Hello mga mommy at magiging mommy palang. Naranasan niyo na ba ang mamanas? lalo na habang ikaw ay nag bubuntis at kung normal sa katawan mo na maging manas.
Ako kasi simula nung nalaman kong buntis ako 2nd trimester na, uanng kina takot ko talaga ay yung maging manas ang binti at paa ko kasi baka mahirapan daw ako sa pagluwal sa anak ko. Inisip ko lahat ng bagay para hindi ako mamanas, ginawa ko lahat at ginagawa ko pa rin hanggang ngayon kasi 3rs trimester kona at malapit na ako manganak.
Nanood ako sa youtube at nagtanong sa mga mommy dito sa amin, ang sabi nila ay daoat masipag kalang mag lakad at iawas sa kanin lalo na kung ito ay bahaw o lamig na. Iwas din daw sa matatamis dahil nakaka laki ito ng baby.
Ang hindi ko maiwasan ay yung pag kain ng matatamis kasi nawawalan ako ng gana kapag hindi ako nakaka kain ng matamis. Araw araw akong naglalakad para maiwasan nga ang pamamanas.
Ang mga kapit bahay ko na mga nanay at mga kaibigan ako ay lagi akong inaasar na manas na daw ako mukha ko lalo ang aking ilong pero ayos lang yin dahil iniisip ko talagang delikado ay yung legs ko at paa. Pero hindi pa naman talaga ako manas, salamat kay papa god at hindi ako na manas. Sana ay hanggang sa pag labas na ng anak ko ay normal ako.
Kahit na minsan ay hindi ako nakaka pag lakad lalo na kapag umaga minsan din ay hindi ako nakaka pag paaraw pero ayos lang din yon kasi hindi pa ako namanas.
Kung manas man ako ay ka onti lang at sana hindi ito maka apekto sa sakin at sa baby boy ko. Sana hindi niya ako pahirapan sa pag labas niya dahil excited na kaming lahat sa pag labas ni baby.
Ang una kong nalaman para hindi mamanas ay ibabad ang paa sa mainit na tubig pero hindi ko ginagawa iyon dahil nag gaganon din ang papa ko kaya siya nalang. Ang ginagawa ko ay lapag tanghali tinatapak ko sa semento ang paa ko para mainitan, yun din ang sabi ng pinsan ko para daw hindi ako mamanas, at nakakatulong naman siya hehe hindi ako namamanas o sasyang nababawasan lang ng ka onti ang pagka manas ng paa ko.
Manas na medyo ang aking legs o binti pero hindi ko na inisip na makaka apekto ito sa pag papa anak ko kasi lagi din naman sinasabi ni mama sa sakin na hindi naman daw ako manas hehe. May tiwala ako sa mama ko kaya hindi na ako natatakot.
Kaya ayoko talagang magjowa kasi once na magka jowa ka san pupunta yun, diba sa pag aasawa? At kapag nag asawa ka na posible na mabuntis ka at nakakatakot yung maging manas 😅 Grabe pala pinag dadaanan ng mga nanay. Salute to all nanays out there. Sana kahit hindi mothers day magbigay tayo ng message sa kanila at maging masunurin lagi pambayad man lang sa hirap na dinanas nila sa pagbubuntis sa atin.