Pamana
Mayroon akong lola, galing sa isang mayaman na pamilya noong panahon nila. Close kami ng lola kasi sakanya ako kumali nung medyo hindi pa siya ganon ka tanda nag tatrabaho pa siya, lahat ng gusto ko binibigay niya kasi mabait ako sakanya kaya mabait rin siya sa akin. May isang kwento siya sa akin about sa pamilya niya, isang dosena silang magkakapatid at may kaya sila sa buhay. Mayroon siyang ate na ang sabi niya ay aswang daw pero hindi ko alam kung maniniwala ako. Nung nagka sakit ang lola ko kinakausap niya ko ng masinsinan kaming dalawa lang, mahina lang ang boses niya. May binibigay siya sa aking maliit na bagay na kulay puti pinipilit niya kunin ko pero natatakot ako kaya kinuha ko pa rin pero binigay ko kay mama. Ang sabi ni mama yung kulay puti daw na iyon ay pamana ng angkan hanggang sa kung kanino daw mapunta sa pamilya. Yun pala gusto isalin sakin ng lola ko yung pagiging aswang niya ata hahaha pero hindi ko tinanggap kasi ayaw ng nanay ko, tahimim lang ang buhay namin. Ngayon mabuti na ang lola ko waka ng siyang sakit at nai tapon na yung kulay puti na yon.
30 comments
Tunay pala ang aswang kala ko kasi kathang isip lang yun pero buti nlang hindi mo po tinanggap yun haha sanay dadami pa aswang dito pero di ko rin sure kung tunay........ayy pa subscribe po palike din ng articles ko salamat
bulong palang ng lola ko nakakatakot na eh haha yun pa kayang mag tanggap ako ng bagay sa kanya. ang creepy.
sana all my pamana.hehe.. ano ba yan maam nakalagay pa sa ataol?o pamamanahin ka ng isang million?hehe
hindi ko po alam eh haha basta yung lola ko nung may sakit kinuha niya sa bibig niya yon eh haha natatakot ako
Totoo yun sis, kala ko sa tv lang yung mga ganun kasi hindi talaga ako paniwalain sa ganyan.yubg isasalin yung puting bato..buti hindi nanghina lola mo kasi diba parang yun yung power nila..?heheh ayun lang sa napanood ko sa mga tv..
yun nga po kala namin kasi mawawala na siya kaya siguro binibigay na sakin yung anting anting niya hehe
so ibigsabihin hindi din pala totoo yung nasa television na kapag binibigay na yun is mamamtay or mawawala na yung may ari nun kaya niya pinapasa..! ang ganda sis dami kong natutunan na kababalaghan,yung tipo na hindi ka maniniwala pwro dahil sa mga patotoo ng iba talaga they exist talaga..
hindi ko alam sis hahaha based lang to sa na experience ko eh, siguro totoo rin
totoo ba to? i mean based on your life ba ito o just a story you made?
sa lola ko sis ano kaba hahaha. di nakaka paniwala no pero toto siya nakaka kilabot yung mga araw na yon
creepy... haha.. pero mabuti din na hindi mo tinanggap. ateast mabuti pa din ang nasa puso mo.
hahaha buti nga hindi ako naging aswang eh nakaka takot talaga yon. mahahati katawan ko
totoo? hala. akala ko myth lang yun. is this serious?
bata pa ako non sis syempre kapag bata wala pang alam sa mundo kaya ako yung naisipan bigyan ng lola ko
May ganitong istorya din mama ko, sis. But hindi pagiging aswang ang pamana.
mabuti po yung sayo hindi katulad ng akin, so ano pong nangyare hehe anong pamana po yon?
Nakaka takot naman kung ganun may lahi aswang.. Pero saan kaya nakukuha ang ganun.. Ng ma aswang ko ung pogi kapit bahay namin..
hahaha hindi ko po alam eh. try mo po, ikaw na mismo ang mang aswang sa kapitbahay niyo hehe
Is this a real story? Cause I heard same story like this Doon sa Amin... Totoo ba mga bato galing sa bunganga nila?.. curious lang ako...
totoo sis nakita ko sa lola ko eh tska yung ate ko dito samin ang kwento niya ganon din gaking sa bunganga ng matanda.
Kasi may kilala din ako sis, kwento nya mismo nanay nya daw... Takot nga daw sila lumapit pag tinatawag sila baka daw ibigay SA kanila Ang iluluwa Ng nanay nila... Sabi nga nila tinatali daw nila nanay nila lalo na pag Gabi...
weh totoo nga talaga mga aswang haha lola ko kasi hindi ko pa nakita maging aswagn eh
Maybe... May mga kwento Kasi akong Alam na totoo Yan eh...
Hala totoo to? Nakakatakot naman. Di ba nanindig balahibo mo nung kinuha mo yung kulay puti? Seriously? Maga ganito pala.
totoo sis hehe pero hindi ko kinuha kasi nakakatakot eh parang alam ko na may ibig sabihin.
Ayaw mo maging aswang ? Anyways ikaw naman ang bahala dyan buhay mo naman yan. Kanino Na ng Lola mo pinapa mana aber?
Ayaw ko maging ganon. Pina tapon na ni mama kasi baka ano pa daw mangyari sa akin.
Ano ba yn kakatakot nman yang story mo😣😣
oo sis lalo na kapag ikaw yung andon kausap mo masisinan yung lola mo grabe talaga hehe
Ang creepy nman like seriously? Ako laking gubat ako I mean nasubukan namin tumira sa bundok wlang mga kapit bahay pero di ko nasubukan may kakilala or sa lahi namin na may aswang.. katakot naman pla lola mo ? Buhay pa nmn lola mo? Kase di daw yan sila namamatay hanggat wlang masasalinan.. may kapit bahay kasi kami dito aswang din daw tanda na talga di pa rin ma deads kasi wla mapasahan. Wla tumtanggap nang bato nya 😁