Alam naman natin lahat kung ano ang word na "chismosa". Sa panahon ngayon yan oinaka bidang salita na maririnig natin lalo na sa ating mga lugar.
Bakit nga ba may mga taong chismosa na walang ginawa kundi ang manira ng ibang tao at magkalat ng mga negatibong bagay sa isang tao.
Lahat naman tayo kapag narinig ang word na chismosa ay iniisip agad na negatibo ang mga binabahagi neto sa iba pang mga kapwa nila tao o chismosa din ang tawag.
Nakakainis isipin na bakit may ganong tao na kailangan pa manira ng kapwa hindi nalang isipin ang kabutihan ng iba para walang kung ano man ang mangyare gaya nalang ng away. Kadalasan nagkakaroon ng away dahil sa pakiki pag chismisan ng mga tao.
Mga mali maling bagay ang binabahagi tapos kapag nalaman ng taong pinag chismisan ay magagalit kaya nagkakaroon ng away.
Sa panahon ngayon dapat ay nag mamahalan nalang tayong mga tao kaysa manira atang tapak ng kapwa natin. Iwasan natin ang paninira ng kapwa natin para din naman ito sa sarili natin para maka iwas sa away.
Sana ay maging palakaibigan nalang lahat ng tao para walang gulo at magtulungan nalang iangat ang mga sarili. Isabay na rin ang pag angat ng ating bansa dahil sa sarili natin ito nag uumpisa. Para rin ito sa kinabukasan pa ng mga susunod na henerasyon. Nakaka sira lang imahe ang pag chichismis sa ibang tao, sariling imahe at imahe ng pinag chichismisan.
Sana ay mabuhay tayong may pagmamahal sa sarili.
korak..hahha may mga tao talagang ganyan mam..