Akala ko, mahirap na 'yong hindi mo alam kung anong gusto mong maging.
Mas mahirap pala kapag alam mo kung saan ka dapat papunta, pero nawala ka sa kalagitnaan. Hindi mo ngayon alam kung babalik ka ba sa simula, o patuloy na mangangapa.
Mas mahirap pala 'yong alam mo kung saan ka magiging masaya, pero may kailangang unahin na mas mahalaga. Wala, magpapaubaya, maghihintay, aasa na may kasunod pa.
Hindi sa ayaw mong umusad— kung anuman, sino ba naman ang ayaw may marating?
Hindi sila. Hindi ako. At lalong hindi ikaw. Nagkataon lang na may mga dagat na sadyang hindi mababaw.
2
$ 0.20
@re-joyce
posted
5 months ago
i feel you po. i am incoming g12 this s.y. at nung jhs alam na alam ko kung anong gusto ko, kung ano yung ip-pursue ko, pero parang isang kisap mata biglang nawala lahat. masakit, nakaka drain mag isip kung saan ka na ba patungo. kumbaga, you're just going with the flow nalang kasi ang hirap eh, literal na ang hirap maging mahirap. pipili ka talaga kung yung gusto mo or pagiging praktikal. may nabasa naman akong libro na sabi katulad sa pag park ng sasakyan, pwede namang balikan. pero yung tanong kasi, pano pag huminto, may kasiguraduhan bang makakabalik pa? anywys, sending virtual hugs with consent! ><