July 02, 2021
Greetings!π
How's the celebration of your 1 BCH achievement or more yesterday fellas? How great it was?
Congratulations to all of you, once again!ππ
For today's article, let me share to you about my day today. At mag-ta-taglish muna ulit ako ngayon kasi parang lutang ang utak ko sa nangyari kanina.
I hope you don't mind.π
Yesterday, I had published an article regarding my dream about having a family, at nabanggit ko sa may pinakaunang part nang article yung about sa paghingi ko nang tawad sa commentors ko sa platform na'to for my late responds or replies. At dahil yun kasi sa pagiging busy ko konti about sa evaluation of documents for the Teacher's Rankings na inapplayan ko. And I was so thankful na naintindihan naman nila/ninyo.
So today, its my third day na pabalik-balik ako sa school for the submission nang mga documents na kailangan for the rankings. The first day kasi nun, hindi tinanggap nang AO(Associate Officer) yung papers ko kasi daw may kailangan ako na i.edit. Eh, malayo-layo pa naman yung bahay namin, mga 45 minutes din yata na byahe thru motorcyle lang tas mainit pa. So ayun, I just decided na ipagpabukas nalang yung pagpasa kasi baka din hindi ko na mahabol yung na-set na time for submission.
And kahapon naman, bumalik ulit ako, na-edit ko na yung mga pina-edit na documents at ready na siya para i-submit ulit. Sa wakas, tinanggap na. And pagkatapos umuwi na ako sa bahay mga 11:30 yata yung time na dumating ako. Ang init sa byahe, as in, talaga, tas may mild cough pa ako. After lunch kahapon, I decided na magsulat nang article, which was yung na published ko kahapon. Ayun na, nag-online ako ulit mga bandang 3:30 yata or ewan, basta hapon na yun.π And pagka.open ko na sana sa read.cash account ko, ayun nagsulpotan na yung mga chats sa gc namin nang mga applicants din. Nag.post pala yung AO na may additional pieces of requirement na kailangan namin ipasa. At naka-indicate pa na hanggang 4 pm lang daw. Ayun, naloka na ang lola niyo kasi, pagka-basa ko sa gc, malapit na mag-4pm. Kaya nag-dm ako sa AO, kung pwede ba na ipagpabukas na ko nalang ulit yung pagpasa sa additional documents na kailangan kasi malayo-layo yung byahe at hindi na rin naman na ako makaka-abot sa time. Aba'y na-seen zone ang lola niyo.π
Buti na lang, nabasa ko yung isang message nang isa pang applicant tungkol sa mga late na submission of documents at nireplayan naman nang AO na, "pwedeng ipagpabukas na lang yung mga late, pero half-day lang ako tomorrow."
Eh' yung mama ko, nairita na. Bakit daw kasi ganito, ganyan? Hindi man lang daw inisip na malayo yung tinitirhan nang mga ibang applicants. Sinabihan ko si mama na,
"Ma, kalma lang, ano bang magagawa natin, tayo yung may kailangan din, sumunod nalang tayo."
"Pasasaan pa't matatapos din to."
"Kaya, chill ka lang mader!π"
Tinawanan ba naman ako ni mama, haha.π
The next day...
I woke up around 6:30 in the morning para maaga din ako makapunta pabalik sa school, dala yung documents na kailangan for the additional requirement. Sinamahan ako ni mama na pumunta dun. Pagkarating ko sa school mga bandang 9 am na yata yun, hindi rin naman ako mabilis gaanong mabilis magpatakbo ng motor lalo pa't kasama ko si mama.
At the school...
Pagkadating ko sa office, may tatlong applicants na nakapila labas, kasi nga bawal yung magsiksikan sa loob, dapat social distancing dahil may covid. hihi.. Yun naghintay lang ako na tawagin. Tas nung turn ko na, binigay ko na yung documents, ayun, abirya na naman. Yung sa voter's i.d. daw dapat yung voter's certification daw yung ipasa. Kaya lumabas ako sa office, tas pumunta kami ni mama sa comelec office para kunin yun. Hiningal kami ni mama kasi yung office nasa third floor pa nang building. Pero kinaya naman. After nang pagkakuha, bumalik ulit ako sa office nang school and another abirya na naman ulit. Kasi may bagong release na format sa omnibus certificate. Binigyan ako ng isang copy nang AO at kailangan ko daw i-photo copy apat na copies. Lumabas na naman ulit ako sa office. Nabagot na si mama kakahintay sa labas, tas ang init talaga, grabe. Naghanap kami nang computer shop at pina-photo copy ko yung format na binigay sa'kin, tas bumalik ako sa office nang school.
Pagkahaba na nang pila sa labas nang office, tas ang tirik pa nang araw. Buti nalang at yung isa na applicant na kakilala ko, pinauna ako sa pila kasi alam niya na pabalik-balik na ako sa office. At buti nalang din yung iba na nakapila, naintindahan naman yung nangyari. Ayun nauna ako na pumasok, at sa wakas tinanggap na lahat yung documents ko. Ininform ako nang AO na sa July 9, kailangan ulit namin bumalik dun. Pagtapos ko dun, umuwi na kami ni mama sa bahay.
The End...
Hay Buhay! Parang Life!π
Ganun talaga, aplikante kasi, kaya tiis-tiis muna. Alam ko na hindi pa natatapos dun ang challenges, kaya kailangan ko maghanda. hihi..
Anyways, Thank you so much for baring your time with me my fam.πβΊοΈβ€οΈ
Hindi talaga madali ang buhay, Kailangan munang dumaan sa maraming hamon o pagsubok bago makamit ang inaasam na tagumpay! jemmaaa..hahaπ
God bless us all!π
Keep safe everyone!π€
Grabeee. Ramdam ko po ung pagod niyo. π€§ Pero tiis tiis lang talaga. Fighting! πΉ