning po sa lahat at happy weekend. Sigurado ako yung iba dito labadami na. Enjoy your day po. Good morning once again.
Maggabi na guys. Dahil wala pang nabili share muna ako guys nga mga kuha ko kanina going dito sa pinagdi display.han namin. Ang ganda kasi ng langit kanina kaya kuha ako ng kuha ng mga picture kaya share ko lang sa inyo guys. Ang sarap lang kasi tignan sa mata. Kaso kung kanina ang init init ngayon naman na maggagabi na bigla namang kumulimlim ang kalangitan. Di talaga malaman lakad ng panahon o weather mga ka noise. Anyway good evening advance. Medyo marami na kasi nabili kaya paputol.putol pag type ko.
Grabe ang init ng araw. Lagpas 3:00 pm na pero ang araw napaka sakit pa din sa balat. Ibang-iba na talaga ang weather o panahon ngayon. Grabe talaga ang epekto ng climate change. On the way na kami sa pag di.display ng tinap.an. Medyo maaga kami ngayon kasi pag ganitong panahon medyo maaga ang bilihan. Sabi kasi ni tito start na ng Ramadan. Kaya maaga daw bilihan ngayon. Halos kasi customer namin ay mga kapatid nating Muslim kaya mas maaga kami ngayon mag didisplay.
Anyway magandang hapon po sa lahat. Sana ay okay ang Friday ninyo so far. Good afternoon po sa inyo.
1 pm na pala. Ang dali lang ng oras pag may ginagawa ka mga ka noise. Pero pag wala kang ginagawa parang ang tagal umikot ng orasan. By the way off to go na si ako. Medyo kumulimlim na ang kalangitan dito sa amin kaya baka umulan na talaga. Wag naman sana. Hirap kasi magtrabaho pag maulan pero okay lang. Ganyan naman talaga ang life. need kumayod para mabuhay. Happy friday to all. Siguradong maraming tao na naman mamaya sa uptown food park. Kahit nga di friday madami pa din tao doon kahit alas 10 na nga gabi. Siguro yung iba dito mag pa.friday night out mamaya. Kaya take care mga ka noise and enjoy the weekend.
Sa kabila ng sakit na ating nararamdaman, may mga bagay pa din na nagbibigay kasiyahan.
Good morning noisers. Friday na ngayon at its the 1st day of the month of April. Siguradong marami ngayon ang gagawa ng kalokohan. Kaya ingat mga ka noise. Baka isa tayo sa masampulan ng April fools.
Anyway its a nice morning here. Maganda ang sikat ni Mr. Sun. Sana magtuloy tuloy ito. Kanina pa ako nagising pero ngayon lang ako babangon sa higaan. Walang byahe si hubby kaya andito siya ngayon sa bahay. Siya ang naghanda ng agahan namin kaya kampante akong matagal bumangon. Hehehe. Mamaya start na ng duty ko until Sunday. kaya medyo maaga ako aalis mamaya kasi may pupuntahan pa ako. Baka din kasi umulan kaya mas mabuti na yung maaga naalis para di maabutan ng ulan.
Good morning noisers and enjoy your day. Happy friday everyone.
Hirap magpanggap na hindi tayo nasasaktan sa mga salitang binitawan ng mga mahal natin sa buhay. Akala nila, okay lang sa atin kasi di nila tayo nakikitang umiyak dahil sa mga sinasabi nila. Di nila alam na patago akong umiiyak kasi ayaw kung makita nila na sobrang lambot ko. Minsan natatanong ni hubby bat daw ako naiiyak. Mabuti nalang at palage niya akong pinapakinggan sa mga sentimento ko. At andiyan lang siya lage para sumuporta at mag bigay advice sa akin.
Minsan sa mga magkakapatid di maiiwasan ang mga bangayan at tampuhan. Minsan kahit malayo kayo sa isat-isa may time pa din na nag.aaway kami. Hirap talaga pag di mo masabi lahat ng gusto mong sabihin. Sakit sa dibdid. Alam mong alam mo na ikaw ang mali pero nasasaktan pa din tayo sa mga salitang nababasa o nadidinig natin. Masayahin akong tao, pero kahinaan ko ang pagtatago ng nararamdaman ko pag nasasaktan ako. Inaadmit ko naman na may pagkakamali ako pero sana wag naman nila pasobrahan yung mga salitang binibitawan nila.
Sorry po kung nag senti ako dito. Pasensya na po.
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Sa wakas, natapos na din ako sa pag re.repack ng mga sawsawan para sa tinap.anan ng tito ni hubby na ibenibenta namin. Additional na naman na extra income pinasok ko mga ka noise. Alam mo yung dahil sa sobrang bored ko sa bahay, tinanggap ko yung alok ng tito niya na ako mag pack ng mga sawsawan. kasi di na daw makaya ni tita ang paggawa. Kasi ba naman, siya pa anh naglilinis ng mga isda saka minamarinate nila, tapos nagawa pa si tita ni hubby ng special na pangpahid sa isda, yung pinapahid na may oil habang gini.grill. kaya wala ng time para sa paggawa ng sauce. Every day need ko mag pack ng 200 pcs. Saka simpleng sawsawan lang din naman yun. Suka lang saka tuyo na mix na daan. Igo nalang ako sa pag pack. Nasa 1 Gallon din yung ipa.pack ko. Tapos dadaanan ang ng anak ng Tito ni hubby dito sa bahay. Kaya now lang din nakapag online dito.
Kamusta mga ka noise. ? Sana ay okay ang thursday ninyo. dito maganda ang panahon ngayon pero nakatanggap ako ng advisory galing sa app sa cp ko na may chance na magkaka.thunderstorm mamaya kaya inexpect ko ang pag ulan mamayan. Anyway have a great day to all.
Ako heto inaantay ko si rio dumating para kunin itong mga sawsawan. Advance good noon to all.

Dapat sana Friday - Sunday lang ang part time job ko dito. Kaso, Hindi makakapagduty yung tuka ngayon kaya tinawagan ako ni tito ni hubby na ako daw muna mag duty kasi wala daw yung isa. Kaya heto ako ngayon nagtitinda nga tinap.an. Kinuha ako kanina ni rio kasi wala yung motor. Syempre ako okay lang ng okay. Yun pa na may extra income na naman ako ngayon na 300.
Kamusta guys? Sana ay okay ang wednesday ninyo so far. Magandang hapon sa lahat. Naway mag tuloy tuloy na ito na walang ulan.
Dahil maganda ang panahon, saka madami na din akong labahin. Heto ako ngayon naglalaba. Katatapos ko lang mag almusal. Medyo natagalan kasi ako sa talipapa kasi nakita ko kaklase ko noong high school. Di ko siya napansin, siya ang tumawag sa akin. Akalain mo yun, dito pa kami nagkita ulit. Nakapag asawa pala siya ng taga dito. Sabi niya sa akin matagal na daw niya akong nakikita na nag momotor. Minsan kasama si hubby, pero di siya maka tyempo ng tawag, e kanina namili din siya kaya tinawag na niya ako. Ayun nagkumustahan muna kami. May magagalaan. na ako ngayon dito na taga sa amin. Maliban sa pinsan niya kasi wala na akong ibang napupuntahan. Kaya sabi ng kaklase ko this Saturday daw birthday ng Mr. niya. Punta daw ako. Sabi ko naman di ako mangangako pero ta.try ko. Ayun nag palitan kami ng number.
Kaya heto tanghali na ako nakapaglaba. Pero no worries. Madali lang din naman ito. Kayo mga ka noise, ano gawa niyo jan? Good morning nalang ulit sa inyo.
Been days na bino.bother ako ng mga panaginip ko. It felt so real na kahit hanggang sa paggising ko iniisip ko pa din ano ibig sabihin nito. Alam mo yung naaalala ko kung ano napanaginipan ko. Tapos maiisip ko kung mangyayare ba yun kasi parang totoong-totoo eh. Naalala ko tuloy yung nakita ko sa tik-tok. Once daw na paggising mo naaalala mo ang yung panaginip ibig sabihin daw noon may mensaheng ipinaparating saiyo. Kaya hanggang ngayon yun ang naiisip ko. As much as I want to, pinipilit ko nalang kalimutan kasi baka bunga lang yung ng pagod ko kaya kung ano ano napapanaginipan ko pero pagdating ng sususnod na umaga, ganun na naman. Kaya ngayon, medyo matagal ako nakatanga sa kakaisip ano ba nangyayare sa akin.
Anyway its a good start of the day so far. Magand ng umaga dito sa amin kasi lumabas na si Mr. Sun. Althougj kagabi umulan ng medyo mahina pero di nman masyadong nagtagal.
Hoping that you all had a good start of the guys. Its a new day na naman kaya bagong pakikibaka na naman ang ating gagawin. Have a great day ahead to all. Good morning everyone.
Maggagabi na mga ka noise. Oras na naman na need natin maghanda ng panghapunan. Ako nito magluluto lang ako itlog kasi ako lang mag isa ang kakain. Kasi sumama si hubby sa tito niya. At sigurado akong makakakain yun doon. hehhehe. Anyway kamusta ang araw niyo po so far? Sana ay okay lang po. Magandang gabi po sa lahat.
Natatawa nalang talaga ako ngayon. Alam mo yung may namatay dito malapit sa amin. Tapos dahil malapit na ang election, nag-uunahan ang dalawang kandidato na tumatakbo for mayor, sa paglagay ng tent o ano ba tawag doon . Tapos sa mga tent may mga nakalagay na pangalan ng mg kandidato. Sabi tuloy ng kapitbahay ko, dahil daw election kaya ang dali daw nila tumulong kesyo nag papabango daw. Samantalang noong namatay kapatid nila last year, sila pa daw ang kumuha sa barangay ng mga tent saka mesa. Pati sasakyan daw na kinargahan sila pa ang naghanap. Tapos ngayon, kanya kanya daw ang mga kandidato. hahahah. Iwan ko nalang talaga.
Pero anyway, good vibes lang tayo. Bahala na sila diyan. Good morning sa inyo mga noisemate. Ngayon lang ako nakapag online kasi medyo n busy ako kanina. Andito kasi kanina yung tito ni hubby. Tinitignan yung manok na gagamitin nila sa 3 wins this coming April 10. Nagdala kasi siya ng bangus na kikilawin saka karneng manok. Nalaman kasi niya kgabi na walang trabaho si hubby. Kaya heto at nandito siya, kasama yung anak niyang lalake. Katatapos lang namin mag agahan kaya busog ba si ako, tapos heto na naman malapit na naman mag tanghalian.
Anyway have a great day guys. Enjoy this tuesday and choose to be positive lang tayo. Kahit paman sa mga negatibong nangyayare sa ating mga paligid. Wag lang po tayo paapekto. Good morning once again po.
P.S. sobrabg init naman po dito sa amin. Sa inyo din po ba?
Buti nalang madali lang pala ako dito, nasa 265 ang number. At yung sa akin # 271. Kaya maaga ako makakauwi ngayon. Medyo kunti lang daw pala ang nagbabayad ngayon. Halos kaninang umaga daw nagbayad yung mga may due date.
Anyway mabuti nalang at nagdala ako ng payong kasi nag simula ng umulan kahit na maaraw. Iwan ko nalang talaga sa panahon ngayon. Magandang hapon po sa lahat.
Yung panahon dito sa amin, di mo malaman kung uulan ba o hindi. Yung tipong biglang itim ng langit tapos sobrang init naman. Kaya nagdadalawang isip tuloy ako kung magbabayad ba ako ng kuryente. Pero pag di naman ako magbayad baka putulan naman kami bukas. Ah. Bahala na. hehehe
Tapos na nga pala ako maglaba guys. Madali lang ako natapos kasi pang 3 days lang na labahin yung nilabhan ko. Saka yung mga puti, bukas ko na kukusutin. Medyo nagkaantsa kasi kaya binabad ko muna. Malapit na pala mag 1 pm guys kaya magtatanghalian muna ako. Happy eating to all.
Done with breakfast na kaya laba dami na naman si ako. Dahil lunes ngayon at malapit na mag due ang bayarin ng kuryente namin. Kaya later, pagkatapos ko maglaba pupunta akO ng MORESCO-I. Pero ngayon, maglalagay na muna ako ng tubig sa washing machine ng makapagsimula na ako. Be back later guys. Good morning ulit. Have a great day ahead guys.
Masakit talaga sa heart ano? Yung tipong excited kana tapos enexpect mo na. Yun pala di mangyayare o di matutuloy. Parang yung feeling na ang high mo tapos biglang bagsak kaya lagapak ang resulta. What a life ika nga nila.
Good morning noisers, its monday. Another day of the week to start sa lahat ng bagay na nais natin gawin. Hopefully this week will be a good one. Andaming nangyare last week. So hoping this week mas productive pa tayo.
Positive vibes lang always guys and keep smiling. Happy Monday to all. God bless everyone.