read.cash Log in
@shamkylan28 more from that month

Dahil maganda ang panahon, saka madami na din akong labahin. Heto ako ngayon naglalaba. Katatapos ko lang mag almusal. Medyo natagalan kasi ako sa talipapa kasi nakita ko kaklase ko noong high school. Di ko siya napansin, siya ang tumawag sa akin. Akalain mo yun, dito pa kami nagkita ulit. Nakapag asawa pala siya ng taga dito. Sabi niya sa akin matagal na daw niya akong nakikita na nag momotor. Minsan kasama si hubby, pero di siya maka tyempo ng tawag, e kanina namili din siya kaya tinawag na niya ako. Ayun nagkumustahan muna kami. May magagalaan. na ako ngayon dito na taga sa amin. Maliban sa pinsan niya kasi wala na akong ibang napupuntahan. Kaya sabi ng kaklase ko this Saturday daw birthday ng Mr. niya. Punta daw ako. Sabi ko naman di ako mangangako pero ta.try ko. Ayun nag palitan kami ng number. Kaya heto tanghali na ako nakapaglaba. Pero no worries. Madali lang din naman ito. Kayo mga ka noise, ano gawa niyo jan? Good morning nalang ulit sa inyo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.