Good day to you fellas!
So for today's article, mag-ta-taglish na muna tayo, kasi naubusan na naman ako nang english, hihi.π Actually, I was supposed to publish another article yesterday aside from the other one which entitled "24 hours with you!" , pero kasi, pumunta sa bahay namin yung isa ko'ng cousin dahil nagpa-manicure at pedicure ako sa kanya, kaya hindi ko na natapos yung isa ko pang draft. Naubusan din kasi ako nang topic at nahirapan na ako na dugtungan yung draft.
Time-first muna tayo sa love stories, wala pa kasing bagong update. So I decided na ito na muna ang i-si-share ko ngayon, I don't mind kung magugustuhan niyo ba or hindi, at least alam ko na may suporta pa rin akong natatanggap sa inyo, malaking blessing na yun para sa'kin.
So here it is...
Pre-love Clothes. Ito yung mga bagay na aside sa pagiging mas mura, madali lang siyang hanapin sa mga tindahan. Common na tawag dito is "ukay-ukay". As what I have observed, kadalasan, ang mga tao, especially dito sa amin ay mahilig talaga sa mga ukay na damit. Kasi ang sabi, "mura na nga matibay pa." At isa na ako dun sa mahilig bumili at magsuot nang mga Pre-loved na damit.
Ako yung tipo nang babae, na hindi mahilig sa mamahaling damit talaga, promise. I don't like buying my clothes in malls or big stores, kasi nga, aside sa mahal yung price, eh madali lang matastas yung tahi. Kaya pag bumibili ako ng damit, pumupunta talaga ako sa tindahan nang "ukay-ukay."
Mostly, my clothes were Pre-loved items. Hindi rin ako mahilig sa "fashion-fashion thing," gusto ko lang yung simple lang na pananamit, kahit nga pumupunta sa town, naka shorts at t-shirt lang ako, but depende din naman sa pupuntahang lugar.
Nag-start ako sa hilig ko'ng ito, when I was in high school. Dati kasi, pag nasa manila ang kapatid ni papa at umuuwi sila dito sa probinsiya, ang dami talaga nilang pasalubong, especially na mga damit. Pero, as for me, gusto ko naman, kaya lang talaga, hindi matibay yung tahi niya, kaya ang dali lang din masira.
One time, pumunta kami ni mama sa town and napansin ko na agad na may naka-hanger na damit at ga-bundok na ukay, yun pala nag-sale yung may-ari nang tindahan. So ayun, pinuntahan namin ni mama agad-agad. Yung prices niya, ranges from Php 10.00-Php 150.00 or nasa estimated na $0.20-$3.13 lang, depende sa item na mapipili mo. Tas ang sabi may pa "3 for 100" na promo. Diba, ang mura. At dun ako unang-una nahilig bumili nang mga Pre-loved na items, at ang dami din naming nabili nun, hanggang sa nag-college ako, even until now. Nagkakaroon lang ako nang mamahalin na damit pag binibilhan ako ni MGD, ni papa at mama, at kung gusto ko lang. Nag-o-order din naman ako online pero madalang lang din.
Para sa'kin kasi, "kahit simple ka lang manamit, kung alam mo pa'no dalhin yung sinusuot mo, maganda ka parin tingnan."
May kasabihan din tayo na, "Simplicity is Beauty!"
Pero depende sa nagdadala nang damit lang din yun na.apply noh!π
Na-observe ko din sa ating mga Pilipino people, mahilig talaga tayo sumunod sa fashion trends. Common thing, yung korean na fashion style. Mahilig naman ako sa k-drama, pero sa wearing style nila, hindi ako fond dun. Kasi nga, kung mapapansin natin, balingkinitan yung katawan nila, tas kung i-compare sa'kin, naku, wag na lang, HINDI TALAGA BAGAY! hahaha More on t-shirt lang talaga ako. Napagkamalan na din akong "Tibo" dahil dun. Nakakapagsuot lang ako nang mala-kikay na damit if my special occasions, pero pag pangkaraniwang araw lang, ay naku...wala nang pili pili pa, sa Pre-loved na yan! Madalang lang din ako nagsusuot nang walang sleeves, pinapagalitan din kasi ako ni papa pag ganun sinusuot ko.Especially na ngayon na tumaba ako, haha.
Kaya san kapa? Tara!
Mag Ukay-ukay na!π
Lead Image : shopee.ph
Thank you so much for spending your time!πβ€οΈ
Special thanks to my sponsors, friends, and upcoming friends.π
Praise be to God!π
ayh relate na relate ako dito. Halos lahat ng damit ng kids ko preloved kasi mas matibay at mabranded pa. Ngtitinda din ako ng mga ukay2,besheets, pillow case and kung ano ano pa.