Ang mga magulang natin ay may binibigay na espesyal na pagmamahal sa ating mga anak. Kwento ko lang po ang pagmamahal ng tatay ko sa amin ng mga kapatid ko at buong pamilya namin.
Para sa akin, ang tatay ko ang pinaka da best sa lahat kasi gagawin niya lahat para lang mabuhay kami. Nagta trabaho siya sa marangal na paraan para buhayin kami. Halos di siya magpapahinga at hindi siya nakaka uwi ng bahay.
Dahil nga don hindi namin alam na may sakit na pala siya, nalilipasan siya ng gutom at napupuyat palagi.
Bago isugod sa hospital ang papa ko tumawag muna ng ambulansya at doon binuhat na siya palabas. Sobrang nakakalungkot ang nangyari, sa paglabas niya ng pinto namin ay naka ngiti siya na parang walang problema. Sobrang iyak ko nung araw na yon dahil nasa taas ako naka silip sa bintana ng makita ko ang papa ko na naka ngiti habang isasakay na sa ambulansya.
April 1, 2020. Sinugod siya sa hospital dahil hindi na siya maka tayo nanghihina ng sobra at hindi na rin maka usap. Ilang oras sila sa hospital ni mama at ng ate ko. Napaka lako ng nagastos ng kuya ko buti nalang ay may trabaho siya.
Gabing gabi na ng maka uwi sila, nalaman namin na na mild stroke pala ang papa ko, nung gabing yon hindi na siya naka akyat sa taas dahilan nga sa sobrang nanghihina. Binaba na ang kama ng kuya ko para sa baba na matulog ang papa ko.
Kinabukasan nakakalungkot na makita na yung papa ko hindi na talaga maka lakad, inaalalayan nalabg siya ng asawa ko at mga kapatid ko. Ang sakit sa puso na nagka ganon ang tatay ko dahil sa pag sasakripisyo niya sa amin. Ngayon inaalagaan namin siya at medyo okay na siya pero hindi parin nakaka lakad ng maayos, kaya niya na mag isa tumayo minsan na lang siya mang hina o hindi maka tayo.
Maraming salamat kay papa god hindi niya pinabayaan ang papa ko at sa mga blessings na dumating dahil napaka laki ng nagastos ng mama at kuya ko. Lalo na ngayon pang lifetime ang gamot ng papa ko ang mamahal sobra ng mga gamot niya.
Kaya kayo dapat ay lagi niyo babantayan at tatanungin ang tatay niyo kamusta naba ang naramramdaman niya, dapat ay laging masaya at laging kinakamusta para iwas stress. Ngayon lagi na nakatawa ang papa ko at malakas na ulit mang trip.
Ako din, sa tuwing nagkakasakit papa ko, umiiyak ako... syempre Mahal na Mahal ko yon eh... Mga tatay natin Kasi kahit nahihirapan at napapagod na Hindi umaaray... Kaya habang buhay pa mga magulang natin, iparamdam natin na Mahal natin sila...