Minsan talaga di natin maiiwasa na maging mainitin ang ulo kahit umagang-umaga. Lalo na pag bago kang gising tapos iba pakiramdam mo tapos may mag jo.joke sayo. Siguradong iinit talaga ang ulo mo. Anyway its a cloudy or gloomy morning here. Baka uulan na naman yata ngayon. Balita ko may LPA na naman na nakapasok sa PAR kaya ganito ang panahon dito sa amin. Grabe talaga ang panahon ngayon. April na April pero laging naulan. Di tulad noong mga nakaraang taon pag ganitong buwan ang init init na lalo pat papalapit na ang May. Baka ito na talaga yung epekto ng climate change. Sabi nga ng mga matatanda, tumatanda na daw ang daigdig. Kasi yung dapat sana na season ngayon ay di nasusunod. Imbis na tag-init nagiging tag-ulan na daw. Good morning noisers. Today is tuesday, at dahil sinipag ako ngayon kahit parang naulan, maglalaba pa din ako later. Lalo na at mamayang hapon ay mag papart time job na naman ako sa tinap.anan. Wala kasi yung dapat sana magtitinda ngayon kaya natawag ang tito ni hubby na ako daw muna ang magbantay. Kaya syempre go ra lang si ako. 300 pesos n din yun. Plus yung bayad pa sa paggawa ko ng sawsawan. Heheheheh Anyway good vibes lang tayo. Have a great and nice day ahead to all of us.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet