read.cash Log in
@shamkylan28

Natatawa nalang talaga ako ngayon. Alam mo yung may namatay dito malapit sa amin. Tapos dahil malapit na ang election, nag-uunahan ang dalawang kandidato na tumatakbo for mayor, sa paglagay ng tent o ano ba tawag doon . Tapos sa mga tent may mga nakalagay na pangalan ng mg kandidato. Sabi tuloy ng kapitbahay ko, dahil daw election kaya ang dali daw nila tumulong kesyo nag papabango daw. Samantalang noong namatay kapatid nila last year, sila pa daw ang kumuha sa barangay ng mga tent saka mesa. Pati sasakyan daw na kinargahan sila pa ang naghanap. Tapos ngayon, kanya kanya daw ang mga kandidato. hahahah. Iwan ko nalang talaga. Pero anyway, good vibes lang tayo. Bahala na sila diyan. Good morning sa inyo mga noisemate. Ngayon lang ako nakapag online kasi medyo n busy ako kanina. Andito kasi kanina yung tito ni hubby. Tinitignan yung manok na gagamitin nila sa 3 wins this coming April 10. Nagdala kasi siya ng bangus na kikilawin saka karneng manok. Nalaman kasi niya kgabi na walang trabaho si hubby. Kaya heto at nandito siya, kasama yung anak niyang lalake. Katatapos lang namin mag agahan kaya busog ba si ako, tapos heto na naman malapit na naman mag tanghalian. Anyway have a great day guys. Enjoy this tuesday and choose to be positive lang tayo. Kahit paman sa mga negatibong nangyayare sa ating mga paligid. Wag lang po tayo paapekto. Good morning once again po. P.S. sobrabg init naman po dito sa amin. Sa inyo din po ba?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.