Its been days na walang tigil ang pag ulan. Hanggang ngayong umaga ay umuulan pa din. Share ko lang po yung kuha ko kahapon ng hapon. That was around 5:00 pm sa my uptown balulang. Grabe ang traffic at baha ng tubig. Yung mga sasakyan na tulad ng sa taxi na medyo mababa ay di makadaan patungong Lumbia o sa grand europa kasi mataas na ang tubig sa may phase 4. Kaya ang resulta ang taas ng traffic kahapo. Mula kasi alas 2:00 pm kahapon grabe ang buhos ng ulan. Sobrang lakas. Kaya ang resulta baha sa mga daanan. Akala ng iba bagyo na po ito, pero low pressure lang po pala. Sana ngayong araw di na masyadong malakas ang ulan. Dahil nagsisismula ng magkaroon ng landslide sa dinadaanan namin kagabi. Sa ilang araw ba naman na lakas ng ulan saka buong araw pa kaya yung mga kalupaan ay medyo nagla.landslide na. Anyway its a friday morning guys. Sana ay maganda ang maging gising ninyo ngayon. Ang iba sa atin ay gising na pero yung iba ay siguro tulog pa. Sa lamig ba naman ng panahon. Maaga ako nagising kasi maglalaba ako ngayon. Saka dadalhin ko mamaya sa laundry shop para ipa dryer ko. Mukhang wala pa kasing plano tumigil si ulan tapos basa pa mga uniform ni hubby. Pag doon ko pa kasi ipapalaba di ko mkukuha agad. Pag pina dryer ko lang kasi, mas inuuna nila. Kaya heto maaga ako nag washing. Good morning po sa lahat. Have a great friday. Sana maging maganda ang buong araw natin ngayon. Ingat and keep safe guys.
3 comments
Maulan pala diyan sa inyo sis ingat kayo...
oo sis. Ilang araw na din na naulan. Tapos last 2 days ago ang lakas ng ulan. Heavy rain talaga kaya medyo may landslide na doon sa dinadaanan namin.
Good morning dear, happy Friday