read.cash Log in
@shamkylan28

Hirap magpanggap na hindi tayo nasasaktan sa mga salitang binitawan ng mga mahal natin sa buhay. Akala nila, okay lang sa atin kasi di nila tayo nakikitang umiyak dahil sa mga sinasabi nila. Di nila alam na patago akong umiiyak kasi ayaw kung makita nila na sobrang lambot ko. Minsan natatanong ni hubby bat daw ako naiiyak. Mabuti nalang at palage niya akong pinapakinggan sa mga sentimento ko. At andiyan lang siya lage para sumuporta at mag bigay advice sa akin. Minsan sa mga magkakapatid di maiiwasan ang mga bangayan at tampuhan. Minsan kahit malayo kayo sa isat-isa may time pa din na nag.aaway kami. Hirap talaga pag di mo masabi lahat ng gusto mong sabihin. Sakit sa dibdid. Alam mong alam mo na ikaw ang mali pero nasasaktan pa din tayo sa mga salitang nababasa o nadidinig natin. Masayahin akong tao, pero kahinaan ko ang pagtatago ng nararamdaman ko pag nasasaktan ako. Inaadmit ko naman na may pagkakamali ako pero sana wag naman nila pasobrahan yung mga salitang binibitawan nila. Sorry po kung nag senti ako dito. Pasensya na po. Magandang gabi po sa inyong lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.